01 |✓

246 6 0
                                    

chapter 1

"Tapos kana sa assignment natin sa General Mathematics?" Napakamot ako sa ulo habang inaayos ang gamit ko, kakalabas lang ng guro namin sa isa pa naming asignatura. Gen. Math. Ang magiging huling subject namin for today.

"Ikaw Angel, tapos kana?" Queen walked to my seat along with her paper. Tumango ako sa kanya, kagabi pa, I sleep almost eleven because of this, "Let me see if we have the same answer,"

"Damn, don’t look at it," I covered my paper dahil alam kong gumawa ako ng sariling solution ko. "I created a different solution, I don’t even know if it’s right."

Pero hindi natinag si Queen at tiningnan n‘ya ‘yung answer ko, para siyang pinag bagsakan ng langit at lupa nang makita n’ya ‘yung answer ko, sobrang layo sa answer n’ya. Diba, sinasabi ko sa inyo, huwag yung papel ko kasi gumagawa ako ng formula na ako lang nakakaintindi.

Pinuntahan niya si Clever and she compared her answer with her answer too at ganun pa rin ang reaksyon na meron s’ya nang makita n’ya ‘yung kay Clever.

"Bakit pareho kayo ng answer ako lang hindi?" Hindi ko alam kung para kanino ang tanong na iyon. Kung para sa akin ba, kay Clever ba o para sa kan’yang sarili.

Pumunta s’ya sa ibang kaklase namin tapos kinumpara nya ulit ang mga iyon, she’s happy because she found one that have same answer with her but mostly same answer as ours pero may iba din namang iba sa kanya iba din sa amin, malayo.

Halos maiyak-iyak si Queen paglabas namin dahil sa kanyang score, she almost went to zero but then our teacher considered the solution that we have on our paper, two points each even though it’s wrong, the point is we still tried to solve it.

"Bakit naman ganon, buti nalang talaga mabait si Ms. Lopez," Naiiyak na saad ni Queen, tahimik lang ako pati narin si Clever sa tabi namin.

"Dapat inspired ka kasi na notice ka ni crush mo noong nakaraang linggo," Pampalubag loob ni Clever sa kanya.

I pursed my lips and stop myself from smiling when she started her little jumped again. Kinikilig na naman s’ya, her face started to become red. Hinayaan ko lang silang dalawa.

"Eh shake nalang natin iyan, may pera pa kayo?" Tanong ko sa kanilang dalawa, huminto sila at napatingin sa akin.

"This is the first time that I heard you asked  us to go out," Of course kasi ngayon lang din ako nag aya sa inyo ni Clever. "Pero Game ako d’yan kaso wala akong sasakyan kasi nag commute lang ako kanina,"

"Sa akin ka sakay," Agad na nag volunteer si Queen, parang walang mga trabaho to bahay nila kasi nag game agad hindi ko pa nga sinabi kong anong oras.

"May trabaho pa ako sa bahay, mamaya na lang alas sais sa Plaza," Nawala ang kanilang ngiti nang marinig nila ang sinabi ko. "Puntahan mo na lang siya sa bahay nila, Queen,"

"Sige na nga," nakangusong saad ni Queen sa akin, sabay kaming pumunta sa parking lot na intended only for the grade eleven, may parking lot naman na intended for grade twelve.

Lahat ng nandito sa loob ay puro motor ang naka park, wala akong nakikitang four-wheeler maliban nalang sa parking lot intended for the faculty members only na halos puro naman mga four-wheeler ang naka park doon. Hindi naman sobrang layo ng Barangay Garcia sa siyudad talagang trip lang ata nila yung motor kaysa mga Four-wheeler.

Tsaka makakaagaw ng space ang mga malalaking sa sasakyan. Halatang may mga kaya naman ’yung mga pamilya ng mga estudyante dito, masasabi ko ngang parang private school ang eskwelahan na ito when in fact this is a public school.

Pain Of Broken Promises (Typographic Editing)Where stories live. Discover now