33

76 4 0
                                    

Chapter 33

"Dito na lang, thank you sa paghatid." Agad akong bumaba sa sasakyan ni Ian, hinatid niya ako hanggang sa harap ng building kung saan ako nakatira pansamantala.

He hummed before nodding his head, ilang segundo akong tumayo sa gilid ng kanyang sasakyan but I just realized na saka sya aalis kapag naka alis na ako. Tumalikod ako at nagsimulang maglakad papasok.

"Miss Clemente..."

Nagpantay ang aking paa nang marinig ko ang pagtawag nya sa akin, tumingin ako sa kanya, binaba nya yung katawan nya to adjust himself at makita ako ng maayos.

"Thank you and sorry." Saad nito bago pinausad ang sasakyan at napatitig ako doon.

Pinailaw nya ng tatlong beses yung signal light nya bago mas binilisan ang pagmamaneho. Hindi ko namalayan na nakangiti na ako habang pumapasok sa loob ng building.

Wala akong naging problema sa sunod na mga araw pero napaisip ako. Parang naging excuse lang din ang pag file ko ng kaso kay mama at sa papa ni Ian, alam ko sa sarili ko na may gusto pa akong ibang gawin at hindi ko lang talaga masabi sa kanila.

Nasa loob ako ng building, sa kapehan kong saan gusto ko laging tumambay. Hindi pumasok si Tito ngayon kasi masama daw yung pakiramdam nya, tapos ko naman din yung mga gawain ko

"Excuse me po ma'am.."

Iinumin ko na dapat yung kape ko ng bigla na lang lumitaw ang lalake na taga finance department team 2. May dala itong karton.

"May nagpapabigay po sa inyo." Inabot niya sa akin ang karton, kunot noo ko namang kinuha ito mula sa kanya.

Umalis naman sya agad sa harapan ko, pag-alis nya lumitaw naman si Ian na may kausap na babae, taga finance department ng team 2 parin bakit nandito to? Alam nya naman siguro na wala si tito ngayon? Naramdaman nya ata yung tingin ko sa kanya, napatingin sya sa gawi ko.

He smiled and wave his hand to mine, ngumiti naman ako sa kanya. Napatigin naman yung babaeng kausap nya sa akin pero bumalik naman sa kay Ian yung tingin nya. Ian's eyes landed on the gift box that I just received a while ago.

Binalik nya sa akin ang tingin, I look down and slowly open the gift. Wala namang nakalagay kung kanino galing ang gift box. Favorite color ko pa yung box. Mint Green. Wala din akong kaalam-alam kung ano ang laman nito.

Hindi ko naman birthday, wala namang okasyon sa buhay ko. I was expecting something nice inside the box but turn out it's not what I think, mabilis kung natapon ang box at napasigaw earning an attention from everyone.

"Shit! Shit! Shit!" Napumura ako ng wala sa oras habang hinahabol ko ang hininga ko.

Nanginginig ang buong katawan ko habang nakatingin sa natapon kong gift box. Mabilis na lumapit si Ian sa akin, hinawakan ang dalawa kong nanginginig na kamay.

"Hey what happened?" Dali-dali nyang tanong sa akin. Mabilis nyang tiningnan ang box na nasa sahig.

Sumunod naman yung babaeng kausap nya kanina, mabilis nyang kinuha ang box pero pag tingin niya sa laman ay tinapon nya ito sa gulat. This time, pati ang laman ng box ay tumilapon na sa sahig, earning a gasped from everyone who's inside.

It's a knife coated with blood and a bloody teddy, gulat na napatingin din si Ian doon sa laman ng box. I swallowed hard looking at the knife, it's real blood.

"Kanino galing?" Ian asked me, still looking at the gift box on the floor.

"I don't know, there's no name on it." I answered him, my hand began to sweat as he held it.

Pain Of Broken Promises (Typographic Editing)Where stories live. Discover now