Thirty-Four ✨

51 3 1
                                    

✨Summer's POV✨

6pm na at nandito pa din kami ni Xavier sa mall. Hindi din naman kami hinahanap ni Patrice.

"Gusto mo nang magdinner?" tanong ni Xavier

"Saan ba tayo kakain?" Tanong ko naman

"Sa bahay, nandun na ata sila mommy." sabi nya

"Weh? Uuwi nalang ako. Sabihin mo kay Patrice, sumunod nalang sya." sabi ko

Nakita ko naman na kumunot ang noo nya.

"Bakit ayaw mo sa bahay?" sabi nya

"Like duh, sinabi ko na nagbreak na tayo tas malalaman nila na magkasama tayo ngayon?" sabi ko

"Ano naman? Atsaka diba kinausap ka naman ni mommy kanina. Pinagising pa nya ako sayo." sabi nya

"Kahit na." Sabi ko at pinisil naman nya ang ilong ko

"Sasabihin natin na tayo na ulit." sabi naman nya

"Ano? Magsisinungaling na naman tayo?" tanong ko

"Hindi. Totoo na ngayon eh. Tsaka magiging complicated pag sinabi natin yung totoo." sabi nya

"Hindi pa tayo noh." sabi ko

Huminga naman sya ng malalim at nagkamot ng batok.

"Okay, edi tsaka na natin sasabihin na tayo na ulit pag sinagot mo na ako." sabi nya

"Okay." sabi ko

"Tara na sa bahay?" tanong nya at tumango naman ako

Lumabas na kami ng mall at sumakay sa sasakyan. Tahimik lang sya at nakangiti. Baliw na ata ito eh.

"Bakit ka nakangiti dyan?" Tanong ko

"Masama?"

"Hindi."

"Hindi naman pala eh." sabi nya

"K."

"Nakaka-inlove ba pag nakangiti ako?" natatawa nyang tanong

"Hindi. Feeling mo naman." sabi ko

"Sus, pakipot pa."

"Tigilan moko, Xavier." sabi ko

"Aw, sungit mo na naman boss." pagdadrama nya

"Magdrive ka nalang dyan, daldal mo pa eh."

*

Pagkadating namin sa bahay nila, di ko alam mararamdaman ko. Para akong natataeng ewan. Nandito kasi sa sala sia tita at sila Patrice.

"Hi, kamusta ang date?" tanong ni tita sa amin

Hindi ko alam pero nahihiya ako. >///< yumuko nalang ako. Pinisil naman ni Xavier yung kamay ko.

"Ma, nahihiya sya. Kumain nalang tayo." sabi ni Xavier

"Oh my. Summer, anak. Bakit ka nahihiya dyan?" tanong ni tita

"Wala po." sagot ko naman at ngumiti

"Oh ano, kayo na ba ulit?" tanong ni tito

"Hindi po." sagot ko ulit

"Weak mo, Xavier. Tara na, kumain na tayo." sabi ni tito at tumayo na

Lumapit naman sa akin si Patrice. Alam ko naman na magtatanong lang ito kaya lumapit sakin.

"Hoy ano yan? Ano yang date at holding hands ha?" sabi ni Patrice

Napairap naman ako sakanya.

"Bakit, kayo din naman ni Phoenix ha?" sabi ni Xavier at hinila na ako papunta sa dining room

Saving SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon