Para akong spy na patingin tingin sa paligid dahil mamaya niyan makita ko na naman si Villafuerte at aasa na naman ako sa paglapit niya tsk!
Nasa labas na ako ng gate ng nanlaki ang mga mata ko dahil kita ko na sa di kalayuan si Villafuerte na nagmamadaling tumakbo pa punta sa akin.
Ayan na naman siya puta!
Saktong nakita ko ang kuya ni Zyaire kaya madali akong lumapit dito.
"Kuya Lewis!" masaya kong bati na kinalingon niya sa akin at nginitian ako.
"What I can do for you?" English Paka niyang tanong na kina tameme ko slight bago ngumiti.
"Pwedeng pasabay bibisitahin ko lang si zyaire" please na pumayag Kana kuya habang hindi pa nakakalabas sa gate si Villafuerte.
"Yes sure!" he smiled politely bago umangkas sa motor.
"Sakay na!" ika niya kaya madala akong umangkas sa motor.
Bago paman tuluyang maka alis ang motor ay napalingon ako kay Villafuerte.
Kita ko ang pagtigil niya sa pagtakbo at ang sakit na gumuhit sa mga mata niya.
Ano bayang pinagsasabi mo Joanne, bat siya masasaktan e di ka naman niya gusto!
Huminto kami sa isang subdivision na bahay, ang gara naman ng bahay nila bakla subrang ganda.
"Wag kang mahihiya!" Naka ngiting sambit ni Kuya Lewis habang ginaguide ako papasok sa bahay nila.
"Kuya!.." May isang batang babae ang tumakbo papalapit sa amin ng maka pasok kami sa bahay nila.
Napahinto ito at napatingin sa akin kaya nginitian ko na lang ito.
"Who is she kuya?" tanong nong bata kay kuya Lewis.
"Girlfriend ni kuya Michael mo" Naka ngising sambit ni Kuya Lewis na kinakunot ng noo namin pareho ng bata.
Anong girlfriend? baka girl na friend!
"What kuya Michael has a girlfriend?" she excitedly asked.
"Umm.. baby hindi girlfriend kundi girl na friend yun" I panicly said while smiling.
Tumawa si Kuya Lewis kaya nilingon ko ito at tinignan ng masama, anong nakakatawa?
Tumikhim siya. "Zoey baby I want you to meet ate Joanne she's kuya Michael girl na friend" he introduced me.
Ngumiti ng matamis sa akin si Zoey.
"Nice to meet you po!" she said.
Nagkulitan muna kami ni Zoey saglit bago ako umakyat para puntahan si zyaire.
"eto po yung room ni kuya Michael, he looks kawawa po kanina dahil his sick po!" malungkot na ika ni Zoey.
"Sige pasok muna ako Zoey ha!" I smiled at her.
"Sige po take care of my kuya po!" She waved while smiling kaya napa wave back ako at pumasok na.
Nakalimutan kong mag knock kaya kumatok ako habang bukas na ang pintuan.
"Manang I'm not hungry yet" paos na ika ni Zyaire.
Kung hindi ko lang ito kilala mapagkakamalan ko talaga siyang lalaki.
"Hoy! Zyaire babey mukha ba akong katulong sayo!" ika ko kaya napamulat siya at nanlaki ang mga matang napa tingin sa akin.
"J-joanne?" gulat na gulat yan.
![](https://img.wattpad.com/cover/323772041-288-k617223.jpg)
YOU ARE READING
You Will Never Know
Teen FictionYou will never know...that I have feelings for you.