Chapter 12

74 18 0
                                    

“SORRY NA... Jino-joke lang naman kita kanina eh!” nakasimangot niyang saad kay Ruin ng makabalik siya sa room nila. At ang baliw niyang kaibigan, hindi man lamang siya pinapansin.

“Rui...” tawag niya ulit sa kaibigan.

Hindi pa rin ito natinag mula sa pagsusulat ng kung ano-ano sa cathleya note nito. Tumigil naman siya sa pangungulit dito at napabuntong-hininga na lamang.

“Okay fine. Sino ba naman ako para kausapin di ba?” Mahina pa siyang natawa at umayos na lamang sa pagkakaupo. Bubuksan na sana ni Sky ang cellphone niya ng bigla siya nitong yakapin ng sobrang higpit.

“Kasalanan mo naman kasi, eh! Hindi ko naman talaga crush ang kuya Skyde mo—”

“Bakit parang defensive ka kung hindi naman pala? Tapos may pa-walk out ka pang nalalaman kanina, amp!” pagputol niya sa dapat na sasabihin nito.

Natawa naman siya ng humaba ang nguso nito at tiningnan siya ng masama. “Isang asar pa talaga, langit. Matitikman mo na ang mga ulap!” pagbabanta pa nito.

Napailing nalang si Sky sa kabaliwan ng kaibigan niya. Ikinawit nalang niya ang kamay sa isang braso nito at sumandal sa balikat ni Ruin. Bigla naman siyang natahimik ng muling sumagi sa isipan niya ang nangyari kanina.

“Oh, bakit natahimik ka yata?” tanong nito. Mukhang napansin rin yata ang biglang pagtahimik niya.

Umiling lamang siya at muling tumitig sa white board na nasa unahan. Sobrang weird masyado ng ate Skylla niya this last few days. She thought it started since the day she saw her together with Kliev Santejo.

Starting that day, mabilis itong mainis at magalit sa kanya. Kung dati ay nag-uusap pa sila, ngayon ay hindi na. Wala naman siyang ginawang kasalanan dito para magalit ito sa kanya.

“Seriously, langit? Okay ka lang ba talaga? Kanina ka pa napapabuntong -hininga ng malalim eh...” Ruin said. Umalis naman siya sa pagkasandal sa balikat nito at umayos sa pagkakaupo. Kapagkuwan ay umiling siya kay Ruin.

“To be honest, hindi ko alam kung okay ba talaga ako. Nagkasagutan kasi kami kanina ni ate Skylla. Hindi ko alam kung may nagawa ba ako sa kanyang mali or what...” she said in a very low voice, pero sapat lamang para marinig ng katabi niya.

Mukhang naging interesado naman ito sa sinabi niya at mas lalo pa itong dumikit sa kanya. Sa mga ganitong galawan talaga ng isang Ruincell Claveria, napaghahalataan itong masyadong chismosa.

“Kahit kailan ang chismosa mo talaga!” natatawa niyang saad dito.

“Ang ganda ko namang chismosa kung gano'n, haha!”

Ganito sila palagi ni Ruin kapag wala ang instructor nila sa isang subject. Minsan kahit nananahimik lang siya sa tabi, lalapitan talaga siya nito at sabay silang mag-iingay na dalawa.

Ruincell Claveria is a very jolly type of person. Masyado itong approachable na tao kahit hindi nito kilala. At iyon ang mas nakakalungkot minsan. Kasi sa kabila ng mga ngiti nito, hindi halatang may problema rin itong dinadala.

Hindi niya pa nagagawang tanungin si Ruin about sa mga parents niya. The last time she remembered, nag-aaway ang mga ito no'ng tinawagan niya ang kaibigan.

“Rui...” she called her. Tumingin naman ito sa kanya.

“Bakit?”

“I just want to ask you if okay na ba ang mama at papa mo?” mahina niyang tanong dito. Nakita naman niya kung paano ito matigilan sa tanong niya. Akala niya hindi nito sasagutin ang tanong niya pero siya naman ang natigilan nang marinig ang sagot nito.

Gazing The Stars (Farewell Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon