" ANO?! Si Maki nanaman? " Ang malakas na bulyaw ni Mito nang mabilisang agawin ni Maki ang bola sa kamay nang manlalaro ng Hama na Si turoyama. Pano banaman kasi, naka skor palamang ito kanina at ngayon mukhang dadagdagan paata ang triple nitong kalamangan sa kabilang koponan.
" Pano nanaman niyan, naagaw nanaman ni Maki ang bola preh... " Mayabang na wika ni Kyota habang binabantayan ito ni turoyama.
" Wag Kang hambog." Saad lamang nito, pero tinawanan lamang ito ni Kyota Nang Hindi sinasagot. Dahil sa bilis at liksi ni Maki ay tagumpay ang pang -aagaw niyang yon dahilan upang tumakbo uli ito papuntang court nila.
Samantala.
Halos patakbo narin kung pasukin ni hanamitchi ang bukana nang Kanagawa Arena, at nang makatapak Siya sa loob nito ay grabeng sigawan na ang namuo dala nang mga manonood. Sa gitna nang ingay at sensasyong nagaganap ay minabuti Niya nalamang hanapin ang apat na kaibigan na nanonood rin ngayon. Bahagya Niya pang inilibot ang paningin upang mahanap ang mga ito, at nang Makita Niya ang apat ay walang pasubali siyang lumapit sa kinaroroonan nila mito.
Bigla pa Siya nang mapatingin sa scoring screen sa Taas.
" Ano? 110 to 57 ang score? " Ang hindi niya pa makapaniwalang wika, Matapos Kasi nang practice nila ay nagpunta ito rito upang manood.
" Naku! At dadagdagan Niya pa! " Bulyaw pa nito na halos nanlalaki pa ang dalawang mata. Tagumpay kasing naipasok ni Maki ang bola sa ring matapos nitong maagaw ang bola kanina. Sa ngayon ay 112 to 59 ang skor para sa 2nd half, pagod narin ang team nang Hama at talaga nga namang hindi na kakayanin pang lumaban sa number 1 team nang Kanagawa, Ang team ng Kainan na halos umarangkada nang higit labing anim na taon.
" Nice one, Maki! " Ang tila nagyayabang na Turan ni kyota na sabay apir pa rito.
" Ibang klase talaga yang si Maki, kapag kinondisyon niya ang katawan niya tiyak na walang ni isang makapipigil sakaniya." Ito naman ang wika ni Coach Takato na ngayon ay nakaupo sa bench nang Kainan at mataimtim na pinagmamasdan ang imahe ni Maki.
Hindi pa ron nagtatapos at Hindi pa nakutento itong si Kyota at tinuro pa nito ang team nang Hama at Ang team captain nang Hama high na si Kohiro.
" Hindi pa isinisilang ang taong makakatalo kay Maki preh! " Ang nagyayabang pa nitong Sabi na halos tumawa pa ng pang asar na siyang ikinainis nang team nang Hama.
' Ang yabang.'
Ang pabulong na Saad pa nang point guard na Si turoyama. Hindi naman nakalagpas sa pandinig ni hanamitchi ang sinabing yon ni Kyota na nag echo pa mismo sa taenga nang binata.
[ Hindi pa isinisilang ang taong makakatalo kay Maki preh! ]
[ Hindi pa isinisilang ang taong makakatalo kay Maki preh! ]
[ Hindi pa isinisilang ang taong makakatalo kay Maki preh! ]
" Hindi pa isinisilang ang taong makakatalo kay Maki? " Ang mahinang Saad niya habang nakatingin ngayon sa gawi ni Maki. Umiinom ito sa ngayon nang tubig habang nakaupo at kinakausap nang Coach nilang si Coach Takato.
" Ano raw? Hindi pa isinisilang ang taong makakatalo kay Maki." Pag-uulit pang turan nitong si Ikagami habang naniningkit pa ang matang nakatingin ngayon sa gawi ni Kyota.
" Ang yabang talaga nang Isang yan." Dugtong pang Saad ni Koshino. Tila mahinang pagtawa naman ang maririnig ngayon sa ace player nang Ryonan na Si Sendoh.
YOU ARE READING
THE LAST CHAPTER ( Slam Dunk)
Fanfiction" Hindi Tayo mananalo kung ganito Tayo Ngayon.... Para San ba lahat nang to kundi para sa basketball." ----- Sakuragi