22

118 4 0
                                    

Chapter 22

Nagising ako na unan na ang kayakap ko, I pouted. Wala na iniwan na nila ako dito. I faced the other side to see a demigod peacefully sleeping beside me. Wala akong nagawa kung hindi mapatitig sa gwapong mukha ng boyfriend ko. Napaka gwapo nito at hindi ako magsasawang ulit-ulitin na sabihin na gwapo ang boyfriend ko.

I lift up my hand and softly run to his cheek afraid to wake him up then to his pointed nose. I was enjoying what I'm doing when he suddenly held my wrist, making me stop. I gasped in shock then he slowly opened his eyes revealing his beautiful eyes. Our eyes locked and I could see different emotions from his eyes.

“Good morning, mahal ko,” He's using his bedroom voice, it sounds so good a music to my ears.

“Good morning, ang gwapo mo,” Sana ganito lagi yung makikita ko kapag gigising ako sa umaga. Sarap sa eyes, busog ka agad kahit hindi ka pa kumain.

He chuckled on my remarks.

Wala syang ibang sinabi and just kissed the tip of my nose before pulling me to his body and hugged me very tight, agad kong naramdaman ang init ng kanyang katawan. Hindi ako nagreklamo at hinayaan sya, ang hindi ko lang alam matutulog pala siyang muli, napakamot ako sa ulo ko dahil doon.

I tried to let go of his arms, pinakawalan nya naman ako. Tulog na tulog eh. Hinanap ko ang mga kaibigan ko, nasa sofa pala si Jayden, nasa folding bed naman si Lucius at nasa sahig sina Joshua at Jaxon pero naka foam ang mga gago, kasama kami. Isang mataas at matigas na unan lang ang naghihiwalay kila Jiselle, Queen at Clever naman ang nandoon sa kabilang banda.

Bali nasa sala kaming lahat, kaming dalawa lang ni Ian ang iba ang position, wala na kasing lugar para sumuot kaming dalawa, kong nasaan ang kanilang ulo nandoon din naman ang ulo namin.

“Kumain ka na, Angel kong gutom kana,”

Napatingin ako kay Queen na kakagising lang ata, nauna ata akong nagising kaysa sa kanya. Umiling ako sa kanya at bumalik sa pagkakahiga, wala pa naman kaming nakikitang naglalakad na pamilya nila Queen sa may sala, mukhang tulog pa ang lahat.

It's almost eight in the morning already. Hindi naman nagtagal ay isa-isa silang nagigising, nahuling na gising si Lucius na siyang nag-ayos ng mga hinigaan namin. Kami naman ay nagsimulang gawin ang gawaing bahay bago kumain saka kami umuwi.

"Salamat po Tita, Tito, happy new year po,”

Isa-isa kaming nagpaalam sa pamilya nila Queen bago kami umuwi, hindi na ako nagpahatid kay Ian at pinauwi na lang sya to have his full rest, alam kong pagod pa sya kaya gusto kong magpahinga s'ya. Dahil sa susunod na linggo babalik na naman kami sa pag-aatupag sa acads namin.

The rest of the week, iginogol ko na lang sa mga unfinished work sheet ko hanggang sa dumating na ang araw na babalik kami sa unit namin. Payag na naman sila Tita na sa school days namin dito na lang kami sa unit namin tapos kapag may mga break kami saka babalik sa bahay.

"Ang new year resolution ko ay magpalate,"

Inambahan ako ng suntok ni Jiselle sa sagot ko sa kanya, I chuckled. Nagtatanong sya ng seryuso sa akin pero sinagot ko lang ng pabiro pero isa din naman sa goal ko hindi masyadong maging maaga sa school, minsan nagiging maaga ako sa school at maghihintay ako ng ilang oras bago ang schedule.

"Sa bagay, senior high pa lang tayo ikaw na pinaka maaga," Nagkibit balikat ang babae sa akin habang nagseselpon ito.

Kaming dalawa lang ang nandito kasi wala kaming schedule na classes habang si Ian naman ay meron.

Mabilis lang ang bawat panahong dumaan kapag masaya ka, kapag wala kang problemang inaatupag sa buhay mo, mga mabibigat na problemang wawasak sa'yo. Just like that Ate Hailey graduated on her course which is Architecture and she get a latin honor that almost everyone wanted to get.

Pain Of Broken Promises (Typographic Editing)Where stories live. Discover now