CHAPTER 39

95 5 1
                                    

Halos Hindi magkamayaw ang mga manonood Dahil sa pagkapanalo ng Shohoku team laban sa Miyaka high. Tanging ang sipag at tiyaga nalamang ang makapagsasabi sa naging paghihirap Ng shohoku para sa panalong iyon para sa team nila...

[ Grabe! Ang galing! ]

[ Ang lupit niyo Shohoku! ]

[ Rukawa! Ang galing mo talaga! ]

[ Miyagi! Ikaw ang idol ko! ]

[ Mitsui! ]

[ AKAGI! ]

Ang halos sigawan na maririnig mula sa loob ng arena. Maging Ang team Ng Ryonan ay nakahinga Nang maluwag Nang matapos na ang laro.

" Grabe! I-ibang klase ang Shohoku ngayon! Parang nakakatakot na Silang kalaban." Ang hindi namang makapaniwalang Ani ikoichi habang pinagmamasdan ang team ng shohoku.

" Sa wakas natapos rin." Ito naman ang naiusal ni Miyo Nang matapos na ang laro habang na Kay Miyagi ang tingin. Halos lahat nang shohoku team ay hindi magkamayaw sa tuwa dahil sa pagkapanalo. Maging si Coach Anzai na pilit paring nagpapagaling ay tuwang-tuwa sa naging resulta ng larong yon.

" Ang galing! Nanalo Tayo!!!! " Ito ang halos pasigaw na wika ni Iishi Kasama Sina Yasuda, habang papalapit sa direksiyon ng apat na manlalaro sa loob ng court. Pagod namang naghahabol nang pag hinga itong si mitsui habang makikitang tila napaupo pa ito sa sobrang pagod na nararamdaman. Ganon rin naman si Miyagi, nang masiguradong panalo na ay Saka lamang ito nakahinga ng maluwag habang naka pamewang pa. Habang si Rukawa naman ay tahimik lamang na nakatingin sa scoring screen na Nasa itaas.

'panalo kami.'

Ang usal na pasambit pa nitong si Akagi na pansamantang nakatingin ng direkta sa Binti niya. Simula kasi ng mainjury siya noon kontra Kainan ay hindi parin masasabing magaling na nga ito ng tuluyan. Nadagdagan pa ito nong hinila siya pailalim ni Ouzumi noon. Pero kahit Ganon, nagpapasalamat parin siya dahil hindi ito naging hadlang sa pagkapanalo nila ngayon. Hingal rin siyang napatingin Ng maramdamang papalapit sa gawi Niya si Mith Suwahara.

" Nice one Akagi, magaling ang ipinakita mo." Bungad kaagad nito sakaniya Saka sinabayan pa ng malakas na apiran Ng dalawa. Gaya dati ay pumalakpak nanaman ito Nang tatlong beses upang pukawin ang atensiyon ng lahat. Mukhang hindi naman ito nabigo dahil lumapit ang lahat sa direksiyon niya.....

" Hindi pa tapos ang lahat, Marami pa tayong pagdadaanan. Marami pang darating, kaya naman mas pag-igihan pa natin sa susunod. " Panimula nito sa lahat. Walang sino man ang makikitang nagsasalita kundi ang coach lang nilang si Mith Suwahara.

" Umpisa palang ito para satin. Kung madadapa tayo ede bumangon lang ulit, kung magkakamali naman tayo, baket hindi natin gamitin yon para matuto. Simple lang naman ang kahulugan ng mga bagay-bagay, hindi tayo mananalo kung walang magtutulong-tulong. Lagi niyo lang tatandaan kung para saan ang lahat nang to, kung San nga ba kayo nagsimula at kung papano niyo nga ba to tatapusin. Pamilya tayo kahit anong mangyare! NAIINTINDIHAN NIYO BA SHOHOKU! " Ang makahulugang Turan ni Mith sakanila, alam nito na mas mahirap pa ang pagdadaanan Ng team ng shohoku habang inaabot nila ang pangarap na yon. Ang manalo. Kaya naman gusto niyang tulungan ang mga batang ito upang mas pag-igihan pa nito ang paglalaro sa kasalukuyan.

" Oo! " Ang malakas namang sagot ng lahat, maliban Kay Sakuragi na wala ngayon dahil ginagamot parin Kasi ito mag pahanggang ngayon. Malaki Kasi ang natamong sugat nito kanina at kinailangan agad maagapan ang pagdurugo nito. Kasama nito ngayon si ayako at ang apat nitong kaibigan na Sina Mito.

[ Kumusta na kaya yung may pulang buhok? Ok lang kaya siya? ]

[ Oo nga Noh? Si Yesure kaya? ]

[ Grabe, ang intense Nang labang to.]

Usap-usapan pa ng karamihan kalapit kung asan Ang team Ng Miyaka high. Tanging pag buntong hininga nalamang ang makikita sa player na Si Imashi habang nakatingin sa direksiyon ng shohoku team.

" Ang laki na talaga ng pinagbago ng Shohoku, mas lumakas pa sila ngayon kesa dati." Ani Azuo na pansamantala ring nakamasid sa kabilang koponan.

" Baket nga ba tayo nangahas kalabanin ang team nayan. " Ito naman ang natatawang wika ni Gaiwa habang ngumunguya Ng bubble gum. Natigil lamang ang usapan Nang mga ito Nang akbayan Sila ni imashi.

" Alam niyo, hindi talaga ako nakakaramdam Ng kahit Anong lungkot kahit talo pa tayo eh." Wika nito na sinadya pang putulin ang sasabihin, Malako namang tumingin sakaniya ang Tatlo niyang Kasama na mukhang alam na ang sasabihin niya.

" Baket? Kasi una, nasa harapan natin ang Isang legend. Nag-iisang Mith Suwahara, ang superstar sa Basketball. " Dugtong pa nito.

" Tama ka diyan, hindi ko inaasahang makikita natin siya nang Malapitan. " Ang pailing pang Saad nitong si Azuo na nakay Mith Suwahara ang tingin.

" Palagay niyo? Baket kaya Nasa shohoku Siya at hindi sa Sannoh? " -Gaiwa

" Tinatanong ko rin Yan, at aalamin ko pa." Pag sagot naman sakaniya ni imashi na hindi linulubayan ng tingin ang dating all-star. Nabaling lamang ang atensiyon nila Nang tawagin sila Ng coach nila.

Samantala.

Halos dumugin na Ng manonood si Mith habang ine-interview ng isa sa press con, si yayoi Aida Ang nakatatandang kapatid ni ikoichi Aida. Hindi na nito pinalampas pa ang pagkakataon at linapitan na nito si Suwahara para sa isang mabilisang interview lamang. Tiyak na pag-uusapan nanaman ng lahat Ang pagbabalik nito sa larangan ng basketball.

" Ibang klase talaga si all-star anoh? May pa interview pa." Ang tila hindi makapaniwalang wika ni Mitsui sa katabi nitong si Miyagi. Pinagmamasdan lang nila ito Hanggang sa matapos na itong interviewhin.

" Legend! Pedeng pa picture? " Bungad agad ni Imashi Nang tuluyan na itong makalapit Sa direksiyon kung asan si Mith Suwahara.

[ Aba! Si Imashi ba yon? ]

[ Nagpapa picture siya Kay Mith.]

[ Sino nga naman ang hindi magpapapicture sakaniya.]

Usap-usapan na maririnig sa mga manonood na nasa loob pa ng arena. Matapos sabihin iyon Nang manlalaro Ng Miyaka ay ngumiti lamang si Mith Suwahara bilang Tugon na pumapayag ito.

" Teka lang! Kami Rin! " Sigaw pa Ng buong Miyaka team.

" Teka Hindi ba Sila malungkot dahil Talo Sila? " Ang nagtatakang Saad ni ikoichi.

" Para sa team ng Miyaka, hindi big deal sakanila ang matalo, Lalo na kung ang legend na si Mith Suwahara ang kaharap nila. " Sabat pang usal ni koshino sakaniya.

Sakabilang Banda naman ay tahimik lamang na nakatayo sa itaas ang team Nang Kainan. Makikita ang tila seryosong Mukha ng mga ito habang nakatingin sa direksiyon ng shohoku team.

" Ibang klase, nanalo Sila prehhh." Tanging anas na sambit ni kyota sa mga Kasama na halatang naiinis sa gawi ni Rukawa. Kanina pa Kasi talaga ito naiinis sa manlalaro ito ng Shohoku. Samantala, tahimik lamang na nakamasid si maki dahil bukas ay sila naman ang sasabak sa laro. Bahagya niya pang tiningnan ang mga Kasama Saka sabay sabing.


















































" Tayo na, Kainan."

THE LAST CHAPTER ( Slam Dunk)Where stories live. Discover now