CHAPTER 44

49 4 1
                                    

Pagkatapos nang pag-uusap na iyon nang dalawa ay nagpasiya na muli ang mga ito na  mag ensayo ulit. Bago pa matapos ang Araw na iyon ay pinagawa ni Suwahara Kay hanamitchi ang tig-iisang daang free throw, lay up at maging ang pagtira nang tres para mabihasa ito sa ganong klase nang shooting. Nung una ay nahirapan pa si hanamitchi'ng ipasok Ang pang huling Tira para sa Free throw, Pero kalaona'y, Nang ipaintindi sakaniya ni Mith ang kahalagan Ng mga ito ay naipasok Niya rin naman iyon kaagad. Ngayon ay tapos nang Gawin ni hanamitchi ang Isang daang free throw at lay up naman ang sinimulan niyang Gawin. Hindi narin naman bago Kay hanamitchi ang bagay nayon dahil tinuruan narin naman siya ni Akagi kung papano iyon gawin. Nahirapan Lang Siya nung una pero habang papatagal ay unti-unti na Niya iyong naipapasok nang may kahusayan. Panghuli ay tinuruan naman siya nito kung papano tumira nang tres. Bagamat naninibago ay talagang nahirapan si hanamitchi'ng Gawin iyon Lalo nat may kalayuan ang distansiya nang ring at nang bolang ihahagis niya papunta ron.

" Alam kong hindi narin ito bago sayo, last time tinuruan kitang Gawin ang bagay na ito. Nagawa mo to nong second half sapagitan nang Myuradai at nang Ryonan. Naipasok mo Ang bola gamit ang 3 point shot kaya naman alam Kong magagawa mo rin to ngayon. " Wika pa nang lalaki. Habang ipinapakita sa binata ang tamang posisyon Nang pag Tira nito.

" NYAHAHAHA! Sus, Ako paba? Ako ang Henyong si hanamitchi Sakuragi! Balewala lang sakin yang tri pont shatt nayan all-star HAHAHAHA kahit Gawin mo pa yang 5 point shot. " Ang nagyayabang Namang Turan nitong si hanamitchi Sakuragi. Bungisngis pa ito nang sabihin ang mga katagang yon, bagay na nakapag patawa ngayon Kay Suwahara.

" Walang 5 point shot, Hanggang 3 point shot lang tayo. Pero, sige nga magpasikat ka nga sakin." Ang natatawa pang wika ni Suwahara na sabay iling. Sadya pa itong bumalik sa pwesto nito kanina para makapag simula na Si hanamitchi.

" NYAHAHAHA! " Walang tigil pa nitong paghahambog habang malokong tiningnan Ang tahimik na ring na ngayon ay katapat lamang nila.

" Hoy ikaw! Panget na ring! Makikita mo kung papano mag shoot nang 3 points Ang Henyong ito! HAHAHA! " Tila nang hahamon pang wika nito na sabay pulot sa bola na ngayon ay nasa sahig lamang. Bahagya pa itong nag stretching bago magsimula.

Ininat-inat pa nito ang kanang kamay Saka tumalon-talon. Naisip ni hanamitchi Ang klase nang paghawak at pagtira ni Mitsui Nang bola, kaya naman mataman Niya yong ginaya.

'eh bend ang binti, alalayan ang bola, gamitin ang lakas nang braso at nang Binti para maihagis ko yon ng maganda sa ring. '

Kengkoy pa nitong sabi sa isipan. Matapos ay pa kengkoy ring iginayak ang sarili para itira iyon.

Subalit.

Ang tirang yon ay hindi lingid sa kagustuhan ni binata. Sablay Kasi ang tirang yon dahilan kung bat napasigaw itong si hanamitchi dahil sa nainis.

" ANOOOOO?! SABLAY?! Panong nangyare yown?! " Dismayado nitong Sabi matapos Makita ang resulta. Paasar pa Uli nitong kinuha ang bola matapos ay tumira ulit nang tres, Ang Kaso gaya ng nauna ay sablay uli ito.

" Sablay nanaman? " Aniya pa, paulit-ulit Niya iyong ginagawa pero Lagi itong sumasablay.

Sablay.

Sablay.

Sablay.

Sablay.

" WAAAAAAAAAAAA! Sumablay ulit? " Sa pagkakataong ito ay bakas na Kay hanamitchi ang pagod at pagkairita dahil sa paulit-ulit na pagkakasablay nang bola. Naiinis siya dahil hindi naman ito ang inaasahan niya.

THE LAST CHAPTER ( Slam Dunk)Where stories live. Discover now