17

149 6 0
                                    

「 ✦ Chapter 17✦ 」

"Ian, ano daw trabaho ng Papa mo sa abroad nahihiya girlfriend mong magtanong eh," I side glared Jiselle dahil sinama n'ya pa ako. Pero curious din naman ako eh, "What? Grade twelve pa lang tayo nag tatanong ka na sa amin kong ano kaya ang trabaho ng papa ni Ian,"

I smile through pain and looked back to my boyfriend who's sipping his mango shake peacefully, kahit ganyan lang ang gagawin ang gwapo parin. He looked at us, gwapo talaga nito kahit walang ginagawa at sumisipsip lang ng mango shake na nabili namin.

"My father? He's a Nurse in Germany," Sagot n'ya kay Jiselle. Hanggang ngayon hindi ko pa nakikita yung Papa nya, kailan pa kaya.

Hindi kasi ito umuwi noong graduation namin sa senior high school pa kami kasi na una na nitong nakuha ang leave nya for one month bago pa ang aming graduation kaya hindi na s'ya nakauwi noong graduation namin.

Ian didn't even said anything about his father arriving from abroad, medyo nagtampo pa ako sa kanyang ginawa but when he arrived here in Philippines, we were also busy on our academic at that time too kaya wala akong time para mabigyan ng oportunidad na makilala at makita ang Papa n'ya.

Baka soon maswertihan na makilala ko ang papa n'ya, that would be amazing. I am waiting for that moment.

"Hindi ba mahirap na lumayo sa inyo ang papa nyo?" Jiselle asked, she's really wondering about it. "I mean, I understand why he left and went abroad but isn't it hard for you?"

"No, we already accepted it. Para naman sa amin ang ginagawa n'ya," Sagot n'ya sa kaibigan ko.

Mabilis n'yang natapos ang kanyang mango shake, sa aming magkakaibigan kaming tatlo lang ang pareho ng eskwelahan na pinasukan. Jiselle is taking an accountancy course and she wanted to pursue law next as she wanted to become a CPA LAWYER.

Nakapasok din ako sa varsity team ng university in exchange I have full coverage of scholarship same with my boyfriend who pursues law because that's what he really wants. He also got a full scholarship because he's a member of the university basketball team.

Mahirap iyon but he said kakayanin n'ya daw, Law pa naman ang kinuha nya. Ako ang nag-aalala para sa kanya.

Sina Queen at Clever ang pareha ng university ang napasukan, kasama nila si Joshua while Jayden and Lucius have different another universities. Wala silang kasama doon na kaibigan nila. Sa ibang university kasi pumasok, mga dream school nila.

"Sa unit daw mamaya ni Clever," Saad ni Jiselle habang naglalakad kami papasok sa university.

Kakatapos lang namin kumain sa labas at pareho kaming may last period classes ngayon. Hanggang six forty-five akin kay Jiselle naman hanggang six at si Ian hanggang six thirty ng hapon.

"Isa lang ibig sabihin n'yan, kung hindi iinom ang tatlo may kainan," I stated, ayon naman lagi ang nangyayari.

Yang tatlo—Samantha, Clever, Queen— ang mahilig mag aya sa amin pero wala naman kaming gagawin kundi kumain o hindi kaya tirahin ang pulutan nila, minsan lang talaga yung movie marathon naming magkakaibigan.

"Let's see," I stated, uuwi pa ako sa unit para magpaalam kila Ate Hailey and I wanted to change my clothes.

Naiinitan na ako.

"Kong pupunta kayo, sabihan n'yo lang ako," Jiselle waved her phone to us. "I'll go ahead first, my class will start in ten minutes. Bye love birds,"

Naiwan kaming dalawa ni Ian, were still walking towards our building. Hindi kami pareho ng building kaya hindi magtatagal ay maghihiwalay din kami ng daan to attend our last class for today, babalik na naman ako sa susunod na araw while he will be back next week for another straight week of classes.

Pain Of Broken Promises (Typographic Editing)Where stories live. Discover now