Chapter 15

88 9 0
                                    

“OKAY ka na?” she asked Ruin.

Kasalukuyan silang nakatambay sa ilalim ng isang puno malapit sa field ng university. Medyo mahaba-haba ang vacant time nila dahil hindi sila sinipot ng kanilang instructor sa Graphics.

“I'm feeling better now. Thanks to you, langit...” sagot naman nito at nginitian siya ng matamis. Napangiti nalang din pabalik si Sky at muling ibinaling ang atensiyon sa malawak na field ng Vista Alegre.

Hanggang ngayon hindi pa rin niya maiwasang isipin ang lahat ng mga kaganapan sa buhay niya. Kung kailan matatapos ang lahat ng mga problemang nararanasan niya ngayon.

And now she's here still figuring things out.

She promised to herself that she will always move forward no matter what happens. She can't help but be lonesome sometimes, for she always find herself wishing to the stars that wherever the best shot of life takes her, she hopes that it's a place where peace and happiness are waiting for her.

Until then, she'll take everything the world gives her and keep on walking. Pagod na siyang umasa na may milagrong mangyayari sa buhay niya, pero hindi ibig sabihin no'n na sumusuko na siya.

She needs to consider so many things bago niya maisipang sumuko nalang bigla. Wala namang masama kung mapapagod siya, di ba? Mapapagod, magpapahinga pero never susuko. Kahit sa kabila no'n ay ang katotohanang hindi na magtatagal ang buhay niya sa mundo.

Natigil lamang siya sa pag-iisip ng malalim ng biglang magsalita si Ruin sa tabi niya.

“Kumusta naman kayo ng family mo, langit? Last time I checked, hindi rin kayo maayos...”

Isang malungkot na ngiti ang sumilay sa labi ni Sky nang marinig ang tanong nito. Hindi na siya nag-abala pang lingunin si Ruin at nanatili lamang na nakatanaw sa malawak na field na nasa harapan nila.

She cleared her throat before answering her. “O-Okay naman sila. Busy lagi sa work...” mahinang sagot niya.

Lagi naman talagang busy sa work ang mom and dad nila. Hindi na nga alam ni Sky kung may pakialam pa ba ang mga ito sa kanila. It seems like mas mahalaga pa yata ang negosyo ng mga ito kaysa sa pamilya.

“Super strict ng parents niyo, noh? Nakaka-intimidate ang dad niyo tapos ang mom mo naman, masyadong perfectionist. Buti nalang si mama, pilit kaming iniintindi na magkakapatid. Kung hindi lang talaga nagloko ang magaling naming ama, edi sana masaya pa kami n-ngayon...” saad ni Ruin sa kanya.

Sandali niya itong tiningnan, at kagaya niya ay nakatanaw rin ito sa malawak na field na nasa harapan lamang nila. Hindi niya makita ang emosyon sa mga mata nito, pero alam ni Sky na puno ng sakit at lungkot ang mga iyon.

“Pwede naman kayong maging masaya ulit kahit wala ang papa niyo. Being happy is a choice, Rui. If you want to be happy or not, nasa iyo na iyon...”

Napabuntong-hininga naman ang kaibigan niya. “Y-Yeah, you're right. Pero alam mo ba 'yong pakiramdam na parang sobrang hirap? Kahit sabihin pa namin na kaya naming mabuhay na wala si papa, we can't hide the truth na we're still affected dahil sa nangyari. Wounds will heal, but scars will stay...” paliwanag pa nito.

She sighed. “Gano'n talaga ang buhay, Rui. Punong-puno ng mga maling akala. 'Yong feeling na akala mo masaya na kayo pero hindi pa pala. That's the reality of life. Maraming plot twist. Maraming challenges. All you need to do is to face all those challenges. Walang mangyayari kung palagi mo nalang pipiliin na takasan ang lahat ng problema...”

Hindi ito nagsalita pero lumingon ito sa kanya at tipid siyang nginitian. Kahit pagngiti nito, bakas pa rin ang sakit at pait na nararamdaman ng kaibigan niya.

Gazing The Stars (Farewell Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon