Twenty-One✨

41 4 0
                                    

✨Summer's POV

Pagkatapos naming kumain ng dinner, umakyat na agad si Xavier sa kwarto niya. Gusto ko sana siyang kausapin.

Magsosorry na ako kaysa naman aminin niya na sa magulang ko ang totoo.

Umakyat ako at kumatok sa kwarto ni Xavier. Ilang katok lang ay binuksan nya na ito.

"Xavier, pwede ba tayong mag-usap?" Tanong ko

Shit. I'm shaking. Sobrang kinakabahan ako na baka sabihin nyang aamin na siya.

"Pumasok ka baka marinig ka pa ni manang." sabi nya at tumalikod

Sumunod naman ako sakanya sa loob. Napahinga ako ng malalim.

"Xavier, sorry. Nainis lang kasi ako sa kakadaldal ni Patrice kaya nasabi ko eh." Pag-amin ko

"Magpractice ka na kung paano mo haharapin ang magulang mo at maghanda ka na din kung dadating sila ng biglaan." seryoso niyang sabi

Natulala naman ako sa sinabi niya. Ibig sabihin sinabi niya na?

"Hahayaan mo na ako? Hindi mo na ako tutulungan?" Tanong ko

"Tinulungan na kita, ikaw lang ang makulit diyan at palaging hindi nakikinig sa akin." sabi nya

Napayuko naman ako sa sinabi niya. Naiinis ako. Naiinis ako sa sarili ko at naiinis ako sakanya kasi sinabi niya na agad kina daddy.

"Ano nga palang sabi ni daddy nung sinabi mong fake lang lahat?" mahina kong tanong

"Nadisappoint daw natin siya. Ang bata pa daw natin manloloko na tayo."

Napakagat ako ng labi dahil pakiramdam ko iiyak na ako. My god, ano nalang ang mukhang ihaharap ko sa kanila.

Napatingin naman ako nung biglang humagalpak ng tawa si Xavier. So pinagtatawanan niya pa ako ngayon?! Hindi man lang niya ako tulungan.

"Ano ba! Walang nakakatawa, try mong pumalit sa pwesto ko!" Inis kong sigaw sakanya

"Hahahahahahaha. Niloloko lang kita. Hindi ko pa naman sinasabi sakanila."

Nung narinig ko yun, pinagsusuntok ko siya agad.

"I hate you! Lagi mo nalang akong pinagtitripan! Ugh!! I hate you talaga!"

Hinawakan naman niya ang magkabila kong kamay para pigilan ako. Tinignan ko naman siya ng masama.

"Kung makatingin ka naman ng masama akala mo kung ano nang ginawa ko sayo." sabi ni Xavier

Napairap naman ako sa sinabi niya. "Thank you sa hindi pagsabi kina daddy." sabi ko

"Anong thank you? Pinag-iisipan ko pa kung aamin na ba ako o hindi."

"What?! Xavier please."

"Anong please? Uy, ayaw mong mahiwalay sa akin noh?" Pang-aasar nya kaya naman binatukan ko sya

"Bwisit. Ayoko lang sumama kay Kevin."

"Whatever. May naisip ako."

"Ano naman yun?"

"Hindi ako aamin sa magulang natin pero sa isang condition."

"Ano na namang gusto mo?"

He smirked. Ano na namang balak nito ha?

"Katawan mo."

Pakiramdam ko ay natuyuan ako ng dugo dahil sa sinabi niya. K-katawan ko?!

"WHAT?!" I shrieked

Nakita ko naman siyang tumawa ulit. Ugh, iniinis na talaga ako nito eh.

"Joke lang!"

"Hindi nakakatuwa ang mga jokes mo!"

"Oo na. Game, ang kondisyon ko, susundin mo ako palagi."

"Baka naman kung ano-ano ang ipagawa mo sa akin ha!"

"Ano bang iniisip mo?" sabi niya at nagsmirk

"Bwisit!"

"Ang gusto ko lang naman, wag mo akong sungitan at panindigan mo ang pagkukunwari mong girlfriend ko. At ayoko din na ikwento mo kay Patrice ang nangyari kanina. Deal?" Tanong niya

"Fine!" Inis kong sabi

"Pero wag kang kampante, hindi lang yan ang utos ko madadagdagan pa yan sa susunod." sabi niya

"Yeah, whatever." I said as I rolled my eyes

"Matulog ka na. Maaga pa bukas." sabi niya

Tumayo na ako at pumunta sa pintuan niya. Naramdaman ko namang sumunod siya sa akin.

"May iuutos pala ako." sabi nya

"Ano na naman yun?! Gabi na."

"Goodnight kiss ko?"

Napatulala ako sa sinabi niya. Nababaliw na ba siya?!

"Ayoko nga!" sabi ko

"Ayaw mo pero nagbablush ka. Nice try, Summer." Pang-aasar niya

Nagulat naman ako nang bigla siyang lumapit sa akin at hinalikan ako ng mabilis.

What the f

"Goodnight, Summer."

Hindi ko na siya pinansin at dumeretso na ako sa kwarto ko.

I felt weird.

*

Kinabukasan

Antok na antok pa ako dahil hindi ako makatulog kagabi sa kaiisip sa mga nangyari.

Paglabas ko ng kwarto, sakto namang lumabas din si Xavier sa kwarto niya.

"Bakit ganyan ang mukha mo? Hindi ka ba natulog? Sabi naman kasi sayo wag mo ako masyadong isipin." sabi ni Xavier

"Wag ka ngang makulit diyan, inaantok ako." sabi ko

"Tara dito, kikiss kita baka magising ka." sabi niya at lumapit sa akin

"Bastos." sabi ko

"Ano namang bastos eh boyfriend mo ako?"

Nag-init naman ang mukha ko sa sinabi niya. Bakit ba lagi nalang akong inaasar nito?

"Ewan ko sayo!" sabi ko at nauna nang bumaba

Nakita ko naman si manang na nag-aayos na ng almusal namin.

"Oh, bakit nakasimangot ka agad, ang aga aga?" Tanong sa akin si Manang

"Ang kulit po kasi ni Xavier!" pagrereklamo ko

"Oy, anong ako na naman? Manang, ayaw kasing magpakiss nitong si Summer." sabi naman ni Xavier

"Kayo talaga. Sige na, kumain na kayo diyan." sabi ni manang at ngumiti sa akin

*

Sa school, ayun lahat ng teacher ay sinabihan kami na mag-aral na para sa exam at kumpletuhin ang mga requirements. Magtatapos na kasi ang klase.

Actually, na-eexcite na akong matapos ang school dahil ibig sabihin nun, three weeks na akong nakatira kina Xavier at after ng isang week, babalik na sila Keifer.

Kaya sana maging mabilis lang ang pag-alis ko sa bahay nila.

Saving SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon