Chapter 13

68 16 0
                                    

NILAMPASAN niya ang dalawa at tahimik na pumasok sa room niya. Agad niyang ni-locked iyon at naglakad palapit sa kanyang kama. Bakit ba sobrang hirap ng sitwasyon niya ngayon? Walang araw na hindi niya man lang magawang ngumiti dahil totoong masaya siya.

It seems like she's almost faking everything just to show them that she's happy. Hindi lang alam ng mga ito na nasasaktan din siya behind those sweet smiles of her.

No one ever saw her on her bended knees falling apart. No one ever came to save her when she almost died hating herself.

She was hurt, almost every day. She was alone in her mind and completely devastated. She can't help but to think that she spent many years being just miserable in her room. Everybody thought she was doing just fine, but the truth, she was busy saving herself in the dark.

Every word that she heard from her ate Skylla break her heart into a million pieces. Tila ba gustong-gusto talaga nitong pagalitan at sermunan din siya. Gumagawa ito ng kwento na hindi naman makatotohanan.

She's really trying to understand her, pero hindi niya alam kung paano. Hindi niya kailan man maiintindihan ang side nito hangga't hindi nito pinapaintindi sa kanya.

Her one remaining year life span is too short yet too hard for her. Para bang mas lalo lang dinadagdagan ang problemang nararanasan niya. Unti-unti na rin siyang nawawalan ng pag-asa.

Muling tumayo si Sky at kumuha ng isang notebook at ballpen. May bigla siyang naisip na gawin ng mga oras na iyon. Kumuha din siya ng isang empty jar at naupo na sa tapat ng study table niya pagkatapos.

Starting that day, she'll start collecting and writing some personal notes for herself. Sa pagsusulat nalang din niya ilalabas ang lahat ng frustration at unsaid thoughts niya sa buhay.

One year is too short, yet too hard :(

Napangiti nalang si Sky at sinimulang tupiin ang papel. She also shaped it like a stars before placing it inside the empty jar. Isang star note na ang na-collect niya, at madadagdagan pa iyon sa susunod pa na mga araw.

The next morning, she woke up early para maaga rin siyang makarating sa Vista Alegre. Reporting kasi nila sa Building Technology kaya need nila mag-ready for their presentation.

Pagkatapos niyang magligpit ng kanyang higaan ay nagtungo agad siya sa banyo para maligo. Humarap muna siya sa malapad na salamin at tinitigang mabuti ang sarili niya.

She's very thin. Mukha siyang hindi kumakain ng ilang araw dahil masyado na siyang pumapayat. Sa harapan ng salamin na rin siya naghubad ng damit niya.

Hindi na nagulat pa si Sky ng makita ang iilang pasa sa katawan niya. It looks like she was tortured or what from looking at her own reflection. May dalawa siyang  malaking pasa sa may bandang tiyan niya, at ang isa ay nasa ilalim ng kanyang dibdib. Masyadong halata ang mga pasa na 'yon dahil maputi siya.

Dahan-dahan rin siyang tumalikod at nang makitang mayroon din siyang pasa sa likod ay napailing na lamang si Sky.

Ano bang nagawa niyang kasalanan sa mundo para maranasan ang lahat ng paghihirap niya ngayon? Gusto niya lang naman magkaroon ng masaya at tahimik na buhay kasama ang pamilya niya, pero pati iyon ay pilit ipinagkakait din sa kanya ng mundo.

Bawat buhos ng tubig sa kanyang katawan ay tila ginigising ang buong diwa niya. Kung kaya lang burahin ng patak ng tubig ang mga pasa niya sa katawan, pero hindi. Kahit anong gawin niya, mananatili ang mga pasa na iyon sa katawan niya at posible pang madagdagan.

Pagkatapos niyang maligo at magbihis ng school uniform ay lumabas na siya ng room niya. Agad siyang nagtungo sa dining room upang kumuha sana ng tubig. Bigla kasi siyang nakaramdam ng uhaw.

Gazing The Stars (Farewell Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon