Two ✨

101 9 1
                                    

✨Summer's POV✨

Sunday ngayon at nasa mall ako kasi nasa bahay ang mga kaibigan ni Keifer. Like eww lang. Si Keifer palang nakakabwisit na eh. Paano pa kaya yung mga ka-uri nya? -_-

Pero ang clingy talaga ni Kuya dahil tinetext pa din ako at sinasabihan mag-ingat.

"WHAT THE FUCK?!" Napamura ako nang mabangga ako ng isang babae at matapunan ng frappe niya

"Sorry." Sabi niya at yumuko

"Tanga ka ba?!" Sigaw ko sakanya

"Sorry po talaga."

"Ughh!!! Sa dinami-dami ng tao dito sa mall, ako pa talaga ang binangga mo!!!"

"Sorry po."

Iniwan ko na siya at dumeretso sa department store para bumili ng damit. Bwisit. White v-neck pa naman ang suot ko at nadumihan lang. Pinagtitinginan ako ng mga tao. Bwisit lang.

Nabigla naman ako nang may biglang humila sa braso ko at niyakap ako. Nilingon ko naman kung sino.

"XAVIER ANO BA!!" sabi ko at pilit na pumipiglas sa yakap niya

Lalo naman niyang hinigpitan ang yakap niya. Psh. Ano bang problema neto?

"Ang kapal naman ng mukha mong yakapin ako. Bwisit! Dagdag badtrip ka."

"Pwede ba. Tsaka ka na magreklamo pag maayos na yang damit mo. Bumakat yung bra mong red at nakikita ng mga tao." Inis nyang bulong

Naramdaman ko naman na umakyat lahat ng dugo ko sa mukha. Naglakad kami at kumuha siya ng tshirt at binayaran. Pagkatapos ay hinatid ako sa cr at nagpalit.

"Thank you." sabi ko pagkalabas ko

"Hindi ako tumatanggap ng thank you." Sagot naman niya

"Okay. Babayaran ko yung damit."

"No need."

"Okay. Bye. Salamat ulit." Sabi ko at umalis na

Sinundan naman niya ako at hinila.

"Alam mo bang iniwanan ko ang kadate ko para lang takpan yung damit mo. Tas iiwanan mo naman ako. Wow ha." sabi niya

"Sino bang nagsabi na puntahan mo ako?" Inis kong sabi

"Nakakainis ka. Alam mo yun? Buti nga tinulungan pa kita eh. Napakaarte mo."

Okay. May point naman siya at tinulungan niya ako pero duh hindi naman niya responsibility yun noh. At hindi ko din responsibility ang kausapin pa siya pero

"What do you want?" Tanong ko

"Talaga? Baka hindi mo kayang ibigay ha." Sabi niya at sumilay naman ang pilyo niyang ngiti

"Wag na nga!" Sabi ko

"Joke lang eh. Palitan mo yung date ko. Ikaw ang sumama sa akin ngayong araw."

Napa-nganga naman ako sa hinihingi niya. This guy is so unbelievable.

"Humanap ka nalang ng iba." Sabi ko

"Napakadamot mo naman, Summer. Pangalawang beses na kita natutulungan oh." Sabi niya

"Aish. Sige na nga!"

Dahil tanghali na, nagpasya kaming kumain sa isang restaurant. At walanghiya to. Ako pa ang pinagbayad.

"So, magkwento ka naman tungkol sayo." Sabi niya habang nginunguya ang pagkain niya

"Ayoko."

"Dali na! Ang corny mo naman."

"Okay. Una, ang ganda ko. Masaya akong pumunta sa mall pero nabwisit ako dahil natapunan ako ng frappe at kung hindi ako natapunan ng frappe ay malamang hindi kita kasama." Sabi ko

Saving SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon