07 |✓

202 5 0
                                    

Chapter 7

"Nakikinig ka ba sa akin, Angel?" Nakatulala ako sa isang babae na kanina pa daldal ng daldal at tawa ng tawa. Kaklase namin s'ya, isa sa pinaka matalino sa section namin. Si Jiselle, na walang katapusan ang pagsasalita akala mo naman wala ng bukas.

Hindi ko alam kung si Queen o si Jiselle ba ang papakinggan ko dahil mas malakas pa boses ni Jiselle, kahit na medyo nasa malayo sya sa aming dalawa ni Queen. Napakamot na lang ako sa ulo ko dahil sa ingay na ginagawa nila.

To be honest, I like her. Friendly, loud, smart, mabilis mo s'yang malalapitan, she's so humble. Natahimik na lang si Queen dahil sa kan'yang pagiging maingay pero kung ngayon maingay mamaya magiging tahimik yan sa loob ng klase.

"Jiselle, yung boses mo abot hanggang sa kabilang classroom." Pahayag ni Queen sa kan'ya, natawa ang babae at napatakip sa kan'yang bibig.

Pero kahit anong sabihin ni Queen ay patuloy pa rin ang bunganga ni Jiselle, it's cute watching her, yung kinakausap n'yang lalake na kaklase pa rin namin ang s'yang nahihiya sa pinaggagawa ng kaibigan n'ya.

"Ay nako Jiselle, patuloy mo lang yan." Walang nagawa si Queen kundi tumahimik na lang. I chuckled and shake my head.

Nasa loob kami ng silid namin, yung iba nasa labas na. Napagpasyahan namin na dito na lang kami kumain ng aming tanghalian. Wala na naman ding pasok mamayang hapon because this is the last day of the school week balik na naman sa Lunes.

Half day lang pag biyernes, basta walang event sa hapon.

Nakisabay sa amin si Ian, hindi na s'ya nakikipagsabayan sa kaibigan n'ya kasi rason n'ya sa amin may sariling buhay daw yung mga kaibigan n'ya. Buhay pag-ibig daw, may nakikita nga ako na laging nakakasama ng kanyang kaibigan, kaklase ko pa ang dalawa.

"Yayaman naman ng mga kaklase n'yo."

Kumakain kami ng tanghalian naming apat and our topic is our upcoming fairy tale acquaintance party, sinabi namin ang napagplanohan namin about our Acquaintance party at yun ang naging pahayag ni Ian sa amin after hearing our plans.

"Pustahan hindi mauubos ang mga pagkain." Komento naman ni Clever, I saw her smiled weirdly.

"Magbabalot tayo.." Sabi ni Queen akala mo naman may masamang plano na gagawin sa buhay.

May magbabalot naman talaga d'yan dahil sa sobrang dami ng gustong mag dala ng pagkain at alam na agad na hindi talaga mauubos ang mga pagkain. Kahit naman ako siguro kong tutupakin ay magbabalot ako ng pagkain lalo na kong masarap iyon at pasok sa panlasa ko.

"Balutan n'yo din ako." Bumulong si Ian sa amin "Lalo na kapag may spaghetti tapos cake. Kahit isang slice lang."

I smiled, he likes spaghetti and cake so much. Nong lumabas kaming dalawa dahil inaya n'ya ako, isa sa kanyang inorder ay spaghetti tapos bumili s'ya ng maliit na cake because it was his favorite flavor. Kaya hindi na ako magtataka kung sasabihin nya iyon.

"Huwag kayong mag alala babalutan ko din kayo ng pagkain." Bulong n'ya sa amin. "Magdadala pa naman ng cassava cake yung isa sa mga kaklase ko."

Hindi pa nga dumating yung acquaintance party may plano na silang magbalot. Napailing na lang ako sa kanilang iniisip, natapos kaming kumain ay yung pagkain parin sa acquaintance party parin yung pinag-uusapan namin, sumali na din itong si Jiselle, walang preno-preno. Hindi ata nauubusan ng laway eh.

"Anong ginagawa mo dito?" Hinampas ni Jiselle ang lalake buti na lang tapos ng uminom ng tubig si Ian kun'di baka mabasa pa kaming lahat.

"Nakikikain.." sumagot si Ian "Pakiramdam ko nahulog yung baga ko sa hampas ni Jiselle sa akin."

Pain Of Broken Promises (Typographic Editing)Where stories live. Discover now