Twenty-Four✨

48 3 0
                                    

✨Summer's POV✨

Late na ako gumising dahil first day na ng vacation. Bumangon na ako at naligo.

Pagkatapos nun, bumaba na ako at nakita ko si manang na nakaupo sa may sofa.

"Tinanghali ka na ng gising hija. Mag-aalmusal ka na dun." sabi ni manang

"Hindi pa po ako nagugutom eh." sagot ko at umupo sa tabi nya

"Kamusta naman kayo ni Xavier? Hindi kayo sabay umuwi kahapon."

"Ayos naman po. Nainis lang ako sa kaibigan ko kaya iniwan ko sila."

"Ilang taon ka na ba, Summer?" Tanong nya

"Magna-nineteen na po ako this year."

"Magkasing edad lang pala kayo."

" Manang, ang init po talaga ngayong summer noh?"

"Oo nga eh. Sandali lang maghahain na ako ng tanghalian."

Maya-maya, nagring ang phone ko. Tinatawagan ako ni mommy. Sinagot ko agad ito.

'Mommy! Kailan kayo uuwi?' I asked

[Baby, hindi pa kami makakauwi. Matatagalan pa kami dito. Ang kuya mo naman, mas nag-eenjoy dito.]

'WHAT?!'

[Calm down. Tsaka alam kong okay ka naman dyan na kasama si Xavier.]

'Mom, can I go there? Ang init dito sa Pilipinas. Atsaka nakakahiya na kina Xavier.'

[Bakit naman? Boyfriend mo naman sya eh.]

'Mom, bakit mo inignore yung tanong ko kung pwede ba akong pumunta dyan?'

[Ilang araw ba?]

'Buong summer.'

[Iiwan mo si Xavier ng buong summer?]

'Mom, kailangan bang laging magkasama ang magboyfriend?'

[Hindi naman. I'm just surprised.]

'So ano, mom? Payag ka na? You'll book my tickets na?'

[Talk to Xavier first. Baka ayaw ng ganun ni Xavier.]

'Mom, sarili ko itong buhay. Hindi naman kailangan na lagi naming pinakiki-alaman ang buhay ng isa't isa.'

[Talk to your boyfriend. Bye, may gagawin pa ako.]

In-end nya na yung tawag. WTF!! Bakit ba kailangan na forever kong kasama si Xavier?!

"OH FUCK!" Napasigaw ako ng tamaan ako ng bala ng nerf sa ulo

Napatingin ko kung saan galing yun at nakita ko sila Kite na may dalang laruan.

"Sinong bumaril sakin nun?!" Inis kong tanong

Tinuro naman ni Kite at Third si Phoenix at tinuro ni Phoenix si Kite. Tinignan ko ng masama si Phoenix at hinabol.

"PHOENIX!! WAG KANG MAGPAPAHABOL SAKIN DAHIL PALILIPADIN TALAGA KITA!" sigaw ko sakanya

"HINDI AKO YUN! SI KITE YUN!" sabi nya habang tumatakbo

"EH BAKIT KA TUMATAKBO KUNG HINDI NAMAN IKAW?" Tanong ko

"HINAHABOL MO KAYA AKO."

Tawa naman ng tawa sila Kite at Third habang pinapanood kami ni Phoenix.

Tumakbo ako hanggang sa matapakan ko yung isang bala. Madudulas na sana ako kaso may biglang humawak sa akin.

"Tsk."

Saving SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon