"Bat ka nandito?" taas kilay kong tanong, kung kanina gulat ako ngayon maldita na ako.
"U-umm..." napa kamot siya sa batok parang nakalimutang magsalita.
Biglang may bumatok sa akin kaya napalingon ako kay mama.
"Mah!!" ngumuso ako na kinairap niya lang bago ako paluin sa puwet.
"Bat mo yan minamalditahan ha! kanina pa kaya yan dito!"
"So kasalanan ko?" bulong ko na narinig ni mama kaya napalo na naman ako.
"Mama naman eh!!"
"Hala't pakainin mo muna yang bisita mo dito kakahiya namang pinaghintay mo yan ng matagal" ika ni mama kaya wala akong nagawa kundi ayain na sumabay sa amin si Villafuerte maghaponan.
Tahimik lang akong kumakain habang nakikinig kay mama na eni interview si Villafuerte na feel at home. Tsk siguro ginamitan niya si mama ng smiling while showing his 2 deep dimples para maging mabait sa kanya kasi don ako nadala e.
Natapos ang hapunan ng wala kaming imikan ni Villafuerte, at dahil tapos na ang hapunan madali kong hinila si Villafuerte palabas dahil tiyak na papahugasin ako ng plato.
"Ma! uuwi na daw si Villafuerte, hatid ko lang sa labas"
"W-wait uuwi kana?" parang disappointed pang sambit ni mama habang nagliligpit ng pinagkainan, tutulong sana si Villafuerte pero hinila ko na.
"U-umm..." napa tingin muna sa akin si Villafuerte kaya minulatan ko siya ng mata "opo tita gabi na kasi baka hinahanap na ako sa amin" he smiled.
"Ah ganon ba sige ingat ha!"
"Opo salamat po sa hapunan!" kumakaway si Villafuerte kay mama habang hinihila ko siya palabas sa bahay namin.
Nang naka labas na kami ay binitiwan ko na ang kamay niya.
"Geh alis na" sambit ko.
"U-umm.. pwede ba tayong mag usap?" parang tuta niyang tanong.
Ayan na naman! para tuloy kaming mag jowa na nagtatampuhan!
"Sabi ko naman na okay na yun diba"
"P-please kahit 5 minutes lang" He pleased.
Puta bat parang subrang kakawa ng mukha niya? di ba dapat ako yung kawawa dito!
Napa kamot ako ng buhok "Sige don tayo sa park!" umirap Mona ako sa kanya bago naglakad para pumunta sa park.
Umupo ako sa may bleachers kaya na upo siya sa tabi ko, umusog ako ng kunti para may space para maka pag focus ako.
"Ge your 5 minutes start now" I said as I set a timer on my phone.
"U-umm about don sa may garden" panimula niya.
"Ah yun ba, yung sinabi mo sa akin na gusto mo si Antonella? don't worry di ko--"
"Wala akong gusto kay Antonella!" sabat niya.
"Ano?" napatayo ako bigla sa sinabi niya.
"Joanne hindi ko gusto si Antonella!" seryusong sambit niya na kinalunok ko ng laway.
"E-eh! ba't mo sinabi na gusto mo si Antonella nong araw na yun?" tanong ko habang naka iwas ng tingin.
"I didn't mean it okay, ang totoo naman kasi niyan, sasabihin ko na sana sayo yung personal matter na matagal ko ng gustong sabihin sayo kaso bigla akong kinabahan at nakita ko sa di kalayuan si Antonella na pinipicturan tayo kaya nasabi ko bigla yung name niya!" paliwanag niya.
YOU ARE READING
You Will Never Know
Ficção AdolescenteYou will never know...that I have feelings for you.