[ Suwahara's Flashbacks ]
................
Sa distrito Ng Akita, maingay na Sinalubong Ng mga manonood Ang tila malawak na arena, habang pinaliligiran ito Ng ibat-ibang kulay. Hudyat na Ano Namang Oras ay maaaring masaksihan Ng mga tao sa loob nito Ang tila nagbabagang lagablab ng Championship crown para sa dalawang naglalakihang eskuwelahan sa bansa. Walang kung Anong maririnig kundi Ang usap-usapan at hiyawan Ng mga tao sa loob nito.
[ Aba! Isa nalang Ang hinahabol Ng Keio! Ibang klase! ]
[ Papaanong.... papaanong nangyare Yun? Lampas bente Ang lamang kanina Ng kougyo pero bumaba nalang sa Isa... I-i-ibang klase Ang number 4 na Yun Ng Keio.]
[ Dina nakakapagtaka Yun, ang player nayan... ibang klase Siya kung maglaro.]
[ Talaga bang 3rd year College palang Ang Isang Yan? ]
[ Mula high school magkaribal na Ang dalawang yan. ]
[ Sino? Si Aigoma ba tiyaka si Suwahara? ]
Halos iyan lamang ang maririnig sa loob at labas Ng arena. Hindi mawari ni Mith kung Ano bang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon. Bigla nalamang siyang nakaramdam Ng tuwa para sa Isang Taong matagal na niyang gustong makaharap. Ngayong nandirito na Sila sa puntong ito, iniisip ni Mith na Siguro ay ito na Ang pagkakataon upang magkaharap Sila. Simula pa Kasi Ng high school ay madalas na niyang marinig Ang pangalan nito, Ang pangalan ni Koyo Aigoma Ng shohoku high. Subalit dahil sa kakulangan Ng team nito noon ay Hindi manlang ito makaabot Ng twice to beat round dahil nga sa elimination round palang ay natatalo nakaagad ito. Ito lamang Kasi Ang Taong simula paman noon ay nakaagaw na Nang atensiyon Niya dahil sa madalas itong mapag-usapan. Maging sa distrito nila nababanggit Ng Coach nila Ang pangalan nito. Bagay na kailanman ay Hindi Niya nakalimutan. Mula ng high school ay pinangarap na ni Mith na makaharap ito at maka dwelo Niya sa Isang laro. Lagi Rin niyang pinapanood Ang laro nito at talagang dumadayo pa Siya Ng Kanagawa para lamang mapanood ito roon. Subalit, ni Hindi manlang ito makapasok at Panay nalalaglag Ang team nito. Bagay na Isa ring pinanghihinayangan Niya, pano nga ba natatalo Ang Isang malakas at magaling na player na kagaya ni Koyo Aigoma.
Nung una kung dati ay Hindi Niya ito makaharap, Ngayon Naman ay biglang nagbago Ang takbo Ng lahat. Magmula Ng mapasali at makapasok ito sa eskuwelahan Ng Keio university ay Dito na nagsimula Ang bangayan ng dalawang eskuwelahang ito. Isa sa pinaka malalaking unibersidad sa Japan Ang Keio at Ang Kougyo para sa distrito Ng Kanagawa at Akita prefecture. Kaya Naman talagang inaabangan ito Ng lahat.
" Sobrang bilis talaga Ng panahon, kita mo na Ngayon at finals na ulit, Anong masasabi mo tungkol sa dalawang team nayan? " Ito Ang wika Nang Isang press habang pinanonood Ang buong paligid.
" Para sa team Ng Kougyo na naghari Ng labing-anim na taon, wala akong ibang masabi kundi Ang galing at experience nila sa paglalaro. Ibang klase Ang team na ito, kinakatakutan." -doyu ( press )
" Tama ka riyan, pero palagay ko.... Malakas Ang team Ng Keio ngayon. Lalo nat nandiyan na Si Koyo Aigoma. Ang batang Yan, masasabi Kong Malaki Ang potential Niya sa paglalaro. Tanging manlalaro Ng shohoku na nakapagbigay Ng karangalan sakanila. Nang dahil sakaniya nakilala Ang eskuwelahang Yun Magpahanggang Ngayon. Ibang klase Ang player nayan, pareho Sila ni Mith Suwahara." -Jacob ( press )
YOU ARE READING
THE LAST CHAPTER ( Slam Dunk)
Fanfiction" Hindi Tayo mananalo kung ganito Tayo Ngayon.... Para San ba lahat nang to kundi para sa basketball." ----- Sakuragi