"M-MOMMY..."
Wala ni isang naglakas-loob na magsalita. Pakiramdam ni Sky ay bigla na lamang siyang kakapusin ng hangin dahil sa labis na emosyong nararamdaman.
"What are you saying, Skylla Denice?" mariing tanong ng mom nila sa ate niya. Hindi naman ito agad nakasagot at parang maamong pusa na napayuko. "Are you saying that Sky isn't your sister? Paano mo nasabi?" dagdag pa nito.
Hindi alam ni Sky kung anong dapat niyang maramdaman lalo na nang makita kung paano dahan-dahang naglandas sa mukha nito ang masaganang luha. Pinantayan ng Ate Skylla niya ang tingin ng mommy nila bago sagutin ang tanong nito.
"I overheard you and dad talking about it last night. Why don't you tell us everything, mom? Kung hindi totoo ang sinabi ko, then ano? I treated Sky as my very own sister, pero after what I've heard, hindi ko maiwasang magduda. When in the first place, parang hindi mo rin naman tunay na anak si Sky kung ituring ko, right?!" pasigaw na saad nito.
Isang malakas na sampal ang dumapo sa mukha ng Ate Skylla niya. "Mom!" sigaw ni Kuya Skyde niya.
Hindi makapaniwalang napatitig si Sky sa mga ito. Blanko na ang isipan niya dahil sa sobrang daming nalaman sa araw na iyon.
Her Ate Skylla is just kidding, right? Pero sa kabila ng lahat ng pangungumbinsi niya sa sarili, hindi niya maiwasang alalahanin ang lahat ng mga pinagdaanan niya noon.
Kung paano siya itrato ng mom nila...
Kung paano siya nito pilit na ikinu-kumpara sa ate at kuya niya...
Kung paano nito ibuhos lahat ng galit at pagkainis sa kanya...
Did their mom really love her? Maybe. Kahit isang beses, naramdaman naman ni Sky kung paano ito mag-alala sa kanya noon. O baka naman masyado niya lang pinaniniwala ang sarili niya na minahal talaga siya nito?
"Yes, I may be loathe her, Skylla. Yes, I've never been a good mother to three of you. Marami akong naging pagkukulang sa inyo, pero hindi ko kailan man naisip na hindi ko anak ang kahit isa sa inyo," basag ang boses na paliwanag ng mom nila. "Siguro nga masyado akong naging strict sa kapatid niyo, pero kapatid niyo siya, Skylla! Yes, you're right about your dad having a child from one of his mistresses! Galit na galit ako sa kanya noon, pero tinanggap ko pa rin siya..."
"And I think you heard me that I mentioned Sky last night. Kasi kilala ni Sky ang anak sa labas ng dad niyo na tinutukoy ko," dagdag pa nito.
Dahan-dahang lumipat ang tingin ni Sky sa mommy nila na ngayon ay nakatingin na rin sa kanya. Anong ibig sabihin ng mom nila? Sino ang batang tinutukoy nito?
Mula sa bulsa ay may dinukot itong isang picture ng batang babae. It's just a stolen shoot of a young girl wearing a dirty white dress. Pero ang mas umagaw sa atensiyon niya ay ang pulang tela na nakabalot sa ulo nito.
"Tephanie Villega. Siya ang batang tinutukoy ko at hindi si Sky," saad pa ng kanilang ina.
Pakiramdam ni Sky ay bigla nalang nanghina ang mga tuhod niya. Hindi siya makapaniwala. Kapatid niya si Teptep? Ang batang babae na palagi niyang binabalik-balikan doon sa park?
"T-Teptep..." mahinang bulong niya sa pangalan nito. How did it happen? Kung totoong anak nga ito ng dad nila, bakit nito hinayaang lumaking gano'n si Teptep? Paano nito nakayanang makita ang batang iyon na namamalimos araw-araw?
"Is she the little girl you are talking about, Sky?" halos pabulong na tanong ng Kuya Skyde niya. Dahan-dahan naman siyang tumango.
After a few minutes ay nagawa namang pakalmahin ni Sky ang sarili niya. Nang muli siyang mag-angat ng tingin sa mom nila, hindi na siya nagdalawang isip na tanungin ito.
BINABASA MO ANG
Gazing The Stars (Farewell Series #1)
RomanceSky Demeter Illarionova, a girl who was diagnosed with cancer, has to pretend and makes her friends and other people believe that she's in good health. No other people know her situation, even her family. So, when her doctor told her that she only...