Chapter 24

2 1 0
                                        

Nagmadali akong nag walkout at nabangga ko pa talaga si Antonella.

"S-sorry!" sambit ko bago lumakad ulit habang pinupunasan ang mga luhang tumutulo sa aking mga mata.

"Wait Joanne! umiiyak ka ba?" rinig kong tanong niya na kinasawalang bahala ko na lang at tumakbo papuntang CR.

Tulala ako habang naka tingin sa kawalan, hindi pa kasi nakapag start ng discussion ang teacher namin sa English dahil nakalimutan niyang dalhin ang libro niya.

May biglang kumalabet sa aking likuran.

"Ano?" inis kong tanong.

"Pinapaabot ni Adam" sambit ni Nathan habang pinapakita ang papel.

"Paki balik sa kanya, hindi ako tumatanggap ng basura!" irap ko bago napa ayos ng upo.

Biglang may volleyball player na pumunta sa room namin hinihingal pa.

"Good noon ma'am" hinihingal nitong bati.

"Anong kailangan mo Delo santos?" tanong ni ma'am.

"Kasi po yung babaeng estudyante na inutusan niyo po dinala sa clinic kasi natamaan po ng bola sa mukha" sambit niya na kina laki ng mata ko.

Hala si Dorothy!

Umingay ang kapaligiran dahil sa narinig.

"Quiet! dito mo na kayo, ms. secretary paki copy to sa blackboard ng macopy to ng mga kaklase mo and also Mr.Villafuerte collectahin mo ang mga notes pagkatapos nito" ika ni maam.

"Yes ma'am" sagot nito.

Nagmadaling umalis si ma'am at kami naman ay walang nagawa kundi magcopy, mamaya na lang namin pupuntahan si Dorothy total vacant naman kami pagkatapos nito.

Biglang may umupo sa tabi ko na pinagsawalang bahala ko na lang.

"Joanne.." kalabit ni Villafuerte sa akin na pinagsawalang bahala ko na lang.

Hmmp.. bat di si Antonella ang disturbohin niya total gusto niya naman ito diba!

"Jo.." tawag ulit nito sa akin pero di ko pa rin pinansin.

"G-galit ka ba Joanne?" tanong nito.

Sinong di magagalit e ang paasa mo!

"A-about kanina m-magpapaliwanag ako, please lang kausapin mo naman ako" parang naiiyak na siya sa boses niya.

Ano mag papaliwanag siya? anong ipapaliwanag niya sa akin? kung paano niya nagustuhan si Antonella? kung paano niya ako pinaasa! puta no thanks mag mo move on na lang ako!

"Jo kausapin mo naman ako! m-magpapaliwanag ako promise" pagsusumamo niya kaya napa buntong hininga mona ako bago lumingon sa kanya.

Kalma Joanne! dapat pakita mo na strong ka!

"Ayos lang! wag ka ng magpaliwanag" pilit na ngiti ang binigay ko sa kanya kasi naman tang1na ang sarap niyang awayin! ang paasa!

"A-anong ayos lang?!..." panic niyang sabi "h-hindi yun ayos!.. magpapaliwanag ako!"

"Buti alam mo..." bulong ko.

"Ano jo?" tanong nito.

"Wag ka ng magpaliwanag ayos lang talaga" I smiled bago napa ayos ng tingin at nag copy na ulit.

Puta hindi yun ayos! ang paasa mo kaya! kung magpapaliwanag kapa mas lalo lang mayayayay tung damdamin ko huhu.

Ayaw ko na magmahal! crush palang sakit na sa heart!

Nagmadali kong binigay ang notebook ko kay Villafuerte, May sasabihin pa sana siya ng inunahan ko na.

"Ayos lang Talaga" I smiled bago nagmadaling lumabas dahil hinihintay na ako nila Nhova at Ella sa pintuan para puntahan na namin si Dorothy.

You Will Never KnowWhere stories live. Discover now