Sa tinagal-tagal nang paghihintay sa wakas ay Eto na. Ang laro sapagitan nang Shohoku at nang koponan nang Takezano. Pagkapasok palamang kasi ng Shohoku sa loob ay ramdam na nila kaagad ang matinding presensiya nang mga manonood sa loob nang court. Hindi pa kasi nagsisimula ang laro sapagitan nila pero halos malakas na hiyawan na kaagad ang ibinungad nito sakanila Nang pumasok na Sila loob nang arena.
" Grabe, ganito na ba talaga ka sikat ang Shohoku? Pati mga press con Nang ibat-ibang distrito naririto." Ang Hindi makapaniwalang wika nitong si Miyagi. Pano banaman kasi, kada laro nila ay ibat-ibang reporter ang nanonood at kung Minsan talagang dinadayo pa sila nang mga manonood kahit na Taga ibang distrito pa ang mga ito.
" Tama ka riyan, Ibang-iba na nga talaga ang shohoku ngayon." Sagot naman kaagad ni ayako habang pinagmamasdan ang paligid. Maging si Akagi ay naninibago rin, kahit na ganitong-ganito rin ang bungad nang mga tao nung unang laro nila kontra Miyaka ay naninibago parin si Akagi. Sino nga naman ang mag-aakalang susuportahan nang ganito ang Shohoku. Sa isipan ni akagi ay Hanggang pangarap lang ito, pero mukhang hindi simula nang makatuntong sila nang interhigh.
Nabaling lamang ang atensiyon niya nang hawakan siya ni Suwahara sa balikat, Saka nagsalita.
" Pinanonood Tayo nang Kainan ngayon, kaya galingan niyo." Bulong nito sakaniya, kaya naman hindi sinasadyang mapatingin siya sa pwesto nang mga ito. Tama nga si Mith roon dahil na sakanila ang tingin ng mga ito, Ang team nang Kainan.
'Maki.'
Ang nasabi nalamang ni Akagi nang magtama pareho ang mga mata nila nang ace player na Si Sinitchi maki Nang Kainan.
" Aba, sino kaya ang mananalo sakanila preh? Sigurado naman akong Shohoku na ang mananalo prehh..." Wika pa ni Kyota na pinagmamasdan ang bawat kilos nang Shohoku, Lalo na ang bawat galaw ni rukawa ngayon.
" Pag nanalo sila rito advance sila para makaharap ang dalawang team na Taga ibang distrito. Malaking karangalan yon para sa Shohoku." Anas naman ni Jin na naroroon din ang tingin.
" Tama ka, pero kung matatalo ang Shohoku ngayon, tayo naman ang makakalaban nila. " Sabat naman ni Maki, ramdam rin nito ang unti-unting paglakas nang Shohoku. Kahit na hindi man nito aminin sa mga Kasama ay napapansin ni Maki ang pagkakaiba nang Shohoku noon at ngayon. Pakiramdam niya ay parang nag-iba ang aura Nang mga ito magmula nang mapasakanila ang Dating legend sa basketball. Si Mith Suwahara nang Sannoh Kougyo.
" Ang all-star na si Mith Suwahara, magmula nang pumalit siya bilang Coach nang Shohoku ay parang nag-iba ang takbo nang lahat. Pansin ko yon magmula nang manalo sila kontra Miyaka non." Ani Jin dahilan kung bat napatingin sakaniya si Maki, maging ang buong Kainan.
" Tama ka, Malaki na nga talaga ang ipinagbago nang team nang Shohoku Buhat nang magturo sakanila itong si Mith Suwahara nang Sannoh Kougyo. " Sang-ayon namang wika Nang Coach nilang si Coach Takato na pansamantang na Kay Suwahara ngayon nang tingin.
Subalit.
Hindi lamang Kainan ang nakapansin sa pagbabago nang shohoku kundi pati shoyo rin.
" Hindi talaga Ako makapaniwala na nasa Shohoku na ang taong Yan." Anas ni fudjima na ngayon ay katabi lamang ni Miyo.
" Sigurado parin naman akong naninibago ang Shohoku ngayon dahil hindi na Si coach Anzai ang tumatayong Coach sakanila ngayon." Saad pa ni Hanagata....
" Eh Ikaw ba? Kumusta naman ang pakiramdam nang makalaro mo noon ang all-star na Si Suwahara? " Mataman pang binitin ni Fudjima ang sinabi Saka tumingin sa direksiyon ni Miyo ngayon. Naco confused Kasi ito gayong naging magka team ang dalawa noon.
YOU ARE READING
THE LAST CHAPTER ( Slam Dunk)
Fanfiction" Hindi Tayo mananalo kung ganito Tayo Ngayon.... Para San ba lahat nang to kundi para sa basketball." ----- Sakuragi