" Hindi ko talaga maintindihan si Coach Anzai, ano bang pina-plano Niya para satin? Baket kailangan pang palitan Siya? " Ang tila Hindi matanggap na Turan ni Ayako, andidito Kasi Sila Ngayon sa Isang coffee shop habang nag-uusap usap tungkol sa pangyayare kanina.
" Hindi Ako papayag, pano nalang kung ikatalo natin Ang paghawak satin Nang lalaking Yun? Pano natin masisigurado na handa siyang magturo satin Nang walang binabalak na masama." Ang wika pa ni Kogure...
" Kahit Isa siyang all-star dati, Hindi parin sapat Yun para palitan Niya si Coach Anzai.... Hindi Naman ata pu-pwede Yun." Maktol pang Saad ni Ayako habang mahigpit na hinahawakan Ang basong kanina pa nito pinanggigigilan.
" Hindi ko alam kung Ano Ang tumatakbo sa isipan ni coach Anzai, o kung tuluyan na nga niyang iwanan Ang team." Usal ni Akagi na may malalim na iniisip...
" Gumawa Tayo Nang paraan para Hindi matuloy Yun senpai! " Mungkahi ni Ayako rito na sinang-ayunan pa ni Kogure...
" Tama si Ayako Akagi, wag nalang natin Basta hayaan na Iwan Tayo ni coach Anzai at ipaubaya sa iba." Dugtong na Ani Kogure sakaniya... Halos napapikit nalamang Ngayon si Akagi dahil sa dami Nang iniisip nito. Hindi nito inaasahang magkakaganito Ang takbo Nang lahat gayong Malapit na Ang tournament kung saan sasabak Sila sa laban kontra Miyaka high. Alam niyang Hindi pa nila alam Ang Sistema Nang pagpapatakbo Meron itong all-star na hahawak sakanila. Maikli lamang Ang panahon para sanayin nila Ang mga bagay na Yun. Nag-aalala Rin siyang baka Hindi Rin tanggap nila Miyagi, Mitsui, Rukawa, at Sakuragi o maging Ang lahat Ang pagpapalit na magaganap.
Bahagya nalamang niyang hinilot Ang sentido Niya habang pinakikinggan Ang mga hinaing Meron Sina Ayako at Kogure....
Sa kabilang Banda Naman Hindi Rin maiwasang Hindi tumutol Sina Mitsui at Miyagi Dito... Ganun din si hanamitchi.
" Sinusubok ba Tayo talaga? Kung kelan papalapit na Ang winter tournament Saka pa ito nangyayare. " Ani Mitsui sa mga Kasama habang pansamantang nakaupo Ngayon sa Isa sa mga bench Ng gym.
" Hindi. Si Coach Anzai parin Ang coach natin Wala Nang pede pang pumalit. " Tutol ring Ani Miyagi sa mga ito.
" Siguro..... May dahilan si Coach Anzai kaya Niya Yun nagawa. " Singit ni Rukawa sa usapan at walang ano-ano ay umalis ito matapos sabihin yun. Pinagmasdan nalamang Siya Nina Mitsui at Miyagi habang papalayo... Maging si hanamitchi ay tahimik Rin na para bang iniisa-isa Ang mga detalye Nang pangyayare. Mula kanina ay Wala parin itong kibo.
Kinabukasan kung saan Isang Araw nalamang ay winter tournament na.... Maagang nagsipunta Nang gym Ang lahat dahil na nga Rin sa bagong coach Nang team na Ngayon ay magsisimula na para hawakan Sila. Magkakasamang nakatayo sa harapan Sina Mitsui, Miyagi, Kogure, Ayako at Akagi... Sa likod Naman nila ay Sina Rukawa, Sakuragi, Yasuda at Iishi.... Sa likod Naman Nang mga ito ay Sina Kakuta, Kurusama, at Shouzaki...
" Pinatawag ko kayong lahat dahil gusto Ko kayong makausap.... May mga katanungan lamang akong gustong itanong bago Tayo magsimula.... Isa pa... Gusto ko ring malaman ninyo Ang panibagong sistemang gagawin natin." Ang panimula nito sakanila... Tahimik lamang Ang lahat Nang magsalita ito.
" Upang makilala ko kayo Nang gusto, may mga katanungan lamang akong Gustong itanong sainyo. Simple lang ito. Baket basketball imbis na ibang laro?" Walang alinlangang tanong nito sakanila, bago sagutin Ang tanong na iyon ay nagkatinginan Muna Ang lahat bago tuminging muli sa direksiyon nito. Unang nagsalita Ang Nasa harapang si Akagi.
YOU ARE READING
THE LAST CHAPTER ( Slam Dunk)
Fanfiction" Hindi Tayo mananalo kung ganito Tayo Ngayon.... Para San ba lahat nang to kundi para sa basketball." ----- Sakuragi