04 |✓

220 5 0
                                    

chapter 4

"May screening sa journalism sa kabilang campus," I was on my phone scrolling down to my social media, it’s already recess, nang marinig ko iyon mula sa president namin. Lumilipad pa ang isip ko sa kinain namin noong isang araw, libre ni Jaxon sa akin yun eh pero ako lang ang nilibre nya.

Hinayaan ko lang silang magkagulo at hindi na ako naki-alam sa kanilang pag seselect ng tao na pupunta sa kabilang campus para isali sa screening ng journalism. Another day, another survival. I was just focused on my phone, bahala na kayo d'yan.

"Si Angel!" Natigilan ako sa ginagawa ko at mabilis na pinandilatan si Queen. "Feature writing ang sasalihan namin, tagalog akin sa kanya naman English,"

I glared her for doing that! Mabilis namang nilista ng president namin ang pangalan ko nagkamali pa ng spelling! now I am seeing myself in front of Raiden borrowing the key of his motorcycle, hindi ko dala ang aking motor kahit hindi ako naka uniform, naki-angkas lang ako kay Raiden.

"Where are you going?" Tanong agad nito sa akin ng hiramin ko sa kanya ang susi ng kanyang motor.

"Sa Junior High School, may screening sa journalism dahil sinali nila ako," Ngumuso kong saad sa kanya, gusto kong mag rant sa kanyang harapan ngayon. "Si Queen kasi sinali ako."

Tinawanan lang ako ng gago! Binigay naman niya agad ang kanyang susi sa akin, sinabihan ko syang umangkas na lang kay Jaxon, pinuntahan ko rin si Jaxon sa room nila, nakita ko siyang mag-isa na may kinukuha ata sa bag nya.

"Isabay mo nalang si Raiden ngayon kung hindi agad ako makabalik, I borrowed his motorcycle we’re going to the Junior High School Campus." Agad naman syang pumayag sa sinabi ko sa kanya.

Bumalik naman ako sa parking lot ng grade twelve and I pulled out his motorcycle. Natambay pa ako sa gate dahil sa hindi agad kami pinalabas dahil hindi kami kumpleto at wala pa ang teacher na magpapalabas sa amin, kahit si Queen dala ang motor nya nakatambay din sa gate.

Nakita ko rin ang ibang kaklase ko pati ang mga kaibigan ni Ian, tatlo lang silang nakamotor tapos s’ya na lang ang kulang, hindi ba sya sasali? Hinintay ko s’yang magpakita pero ng palabasin kami ay wala s’ya, mukhang hindi ata sya sasali.

Nang makaalis na kami ay mabilis lang akong naka abot sa Junior High School, it is my first time to entering the Junior High School campus, just like I thought before na sobrang laki ng JHS which is really big than I imagined.

Maayos ko namang dinala ang ballpen ko habang nag-susulat ako and I was contemplating if I did this right when I saw them still writing while I'm already finished ang iba nasa scratch paper pa lang nila, kinabahan tuloy ako ng konti sa kanila.

Akala ko magiging kulang ang isang bond paper na long but I was wrong dahil tamang tama lang pala. Nagulat ang teacher sa akin nang makita nila ako maayos kung binaba ang ballpen ko, kahit naman si Queen ay gulat nang makita n’ya yung gawa ko.

"Tapos ka na?" Tanong nito sa akin and I nodded, tiningnan n’ya ang gawa ko at tiningnan nya naman ang sa kan’ya "Bakit ang straight ng pagkakasulat mo sa bond paper, sa akin hindi parang pupunta sa taas ng bulkang mayon at pababa ng bundok?"

Natawa ako sa kan’yang sinabi but I just shrugged off to her. Hinayaan ko siyang magsulat muli. Hindi ko alam kung kailan malalaman kung sino ang makukuha, sinubukan ko lang naman. Bumalik naman kami agad sa campus ng Senior High School at naabutan pa namin sila doon, hindi pa sila natapos sa kanilang ginagawa.

Pain Of Broken Promises (Typographic Editing)Where stories live. Discover now