Prologue

287 29 19
                                    

EVERY drop of the rain makes her heart aches even more. Tila ba nakikiramay ito sa totoong nararamdaman niya ngayon. She was hurt physically, mentally and emotionally. At hindi kayang burahin ng kahit anong pambura ang sakit na nararamdaman niya.

"Miss, pwede pakiusog ng kahit kunti? Baka kasi mabasa ang mag-ina ko dito..." pakiusap sa kanya ng isang payat na lalaki. Sinulyapan niya naman ang mag-inang tinutukoy nito.

And there she saw a very skinny and pale woman sitting behind her. Yakap-yakap nito ang isang sanggol na mukhang bagong anak pa lamang. Automatic siyang napangiti.

Mabilis naman siyang humakbang paabante sabay tiklop ng dala-dala niyang payong. Baka kasi mabasa ang ale pati ang baby nito.

Napangiti nalang siya habang pinagmamasdan ang baby na karga-karga nito. Nakakatuwang makita kung paano ito yakapin ng mahigpit ng mama niya. Isang bagay na hindi man lang niya naranasan.

She swallowed hard and immediately erased the thought in her mind.

A newborn baby symbolizes new life, new hope and miracle. Palatandaan lamang na kapag may namamatay, may bagong buhay naman na isisilang.

Nagulat siya ng biglang humangin ng malakas. Wala sa sariling napakapit siya sumbrerong suot niya. Natatakot na baka basta nalang matanggal sa ulo niya at malipad ng hangin.

Hanggang makasakay sa bus ay hindi pa rin niya binibitawan ang sumbrero niya. Wala siyang pakialam kung pinagtitinginan na siya ng mga tao sa loob ng bus. Umupo nalang siya sa pinakadulong upuan at tahimik na nagmasid sa labas ng bintana.

This is the life that she wanted. To live in a normal life despite her situation. Ayaw niyang ipakita sa ibang tao na mahina siya. Ayaw rin niyang kaawaan siya ng pamilya niya, kahit imposible rin yatang mangyari.

She sighed. She only had one remaining year to enjoy her life. But she keeps asking herself, mag-e-enjoy nga ba siya?

When everytime she closed her eyes, natatakot siya na baka hindi na siya magising pa. Na sa bawat buntong-hininga na pinapakawalan niya, baka iyon na ang huling paghinga niya.

And for now, she only had one hope. She badly needs some miracle to happen in her life. Even if she already accepted her cruel fate, she's still hoping that someone will come and give her hope.

"Can I sit here?" someone asked her.

Mabilis naman niyang tiningala ang taong iyon. At hindi pa man siya nakakasagot ay agad na itong umupo sa tabi niya. Napakurap-kurap nalang siya.

"I-Ikaw 'yong -"

"The handsome SSG President of Vista Alegre University? Well, that's me. I'm Kliev, by the way. What's your name?"

"S-Sky..."

Natawa naman ito. "Sky? You mean, langit? Anghel ka ba?"

Sabi nila cold at masungit raw ang isang ito. Pero ghad... Bakit sobrang daldal niya?

"N-No-"

"Just kidding. We're leaving now. Kumapit ka nang mabuti sa bintana... Mukhang papunta rin yata sa langit ang bus na ito..." then he laughed.

Tumitig pa ito sa kanya kapagkuwan ay napatingin sa may bandang ulo niya. "Nice cap, huh?" then he smiled.

Napatanga nalang siya sa lalaki. Baliw na yata.




Gazing The Stars (Farewell Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon