Chapter 18

33 3 0
                                    


BUMUHOS ang masaganang luha ni Sky habang nakaluhod sa loob ng isang chapel sa SNTJ hospital. Dito siya dinala ng kanyang mga paa pagkatapos ng halos ilang oras na pag-iyak sa loob ng kwarto ng dad nila.

Mas lalo siyang napahikbi nang sumagi sa isipan ang nakangiting mukha ni Teptep. Who would have thought that Teptep is her half sister? Kaya pala napakagandang bata at agad naging malapit ang loob niya dito. Totoo nga ang sinasabi ng ilan tungkol sa luksong-dugo. Naging magaan ag loob niya kay Teptep kasi kapatid niya pala sa ama ang batang iyon.

And knowing that she's the kidney donor of their father, makes her heart break into million pieces. Marami namang paraan, pero bakit ang buhay pa ng isang munting bata ang maaaring kapalit?

"Lord, please guide Teptep. Huwag niyo po siyang pababayaan."

Here she is again, asking for guidance and strength to God. Pouring out all of her feelings and disappointment in life. Wishing for a miracle to happen and saved the little girl, Teptep, from every pain the world could give.

Madali lang magpanggap na masaya, pero mahirap itago ang kalungkutan kapag sobra na. Naniniwala si Sky na lahat ng problema ay masosolusyunan din. Lahat ng kasakitang nararanasan niya ay lilipas din sa paglipas ng panahon. Pero ang buhay na nawala o maaaring mawala ay hindi kailan man magagawang ibalik ulit, once na kinuha na.

Teptep deserves everything the world could offer. She still has a bright future ahead of her. She wasn't born to be a kidney donor. Iyon ang pinanghahawakan ni Sky para ipaglaban ang kawawang bata.

Isinandal niya ang noo sa upuan at doon umiyak ng umiyak. Gusto niyang ilabas ang lahat ng saloobin niya. Gusto niyang ibuhos ang lahat ng sakit na matagal ng kinikimkim ni Sky sa sarili niya.

Muling naalala ni Sky ang unang araw na nakilala niya si Teptep. Namamalimos pa ito doon sa park na malapit lamang sa hospital.

"Teptep po, ate... Ikaw po?"

"Patay na po ang mama ko, Ate Sky. Ang papa ko naman po, nasa bahay kasama ang dalawa kong kapatid..."

"Palagi na po akong nagsusuot nito para hindi na ako pagtawanan ng mga bata dito..."

"Apat na taon palang po ako nang malaman namin na may sakit ako. Sabi ng doktor sa mama ko, brain tumor daw ang sakit ko. Gaya rin nang sakit ni mama..."

Sobrang saya niya nang makilala si Teptep. Doon niya lamang naramdaman ang pagkakaroon kakampi sa buhay. Na kahit papano ay may tao pa palang kayang mag-alala sa kanya. Siguro ay dahil halos magkapareho lang sila ng kapalaran ni Teptep.

Natigilan mula sa matinding pag-iyak si Sky ng maramdaman ang presensiya ng isang tao sa bandang gilid niya. Narinig niya pa ang pagtunog ng upuan hudyat na may taong umupo doon.

Hindi gumalaw si Sky. Ni hindi rin siya nag-abalang tumayo mula sa pagkakaluhod at nanatili lamang sa dating pwesto.

"You can cry as long as you want, but make sure to wipe all your tears after," mahinang bulong ng taong nasa tabi niya.

Bahagya siyang natigilan dahil masyadong pamilyar ang boses ng lalaki. Pero hindi iyon sapat para matigil rin sa pagbuhos ang mga luha sa kanyang mata.

"D-Don't mind me... K-Kliev," paos niyang saad sa lalaki. Nautal pa siya ng bigkasin ang pangalan nito. She can't be mistaken. Hindi man lingunin ni Sky ang taong nasa tabi niya, alam niya na isang Kliev Razen Santejo ang tumabi sa kanya sa upuan.

"You knew my name?"

Tumango si Sky. Paano niya ito hindi makikilala? Lahat na yata ng mga nakatira at nag-aaral sa Vista Alegre ay kilala ang lalaki. Sino rin ba ang makakalimot sa ginawa nitong pagpapakilala dati no'ng nagkasabay sila sa bus?

Gazing The Stars (Farewell Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon