“TAPOS kana sa plates mo?” tanong sa kanya ni Ruin. Kadarating lang niya sa room nila at agad itong lumapit sa kanya.
Inilapag niya muna ang bag niya pati ang T-square na dala tsaka siya naupo sa upuan niya.
“Natapos ko din kagabi. Ikaw?”
Napasimangot naman ito sabay kamot ng ulo. “Hindi eh. Manghihiram nga sana ako sayo ng rendering materials mo kasi naubos na 'yong alcohol markers ko. Dala mo ba?”
Umiling naman siya. “Hindi.”
“Sayang.”
“Hindi ba may color pencil ka? Or 'yong watercolor nalang dapat ang ginamit mo...” saad niya dito.
Ngumuso lamang ito at muling sumimangot. Kapagkuwan ay nagulat nalang siya ng bigla itong ngumawa na parang bata sa tabi niya.
“Uwaahh!”
And as usual, agaw-pansin na naman sila sa mga classmates nilang naroon.
Mabilis naman niyang tinakpan ang bibig nito upang matigil sa pag-ngawa. “Sshh... Kahit kailan ang ingay mo talaga!” suway niya sa kaibigan.
Humagikhik naman ito na parang bata pero tumigil rin sa pag-iingay sabay peace sign sa kanya. Napailing nalang si Sky at itinuon nalang ang atensiyon sa hawak niyang cellphone.
It's been three days since her last encounter with the SSG President of their campus, Kliev Razen Santejo happened. Hindi alam ni Sky kung bakit lagi nalang nasulpot sa kung saan-saan ang lalaking iyon. At ang puso niya naman, hindi rin mapakali sa pagtibok ng sobrang lakas.
Madali lang talagang humanga sa isang tao, pero mahirap naman kung pipigilan ito. Ngayon hindi na alam ni Sky kung paano pipigilan ang sarili niya na gustuhin ang lalaking iyon. Nagsimula lang naman ang feelings niya na iyon mula no'ng nagkatabi sila sa bus. Tapos mas lalo pang lumala no'ng bigla nalang siya nitong hinila pasakay ulit sa bus.
Posible palang magkagusto sa isang tao kahit sa unang pagkikita? Love at first sight ba tawag do'n? Pero hindi pa naman niya mahal ang tao. Humahanga lang siya dito.
And she was hoping that it might end and fades away soon. Siya lang din ang masasaktan if ever ipagpatuloy niya ang paghanga dito.
She must admitted na kinilig talaga siya no'ng araw na nagkasabay sila. Medyo nalungkot nga lang kasi naging cold na ang pakikitungo nito sa kanya pagkababa lang nila sa bus. Idagdag pa na nakita niya rin ito kasama ang ate Skylla niya sa loob ng isang coffee shop.
Crush lang 'yan, Sky... Mawawala din 'yan soon. Hays! Sana nga. Kasi kapag nagkataon, magiging karibal niya pa ang ate niya.
“Hoy!”
“H-Huh?” Nagulat naman siya ng bigla siyang sundutin sa tagiliran ni Ruin. Tinaasan pa siya nito ng kilay. Tipid niya lamang na nginitian ang kaibigan at tahimik na umub-ob na lamang sa desk niya.
Tigilan mo na nga ang kakaisip sa lalaking iyon, Sky! Mukhang boyfriend na iyon ng ate Skylla mo kaya huwag ka nang um-extra sa kanila.
Isa pa, hindi rin naman siya magugustuhan ng isang Kliev Razen Santejo. Hanggang sa paghanga lang talaga ang tanging magagawa niya. Kung ang ate Skylla niya, posible pang magustuhan nito. Pero siya? Isang hamak na 1st year BS Architecture student? Malabo siyang matipuhan nito. Bobo na nga siya tapos may taning pa ang buhay niya, wala talagang magkakagusto sa kanya.
“Langit, nakikinig ka ba?” tanong ulit sa kanya ni Ruin. Nag-angat naman siya ng tingin dito. “Huh?”
“Anong huh? Puro kana lang 'huh' d'yan! Ano bang iniisip mo at parang lumipad yata sa Disney land ang utak mo, friend?” sarcastic nitong tanong.
BINABASA MO ANG
Gazing The Stars (Farewell Series #1)
RomanceSky Demeter Illarionova, a girl who was diagnosed with cancer, has to pretend and makes her friends and other people believe that she's in good health. No other people know her situation, even her family. So, when her doctor told her that she only...