HALOS mag-isang oras din siyang nag-stay sa loob ng simbahan. She takes her time talking silently with God, thanking Him, confessing every single pain that she's feeling that moment. She also prayed for a peace of mind and heart.Alam ni Sky na walang ibang makakatulong sa kanya kundi ang Diyos lang mismo. Though, she can help herself but it's just for a meantime. Doon niya napatunayan na mas better pa rin kung sa Diyos siya lalapit kaysa sa ibang tao. Because she knows that God will never judge her. He will never forsake her.
God is great and good all the time.
Hanggang sa makalabas siya ng simbahan ay walang makakapantay sa kasiyahang nararamdaman niya. Para siyang nakalutang sa alapaap nang mga sandaling iyon. Nagsindi rin siya ng kandila bago umalis ng cathedral.
Maganda ang panahon kaya maglalakad ulit siya pauwi. She was hoping to see Teptep again, the little girl she just met at the park earlier. She also prayed for her healing and peace. Masyado pa itong bata para maranasan ang gano'ng klaseng sakit.
Hindi naman maiwasang ni Sky na maawa sa bata. Nakikita niya kasi ang sarili niya sa katauhan nito. She maybe look so happy but deep inside, she was suffering. She maybe look so care free but she was fragile.
Napaupo siya sa gilid ng kalsada at binuklat ang mini notepad niya. Hindi niya talaga alam kung para saan ang paggawa niya ng to-do list na iyon. Gusto niya lang maranasan ang mga bagay na hindi niya nagagawa dati.
She wants to defines life and find her purpose of living. She wants to make some memories sa loob ng isang taon. Even though she's already aware that she might lose all those memories someday.
Nagpatuloy siya sa paglalakad. Hindi naman masyadong mainit ang tirik ng araw kaya hindi na siya nag-abalang sumilong pa.
Tatawid na sana siya nang bigla mapako ang tingin niya sa isang coffee shop nasa harapan niya. Masyadong familiar sa kanya ang mukha ng dalawang tao na masayang nagku-kuwentuhan sa loob. Hindi alam ni Sky kung bakit biglang kumirot ang dibdib niya sa nasaksihan.
It was her sister, together with the SSG President of their campus, Kliev Razen Santejo.
Bakit magkasama ang dalawa? Alam din ba ito ng kuya Skyde niya? Nang parents nila?
Buong akala ni Sky ay nasa loob lamang ng kwarto kanina ang ate Skylla niya. Every Sunday morning kasi, palagi itong nagwo-work out kagaya ng kuya Skyde nila.
Malungkot na napangiti na lamang si Sky sabay talikod. Hindi niya maiwasang makaramdam ng inggit sa ate niya. Ngayon lang siya nakaramdam ng ganito. Tanggap na niya dati pa na hindi niya kayang pantayan ang ate at kuya niya. Matatalino ang mga ito at magagaling compared sa kanya.
Nagagawa niya namang maging masaya para sa mga ito, pero bakit ngayon nasasaktan siya? Eh, ano naman ngayon kung nakita mo silang magkasama, Sky? Huwag mong sabihin na may gusto ka sa lalaking iyon?
Hindi naman niya itatanggi na attracted siya sa lalaki. Humanga na agad siya dito no'ng unang tagpo palang nila. At sino ba naman ang hindi maa-attract dito? Gwapo, matalino, at mukhang mabait rin.
Pero hindi maipaliwanag ni Sky kung bakit may part sa kanya na nasaktan sa nakita.
Kaya naman malalaki ang hakbang na tumawid siya ng kalsada para umalis na sa lugar na iyon. Masyadong masakit sa mata ang nakita niya.
Pwede namang ibang babae, pero bakit ang ate Skylla niya pa? Girlfriend ba nito ang ate niya?
Kung sabagay, mukhang mag-classmate ang mga ito pati ang kuya Skyde niya. Pareho rin silang member ng council kaya posibleng may relasyon nga ang dalawa.
BINABASA MO ANG
Gazing The Stars (Farewell Series #1)
RomansaSky Demeter Illarionova, a girl who was diagnosed with cancer, has to pretend and makes her friends and other people believe that she's in good health. No other people know her situation, even her family. So, when her doctor told her that she only...