SHE'S already late in her first class. Exactly 7:30am na kasi siyang nagising dahil tinapos niya pa ang project ng ate Skylla niya kagabi. She sighed. Kailangan niyang bilisan ang lakad niya. Medyo terror pa naman ang prof nila sa subject na Solid Mensuration. Baka masabon siya nito nang wala sa oras.
Agad siyang pumara ng tricycle. "Sa Vista Alegre po, manong" Nang tumango ang matandang driver ay mabilis na sumakay si Sky at lihim na nagpasalamat.
Halos mag-i-isang linggo na simula nang subukan niyang mag-commute papuntang Vista Alegre. Maaga rin siyang gumigising para lamang takasan ang Kuya Skyde niya na laging naghahatid sa kanila.
Same school lang kasi sila. 1st year architecture student siya samantala parehong 3rd year mechanical engineering naman ang kuya Skyde at ate Skylla niya. Kung siya ang tatanungin, mas gugustuhin niyang mag-commute kaysa makisabay sa mga ito everytime na pumapasok sa school.
They're famous while she's an outcast. Kaya mas gusto niyang pumasok nalang nang mag-isa kaysa makisabay sa grand entrance ng mga kapatid. She hates attention. Hindi rin siya sanay sa mga papuring naririnig mula sa bibig ng mga tao.
Pagkababa sa tricycle ay agad na dumiretso si Sky sa room niya. Hindi pa naman masyadong marami ang naroon at himala ring wala pa si Mr. Amoguez, ang terror prof nila sa SoMen.
"Good morning, Sky! Uulan ba ngayon?" pang-aasar naman sa kanya ni Ruin. Tipid niya lamang itong nginitian. Wala siyang balak sakyan ang pang-aasar nito ngayon. Medyo nakirot kasi ang ulo niya.
"Huwag ngayon, Rui. Masakit ang ulo ko..." tanging sagot niya lamang sa kaibigan at inaantok na idinikit ang mukha sa desk niya. Wala yata silang prof ngayon kaya matutulog nalang siya. "Gisingin mo nalang ako kapag andyan na si Si—"
"Good morning, class! Sorry I'm late. Nagkaroon kasi kami ng meeting kanina..."
Mabilis siyang napaayos sa pag-upo. She sighed once again. Mukhang minamalas yata siya ngayon.
Walang nagawa si Sky kundi ang panatilihing gising ang diwa niya. Antok na antok talaga siya pero pilit niyang nilalabanan ang humikab. Patingin-tingin kasi sa direksiyon nila si Mr. Amoguez. Baka mapagalitan pa siya kapag napansing inaantok siya.
"Miss Illarionova" At sinasabi na nga ba.
Nag-angat siya ng tingin sa prof nilang nasa unahan nang banggitin nito ang last name niya. Sinulyapan niya pa si Ruin na malungkot na nakatingin rin sa kanya.
"Yes, sir?"
"Answer problem number 2. Siguro naman nakapag-review kana sa topic natin about polygons. Am I right, Miss illarionova?" masungit na tanong pa nito sa kanya. "And will you please remove your cap? Nasa loob ka ng classroom pero mukhang inuulan ka yata..."
Napalunok ng sunod-sunod si Sky. It's okay. I'm okay. Pilit niyang pinapatatag ang sarili niya. Nanginginig ang kamay na hinawakan niya ang bull cap niyang suot at napipilitan na hinubad iyon. Hiyang-hiya rin siya dahil halos lahat ng classmates niya ay nakatuon sa kanya ang atensiyon.
It seems like they're waiting for her to move forward and answer the damn question on the board.
"Faster, Illarionova! Huwag mong sayangin ang oras ng klase..." sigaw pa nito na halos nagpaigtad sa kanya.
Hindi pa rin siya gumalaw. Nanatili lamang siyang nakatayo sa pwesto niya.
Nahihiyang napayuko si Sky. "I d-don't know t-the answer, S-Sir..." Lies. Alam niya sa sarili niyang kaya niyang sagutan iyon pero nagsinungaling pa rin siya. Lies after lies. Iyon nalang ba ang kaya mong gawin, Sky? Hiyang-hiya siya.
BINABASA MO ANG
Gazing The Stars (Farewell Series #1)
RomanceSky Demeter Illarionova, a girl who was diagnosed with cancer, has to pretend and makes her friends and other people believe that she's in good health. No other people know her situation, even her family. So, when her doctor told her that she only...