Tirik ang Araw Nang simulan nila Mith Suwahara at Hanamitchi Sakuragi ang pag eensayo sa paborito nitong court. Bawat detalye nang bawat galaw sa larong basketball ay itinuturo ni Suwahara sakaniya. Unang tinuro nito sa binata ay ang free throw kung saan ay hindi na ito bago kay hanamitchi. Ilang beses narin Kasi siyang tinuruan ni Akagi at nila Miyagi ngunit bigo parin siyang makuha ito nang Tama.
" Gamitin mo ang kaliwang kamay mo para sa pang-suporta. Tandaan mo, hindi papasok ang tirang Yan kapag hindi maayos ang porma nang shooting mo Sakuragi." Wika ni Mith rito, tahimik lamang si hanamitchi habang ginagawa ang bawat sinasabi Nang Coach nila. Alam niyang sa una palang ay sasablay ang tirang ito, kung kayat walang alin langan niyang itinira ang bola kahit na medyo may pag-aalinlangan.
'Sablay, Sabi ko na nga ba... At sasablay ang tirang yon.'
Ang tila mga salitang namuo sa isipan nang binata, matapos ay inayos muli ang sarili para sa susunod na tira nito. Matapos kasing sumablay ang bolang yon sa ring ay kinuha ito ni Suwahara at walang pasubali nitong ipinasa Kay hanamitchi na ngayon ay naghahanda na para sa pangalawang pagtira.
Gaya kanina ay itinira niyang muli Ang bola Mula sa free throw line subalit bigo nanaman uli itong maka shoot. Paulit-ulit iyon Hanggang sa makikita na sa Mukha nang binata ang pagka asar.
" Pang labing-anim na tira mo na yon pero ni Isa wala paring pumapasok." Saad ni Suwahara na ngayon ay nakaupo habang kumakain nang binili nitong snack kanina.
" Ginagawa ko nang lahat pero Wala paring nangyayare." Asar namang Turan nitong si hanamitchi habang painis na pinagmamasdan ang imahe nang ring na sa ngayon ay kaharap Niya lamang.
" Mag concentrate ka Kasi Sakuragi." -Suwahara
" Ginagawa ko naman! " Irita pa nitong Sabi sa Ginoo.
" Habaan mo ang pasensiya mo." Usal pa nito Mula sa pagkakaupo. Kanina pa talaga Kasi ito nandirito habang natutulog, nagising lamang ito kanina nang batuhin ni hanamitchi ang ring kanina.
" Pasensiya, pasensiya kapang nalalaman diyan eh Kain kalang naman nang kain. Teka nga all-star, baket kaya Hindi mo Ako turuan rito kesa kumakain ka diyan! " Parang batang usal nitong si hanamitchi, sa puntong to ay nakatingin na ito nang direkta sa gawi ni Suwahara. Kanina pa talaga Siya naiinis dahil sa paulit-ulit na pagkakasablay nang tira Niya sa ring.
" Baket kaba nagrereklamo diyan? Akala ko ba gusto mong matuto? " -Suwahara
'Nakakainis na talaga tong gurang nato, Anong Akala niya sakin robot na pwede niyang utos-utusan? '
Ang painis na wika ni Hanamitchi sakaniyang isipan Nang matapos sabihin iyon ni Suwahara sakaniya. Kaya imbis na makipag talo pa rito ay ginawa Niya ulit ang pagtira Mula sa Free throw line. Bago paman niya bitawan Ang bola sa ere ay naisip ni hanamitchi'ng pakalmahin ang sarili. Batid niyang Wala lamang magandang maidudulot sakaniya kung magpapadala siya sa inis at asar na nararamdaman. Kaya mas ipinukos niya nalamang Ang atensiyon Mula sa pag shoot nang bola sa ring.
'Ok hanamitchi, Henyo ka kaya alam kong maipapasok mo ang tirang ito sa ring nayan. '
Pagpapalubag loob pa niya sa sarili matapos ay pumwesto na. Bahagya pa siyang napabuntong hininga bago ayusin ang sarili. Habang ginagawa Niya yon ay naalala niya bigla ang porma nang pag shoot ni Akagi Mula sa free throw line noong nakalaban nila ang Miyaka. Tandang-tanda pa ni hanamitchi ang pagtirang yon ni akagi kaya Wala sa sarili niyang ginaya ang posisyon nito Mula sa pag shoot, pero kalaona'y napatigil rin naman.
YOU ARE READING
THE LAST CHAPTER ( Slam Dunk)
Fanfiction" Hindi Tayo mananalo kung ganito Tayo Ngayon.... Para San ba lahat nang to kundi para sa basketball." ----- Sakuragi