“THIS is for you, darling. Nabalitaan ko kasi na nangunguna ka daw sa dean lister ng department niyo this semester. Keep it up, Skylla...” their mom said to her ate Skylla sabay abot dito ng isang malaking color light blue na paper bag.
Gabi na nang makauwi ang mom and dad nila galing sa business trip ng mga ito. Marami itong mga pasalubong na dala pero isa lang ang tanging natanggap ni Sky. Nakaramdam man siya bigla ng panlulumo, pero kaagad niya ring natanggap na ayos lang, okay na siya sa gano'n. Mabuti nga binigyan pa siya kahit isang pirasong lang kaysa naman sa wala.
Napapangiti nalang si Sky habang tinitingnan ang masayang mukha ng mga ito, especially her sister. Agad naman nitong binuksan ang paper bag upang tingnan ang laman nito. And her reaction is priceless after she saw the things inside of it.
It's a Canon EOS-1D X Mark III, isang bagay na gustong-gusto rin niya.
She also dreamed about having a DSLR camera just like what their mom gave to her ate Skylla. She really loves taking some pictures of anything that looks really beautiful in her eyes. At sobrang swerte ng ate niya dahil nakatanggap ito nang gano'ng regalo mula sa parents nila.
Sinulyapan niya naman ang kuya Skyde niya na seryosong nakatitig sa isang pirasong t-shirt na hawak niya. Tiningnan rin siya nito pero nginitian niya lang ang kuya niya.
“O my gosh, mom! I can't believe it. Did you really bought this for me?” masayang sigaw ng ate niya.
Tumango-tango naman ang mom nila habang nakangiting pinagmamasdan ang masayang reaksiyon ng kapatid. Napailing nalang si Sky at tahimik na nagpatuloy sa pagkain.
Masyado na siyang sanay sa ganitong scenario. Kung hindi ang kuya Skyde niya ang binibigyan ng mga ito, ang ate Skylla naman niya. Samantala siya lagi ang sumasalo sa mga pinaglumaan ng dalawang kapatid.
She already used to it. Inaamin naman niya na hindi niya maiwasang mainggit sa mga ito pero wala naman siyang ibang choice kundi ang magpanggap na masaya siya. Hanggang sa unti-unti na rin niyang natanggap na pang-last choice lang talaga siya sa pamilya nila.
Hindi namalayan ni Sky na ubos na pala ang pagkain niya sa plato. Ayaw na rin niyang magdagdag pa. Feeling niya bigla nalang siyang nabusog kahit ang totoo, kaunti lang ang kinain niya.
“I'm already done na po...” she said. Tumayo na siya at naghugas ng kamay sa lababo.
Hindi man lang natinag ang mga ito at patuloy lamang sa masayang pag-uusap. They're talking about her ate Skylla's achievement this semester. Todo papuri ang mga ito sa ate niya.
Lumabas na siya ng dining room at dumiretso nalang sa kwarto niya. Mahigpit ang hawak niya sa t-shirt na ibibigay ng mom nila. Pagkapasok sa loob ay mabilis niyang ni-locked ang pinto at nanghihinang napasandal dito.
Naninikip ang dibdib niya sa halo-halong emosyon na nararamdaman. Ayaw niyang mainggit sa mga ito, pero hindi niya talaga mapigilan ang sarili niya. Sobrang swerte talaga ng dalawang kapatid.
Nangingilid ang luhang napatingin siya sa t-shirt na hawak-hawak niya. It's a plain black t-shirt na mukhang hindi rin yata kasya sa kanya kasi masyadong malaki. Hindi maiwasang isipin ni Sky na siguro sa dad nila ang t-shirt na iyon, at wala naman itong pasalubong na para talaga sa kanya.
Unti-unti siyang napaupo habang nakasandal pa rin ang likod sa pinto ng kwarto niya. Sunod-sunod rin na nagsipatakan ang mga luha niya sa mata.
Hanggang kailan ka ba magsasawang umiyak, Sky? You've been crying every night pero may luha ka pa rin sa mga mata mo.
She doesn't want to feel this way but she can't really help it. Siya itong bunso sa kanila, pero siya palagi ang nag-a-adjust para sa mga ito. Walang araw at gabi na hindi siya umiiyak. Habang tumatagal ay tila mas lalong nagiging ma-drama ang buhay niya.
BINABASA MO ANG
Gazing The Stars (Farewell Series #1)
RomanceSky Demeter Illarionova, a girl who was diagnosed with cancer, has to pretend and makes her friends and other people believe that she's in good health. No other people know her situation, even her family. So, when her doctor told her that she only...