Eighteen ✨

51 5 0
                                    

✨Summer's POV✨

Saturday.

Dahil napuyat kami kagabi, magtatanghali na nung gumising kami ni Patrice. Nagdecide akong maligo na dito bago umuwi ng bahay. Nakakahiya namang lumabas ng hindi pa naliligo.

Papasok na sana ako ng cr nang marinig kong nagriring ang cellphone ko kaya kinuha ko muna iyon. Xavier.

[Hello? Asan ka?]

'Kina Patrice. Why?'

[Okay. I'll fetch you there tas kakain tayo sa labas.]

'Bakit tayo kakain sa labas?'

[Aish, sundin mo nalang ang sinabi ko!]

'Bakit ba lagi mong gusto na ikaw ang nasusunod ha? Hindi ako ganung tao. Dapat sa akin kayo sumusunod hindi yung ako yung sumusunod sainyo! Kainis!'

[Kasi gwapo ako. Stop being a brat, Summer. Maligo ka na.]

Napairap naman ako at inend call ko na. Psh, bahala siya.

*

Nung matapos akong mag-ayos, bumaba na ako sa sala nila Patrice at nagulat ako nang makita si Xavier dun.

"Kanina pa naghihintay ang prince charming mo dito." sabi ni Patrice

Nung lumapit ako sa kanila, nilagay ni Xavier ang kamay nya sa bewang ko.

"Alis na kami, Patrice." pagpapaalam ni Xavier

"Sure." Nakangiting sabi ni Patrice

Nung makasakay kami sa sasakyan, nagulat ako nang bigla akong hinila ni Xavier at kiniss. Smack lang naman pero holy fuck sinampal ko agad siya.

"Ang bastos mo talaga!" Inis kong sabi

"What? Sinabi ko na sayo kagabi na ikikiss kita kasi nagmura ka."

"Bakit? Pumayag ba ako?"

"Hindi ko naman tinanong kung pumapayag ka o hindi. Tsaka ang arte mo. Dumampi lang naman labi natin eh!"

"Ewan ko sayo!"

"Wag ka ngang masungit dyan! Akala mo naman first kiss mo yung ninakaw ko."

Nag-init naman ang ulo ko sa sinabi niya.

"STOP THE CAR!" Sigaw ko

"Are you insane?!"

"DON'T SHOUT AT ME! ITIGIL MO YUNG SASAKYAN!"

"ANO BANG PROBLEMA MO DYAN!"

"IKAW!"

"ANONG GINAWA KO?"

"NINAKAW MO YUNG FIRST KISS KO DATI —— PUNYETA! BAKIT BIGLA KANG NAGPRENO?!"

Napatingin sya sa akin na mukhang nagulat pero agad din yung nabawi at ngumisi siya sa akin

"Ako first kiss mo?" Tanong nya

Holy fuck, no please. Wake me up. Feeling ko nag-init ang mukha ko sa sinabi nya.

"I hate you. Bababa na ako." sagot ko pero agad nyang hinawakan ang kamay ko para pigilan ako

"No. May date tayo diba?"

"What?! Are you insane?!" Inis kong sabi sakanya

"What?! Are you insane?!" Natatawa nyang paggaya sa boses ko

Ughhh. Nakakabwisit na talaga ito.

*

Makalipas ang ilang minuto, nakarating kami sa isang restaurant. Pagbaba namin ng kotse, nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko kaya pilit ko yung tinatanggal.

Saving SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon