Thirty-Three ✨

95 7 0
                                    

✨Summer's POV✨

Pagkauwi namin kahapon, ayun tahimik ng konti si Patrice dahil sa kapatid ko. Narealize nya yata yung mga kalokohan na ginawa nya dati para pansinin ni Keifer.

Ngayon naman, nanonood lang kami ni Patrice ng movie dahil wala naman kaming magawa.

"Summer, nagtext si Phoenix." sabi ni Patrice

"Oh, ano namang pake ko?" sabi ko

Wala naman talaga akong pakielam sa relasyon nila kaya di na nya kailangan sabihin bawat galaw ni Phoenix. -_-

"Sabi nya punta daw tayo sa bahay nila Xavier. Susunduin daw nila tayo." sabi ni Patrice

Napairap naman ako. Psh. Ayokong makita si Xavier ngayon.

"Ikaw nalang sumama. Ayokong pumunta." sabi ko

"Ang kj mo naman!" sabi nya

"Whatever." sabi ko

"Kakatext lang ni Phoenix. Nandito daw sa LA si Cindy." sabi ni Patrice

"What?! Bakit?!" sabi ko

Ngumiti naman sya sa akin at nagtanong, "Bakit? Masama ba? Ikaw na ba presidente ng America?"

I sighed. Bwisit na ito. Edi wow. Wag ko lang sanang makita yang Cindy na yan sa mga pupuntahan ko dahil nakakaasar yung pagmumukha nya.

"Ano? Pupunta ba tayo dun or susunduin daw nila si Cindy?" sabi ni Patrice

"Akala ko ba pupunta ka?!" Inis kong sabi

"Sasama ka ba sa akin?" sabi nya

"Oo na! Bwisit!" sabi ko

Natawa naman si Patrice kaya napairap ako. Bwisit bakit ko ba sinabing sasama ako?!

Tumayo na ako at pumunta sa bathroom para maligo.

*

Si Phoenix lang ang nagsundo sa amin ni Patrice. Magkatabi kami dito ni Patrice sa likod dahil baka ipatapon ko na sya sa Bermuda Triangle kapag si Phoenix ang tinabihan nya.

"Anong ginawa nyo pag-uwi?" tanong ni Phoenix

"Wala." sagot ni Patrice

"Wala syang nagawa dahil nahihiya sya sa kapatid ko." sabi ko

"SUMMER!" Sabi ni Patrice at pinandilatan ako ng mata

"Payback time, bitch." sabi ko naman sakanya at ngumisi kaya inirapan nya ako

"Bakit sya nahihiya sa kapatid mo? Sino bang kapatid mo?" tanong ni Phoenix

"Hindi mo pa kilala? Si Keifer, kuya ko. Crush nya." sabi ko naman

"Dati yun!" sabi naman ni Patrice

"Bakit ka defensive?" pang-aasar ko

"Che, di ako defensive. Atsaka hindi mo ba kilala yun, Phoenix? Tinag ko yun sa picture ni Summer at Xavier na magkayakap sa mall. Sabi kasi ni Summer kuya nya yun eh." pang-aasar naman sa akin ni Patrice at nginitian pa ako

"Cute mo patrice. Sarap mong tirisin." nanggigigil kong sabi

"Ikaw naman nauna eh." sabi naman nya

"Oo na bwisit. Oy Phoenix, baka naman magselos ka pa dyan eh patay na patay na sayo ito kahit dati palang." Sabi ko

Ayoko namang pag-awayin pa yang dalawang yan. Hindi naman ako masamang tao noh hahaha.

"Eh kayo, anong ginawa nyo kahapon?" sabi ni Patrice

Saving SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon