CHAPTER 49

37 2 0
                                    

Pagkatapos na pagkatapos iyong sabihin ni hanamitchi eh nakadama bigla Nang kakaiba itong si Ouda. Hindi dahil sa kung sino ang nagturo rito, kundi dahil alam niyang seryoso itong si hanamitchi sa mga salitang binitawan nito ngayon palang. Nakakakilabot man subalit batid iyon ni Ouda, na hindi siya noon gaanong nag-isip kung Ano ba ang maaaring kahinatnan Nang pang iinsulto niyang iyon para sa binata. Ang buong Akala lamang niya kasi ay ibinaon na ito ni hanamitchi sa limot noon.... Pero hindi niya pala inasahang ang pang-mamaliit at pang-iinsulto niyang iyon ay magsisilbi palang daan upang mas magseryoso pa ito sa buhay. Magseryoso sa basketball. Sa isipan niya ay hindi dapat niya sinabi ang mga katagang iyon na alam niyang makakasakit lamang sa damdamin Nito. Hindi man niya aminin subalit masiyado siyang naging mapusok noon at hindi nag-iingat sa mga salitang bibitawan niya. Alam niyang sumobra na siya sa parteng yon, pero ano pa ngaba ang magagawa nang pagsisisi kung nasabi na niya at nakasakit na siya nang iba.

At Sa ipinapakita ngayon ni hanamitchi ay hindi malabong ipimukha lamang nito Sakaniya ang mga salitang yon. Mga salitang sinabi niya rito noon.

" Sakuragi." Ang nabigkas niya nalamang habang pinasasadahan ito nang tingin. Hindi pa nga roon natatapos ang lahat nang magsalita pa ito sa harapan niya.

" Wala kang alam, wala kang alam pagdating sa basketball. Kailanman ay hindi magiging sing laki nang bola ang utak nang Isang baguhang katulad mo." Tila nanlalaki ang mga mata ni Ouda Nang sabihin iyon sakaniya ni hanamitchi.

" Maganda bang pakinggan? Ni Minsan hindi ko nakalimutan ang mga katagang yan. Lagi kong itinatatak sa sarili ko na kailangan Kong galingan nang sa ganon makalimutan ko manlang ang panginginsultong yon, oh kaya kahit papano maging sing laki manlang nang bola ang utak na Meron Ako ngayon. " Yon ang mga salitang namuo bigla sa manlalaro nang Shohoku. Kay Hanamitchi Sakuragi. Seryoso pa nga itong nakatingin Kay Ouda na kakikitaan nang hinanakit kung titingnan ito sa mata, at kahit sabihing matagal na napahanon ang pangyayareng yon ay hindi parin iyon makalimutan ni hanamitchi. Paulit-ulit iyong pumapasok sa isipan niya Hanggang sa pagtulog at maging sa paggising. Ganon ang naging epekto nang mga salitang yon sakaniya, na mismong si hanamitchi eh hindi yon matanggap.

" Matagal na yon, Hindi mo parin nakakalimutan? " Wika pa ni Ouda matapos ay pinasadahan nang tingin itong si hanamitchi. Sa mga sinabi niyang yon ay natawa lamang ang manlalaro nang Shohoku. Pag Singhal na para bang nanunuya.

" Kalimutan? Hahaha! Wala sa bokabularyo ko ang makalimot. Ni isang hibla galing sa mga salitang Yan tandang-tanda ko pa, ni wala akong nakalimutan niisa. " Sa isipan pa ni hanamitchi ay labis labis ang naging paghihirap niya para maabot lamang kung anong meron siya ngayon. Ginawa Niya ang lahat para matuto, kahit gaano pa iyon kahirap. Ngayong nandidito na siya sa puntong to hindi na niya palalampasin ang pagkakataong ipamukha sa kaibigan na Mali ito sa sinabi nito noon. Gusto niyang mabago ang pananaw na iyon nang saganon makatulog na siya nang mahimbing sa Gabi.

Sakabilang Banda naman, halos aligaga Sina Mito sa posibleng mangyare sa loob nang court Lalo nat kausap panaman nila hanamitchi at Ouda ang isat-isa.

" Ano kayang pinag-uusapan nila? " Wika pa nitong si Mito na halos Hindi maipinta ang sarili dahil sa pag-aalala.

" Wag naman sana Silang magsusuntukan diyan." Ito naman kaagad ang banat nitong si Noma matapos ay mariin na napahawak sa Isa sa mga bakal roon.

" Katapusan na ni hanamitchi kung gagawin niya yon." Anas naman ni Oukuso rito. Habang si Takamiya ay tahimik lamang na kumakain nang barbeque na binili nila kanina lang. Maliban sakanila ay ganon rin ang pananaw nila Miyagi at Mitsui. Ibang-iba Kasi talaga ang aura nitong si hanamitchi ngayon. Parang manlalamon Nang buhay.

THE LAST CHAPTER ( Slam Dunk)Where stories live. Discover now