CHAPTER 46

53 3 1
                                    

" pasa mo! "

" Yung bola Dali! "

" Dito! "

" Ok! 15 seconds nalang ang natitira! "

" Ano ba! Ipasa mo! "

" Hanamitchi mag fucos ka."

" Ginagawa ko naman! "

" Team! Mag concentrate! "

Yan ang halos maririnig sa loob Ng gym nang Shohoku. Sa bawat nagdaang Araw ay Wala silang pinalalampas na pagkakataon. Para sakanila ay sobrang mahalaga nang bawat sandali para makamit ang tagumpay.

Halos naging Ganon ang set up, magpa practice ang mga ito pagkatapos nang klase sa umaga at Ganon rin sa naman sa hapon. Si hanamitchi naman, satuwing natatapos ang practice ay bumabalik itong mag-isa sa gym para Gawin ang pag-eensayo nito sa pag shoot.

" Aba, ang aga naman atang mag practice nang Shohoku ngayon." Pasinghal na sambit nitong si Mito Kasama ang barkada habang naglalakad. Mula kasi sa linalakaran nila ay maririnig ang ingay na nagmumula roon.

" Determinado silang manalo." Sagot pa ni noma.

" Balita ko, Takezano ang makakalaban nila." Dugtong pa ni Takamiya sa sinabi.

" Kung ganon, maghaharap nanaman sa Isang laro itong Sila Ouda at hanamitchi." Anas pa ni Oukuso sa mga Kasama. Patuloy lamang nilang pinag-uusapan Ang team nang Shohoku Hanggang sa magpasiya na silang pasukin ang gym.

Nadatnan nila roon ang team nang Shohoku na nagpa practice. 1st at 3rd ang magkakakampi habang 2nd at 4th year naman sakabila.

" Depensa! " Sigaw ni Akagi na tumatayong referee sa ngayon.

" Ano bamaman Yan yabang! Ipasa mo na ang bolang Yan sa Henyong ito at nang makaiskor na Tayo." Maktol pang saad nitong si hanamitchi.

" Maghintay ka, gunggong." Naghihintay Kasi ito nang tamang pagkakataon para maipasa ang bola, mahigpit kasi ang ginagawang pagbabantay ni Mitsui rito. At nang makahanap na nga ito nang tyempo ay kaagad nitong ipinasa ang bola sa nag-aabang na Si hanamitchi.

Tagumpay ang pasang yon dahil tagumpay iyong napasakamay ng binata, at ngayon patakbo na ito papunta sa court nila. Kung titingnan ay parang Hindi na nga talaga ito baguhan pagdating sa basketball. Magaling na Kasi itong humawak nang bola at mabilis narin. Bagay na ikinamangha nang marami. Subalit, hindi pa nga ata ito tapos magpasikat dahil tumira kaagad ito nang 3 points.

" Ano? 3 points? " Ang nabigkas nalamang ni Mitsui habang pinapanood ang bola sa pagbagsak nito.

" NYAHAHAHAHA! Pagmasdan niyong mabuti ang 3 point shot nang Henyo! " Ang pagunggong pa nitong Sabi habang nakatawa. Subalit napawi lamang ang mga tawang yon nang sumablay ang tirang ito.

" HAAAAAAAA?!!!!!!! ANOOOOOO! BAKET HINDI YON NA SHOWT?! " malakas na sigaw nito nang sumablay ang Tira nito sa ring.

" Ang yabang mo, may pa 3 points kapa nang Henyo diyan sablay Naman." Pangangasar na wika pa nitong si Mitsui.

" Sinayang mo lang ang pasa ko, gunggong." Sa pagkakataong ito ay si Rukawa naman ang nagsalita.

" Ano bang pumasok diyan sa kukuti mo at itinira mo yon? " Si Miyagi na halatang dismayado.

" SHARAAAAAAAAP! " Yon nalamang ang salitang lumabas sa bibig ni hanamitchi dahil sa pagkaasar. Halata sa expresyon nang Mukha nito ang inis dahil sa pagsablay Nang tirang yon.

THE LAST CHAPTER ( Slam Dunk)Where stories live. Discover now