"Good morning!" masayang bati ni Villafuerte pagpasok ko sa tricycle.
"Morning!" Naka simangot kong sambit.
"San yung good?"
"Wala tinae ko na" irap ko na kinatawa niya.
"Nung nakakatawa?" inis kong tanong kasi tumatawa pa siya.
"Pffft.. sorry"
Umirap ako.
"Bat ang aga ng pagsusungit mo?"
"Kasi naman, ang sakit ng tiyan ko kagabi! halo halo kasi yung mga kinain ko huhu!"
"Tss! so kasalanan ko?"
"Hindi... na iinis lang ako kasi subrang sakit talaga ng tiyan ko kagabi tatlong beses ba naman ako pabalik balik sa CR!" asar na kwento ko.
"So ayus ka na ba ngayon?" nag aalala niyang tanong.
"Oo kaso mukhang patay ako ngayon kasi hindi ako naka pag aral kagabi! may test pa naman tayo sa math! huhu" pamomroblema ko.
"Mangopya ka nalang" sambit niya na kinalaki ng mata ko.
"Pano kung mahuli ako?"
"Tss... di yan... basta simpleng eyesight lang sa katabi"
Huminto na ang tricycle kaya madali ko ng kinuha ang wallet ko para maka pag bayad.Bago paman ako makapag bayad ay inunahan na ako ni Villafuerte.
"Manong bayad po namin" sambit ni Villafuerte sabay abot ng 30 pesos bago ako hinila pa alis para mag lakad pa puntang gate.
Nasa may gate na kami ng may tumawag sa akin.
"Joanne Babey!" sigaw ng matinis na boses ni bakla kaya napalingon kami sa kanya.
"Ay ano yarn?" tanong ni bakla habang Nakatitig sa kamay naming magkahawak.
Nanlaki ang mata ko dahil ngayon ko lang na realize na magkaholding hands pala kami ni Villafuerte kaya madali kaming bumitaw sa pagkakahawak.
"Una na ako jo" paalam ni Villafuerte sa akin kaya tumango na lang ako. Tumingin siya kay bakla bago tumingin sa akin at umalis na.
Pag kaalis ni Villafuerte ay biglang kinurot ni bakla ang tagiliran ko kaya napa tili ako.
"Gagi zyaire!" tili ko at natatawa kasi nakikiliti ako.
"Ano yun ha! mag kwento ka!"
"Oo na! oo na!" at yun kwenento ko ang nangyari.
→→→→
Naka simangot akong naka yuko sa desk ko dahil kakatapos lang ng pa quiz ni sir sa amin ng math.
Huhu kunti lang ang nasagutan ko!
"Hoy beh di ka mag re-recess?" tanong ng katabi kong bakla.
"Wala akong gana!" Naka simangot akong tumingin sa kanya habang ang ulo ko ay Naka patong sa desk ko.
Napa tulala pa siya saglit sa akin bago nagsalita.
"Yan kasi kain pa!" natatawang sambit niya kaya mas lalo akong sumingot!
"Hmmp!!" irap ko na mas lalong kinatawa niya.
"Sure ka dika mag re-recess libre ko!" Naka ngising tanong niya kaya napatayo ako bigla.
"Tara na!" masayang sambit ko kaya kita ko ang pag-iling niya at ang pagngiti ng labi niya.
Nasa canteen na kami, grabi ang taas ng pila.
"Grabi naman tong pila na to!" maarting reklamo ni bakla sa likuran ko, una kasi akong pumila sa kanya kaya siya ang nasa likuran ko.
"Aray ko!"
"Aray ko po!"
sabay sambit namin ni bakla dahil nagtutulakan na ang mga nasa likod kaya napa subsub si zyaire sa akin at ako naman napa subsub sa lalaking nasa unahan ko.
Ang bango naman!
teka amoy Villafuerte!
Nanlaki ang mata ko ng nagtama ang mga mata naming dalawa.
"S-sorry!" napa ayos ako ng tayo at napa iwas ng tingin.
"It's fine" sagot ni Villafuerte bago hinarap ang tindira para sabihin kung anong bibilhin niya.
Pagkatapos niya ay ako naman ang bumili.
"Ate isa pung egg-o tas pinaypay po na saging" nakangiting sambit ko kay ate na tindira.
"Tas isa pong Chuckie, isang yakult, binggo at Rebisco na strawberry flavor po" dagdag ni bakla kaya napa tingin si ate ka kanya. "... libre ko po siya" Naka ngiting sambit ni bakla sabay turo sa akin.
Napangiti naman si ate sa amin bago binigay ang mga sinabi naman. Nagbayad na si zyaire kaya nasa may gilid ako nag hihintay sa kanya.
Katabi ko si Villafuerte na mukhang May hinihintay.
"Sinong hinihintay mo?" tanong ko sa kanya.
"Kayo" sambit niya.
"Huh?"
"Sasabay ako sa inyo pabalik, mukha kasi akong kawawa pag ako lang naglakad mag isa" sambit niya na kinatawa ko.
"Hala sure! I feel you naman kasi" natatawa kong sambit kaya pangiti siya. Biglang may tumikhim sa harap namin.
"Ahem! madam ito na po yung favorite mong Chuckie na mukhang nakalimutan mong kunin dahil mukhang May bago kanang favorite!" Naka simangot na sambit ni bakla sa akin kaya nginisihan ko na lang siya bago kinuha ang Chuckie.
"Thanks sa libre! tara na!" Naka ngiting aya ko sa dalawa na kinasimangot nila pareho.
Anong problema nila?
→→→→
Please Don't forget to vote thank you!
