Seventeen✨

53 5 0
                                    

✨Summer's POV✨

Dahil friday naman ngayon at ayoko pang makita ang mukha ni Xavier, sinabi ko kay Patrice na magsleep over ako sakanila.

"Magpaalam ka muna sa boyfriend mo." sabi ni Patrice

"Wag na. Okay lang yan."

Napairap naman si Patrice sa akin.

"Haynako, bahala ka. Hindi kita papatuluyin hangga't di ka nagpapaalam."

Magsasalita na sana ako nang may biglang nagsalita sa likod ko.

"Anong ipagpapaalam mo?"

Nilingon ko naman siya. "Magssleep-over ako kina Patrice."

"No." sagot ni Xavier

"What?! Hindi kita tinatanong kung papayag ka o hindi. Sinasabi ko lang na dun ako matutulog." Inis kong sabi

"Fine, bahala ka. Mag-isa tuloy si manang sa bahay."

"Sshh!" Suway ko sakanya

Bukod kasi sa mga kaibigan namin, wala nang ibang nakakaalam at wala na dapat pang ibang makaalam.

"Bakit siya mag-isa? May pupuntahan ka?"

"Dun kami sa condo ni Kite."

I was shocked for a few seconds pero nabawi ko agad ang pagkagulat ko nang nakita kong nagsmirk siya sa akin.

"Don't worry, kami lang mga boys dun." Sabi niya at tinaas pa ang kanang kamay niya

"Tinanong ko ba?" Sabi ko at umirap sakanya

Hinawakan naman niya ako sa pisngi. "You're too obvious, Summer."

"Ako ba? Hindi ba obvious na nandito ako at hindi kayo matigil sa harutan nyo dyan?" Pagsingit ni Patrice

"Humanap ka kasi ng lovelife mo. Hindi yung nanggugulo ka ng ibang tao!" Suway sakanya ni Xavier

Nakita ko naman ang pilyang ngiti ni Patrice at alam kong may binabalak ito.

"Sige nga, kiss mo na siya para di ko kayo guguluhin pag nagmomoment kayo." sabi niya

"PATRICE!" sigaw ko

Hinapit naman ako ni Xavier sa bewang at inilapit sakanya.

"Yun lang pala kailangan mo para tumahimik eh." sabi ni Xavier

"No, Xavier. Nakakahiya!" Pagdadahilan ko

"Aray naman. Kinakahiya ka ng girlfriend mo, Xavier." -Patrice

Pinanlisikan ko naman si Patrice ng mata at ang ibig sabihin ng tingin kong iyon ay holy fuck anong ginagawa mo, hindi na ito nakakatawa pero tumawa lang siya ng kaunti.

I frozewhen I felt Xavier kissed my cheek. Gusto ko siyang sikuhin pero hindi ko magawa.

"Oh to the em to the gee! OMG SUMMER! Ngayon lang ulit kita nakitang magblush!!!" Tili ni Patrice

Alam kong dapat inaaway ko na siya dahil sa mga ginagawa niya sa akin pero hindi ko alam kung bakit ako nahihiyang yumuko. My gosh, hindi na ako ito!

"Tara na sa parking, nandun na sila Kite." sabi ni Xavier at hinawakan ang kamay ko

Nang makarating kami sa parking lot, nakita naming nakatambay sila Kite sa labas ng sasakyan nila.

"Oh, pinayagan ka ba ni Summer, pre?" Tanong ni Thunder

"Bakit hindi niya ako papayagan? Ano ako, under? Lul pre." sagot naman ni Xavier

Wow ha. Kapal talaga ng mukha nito.

Saving SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon