Six ✨

68 9 0
                                    

✨Summer's POV✨

Friday ngayon kaya nandito kami ni Patrice sa bar.

"Summer."

"Oh?"

"Sa bahay ka matulog. Sleep over tayo mamaya."

"Okay."

"Yes!"

Nakakamiss na ding pumunta sa bahay nila eh. Lagi akong pinapakain ng mommy niya tas pinapaoderan pa ako ng pizza palagi.

Nakita ko naman siyang nagtext at malamang si kuya -err bakit ko tinatawag ng kuya yun? - or parents ko tinext nya para ipaalam.

"Pwede ka daw umuwi ng bukas ng gabi! Hihi yey!" Sabi ni Patrice

Napaisip naman ako, kung wala ako sa bahay bukas edi walang mapapala si Xavier. Edi hindi na talaga ako sasama kay Xavier! Yes

"Ala, omg! Bakit moko niyayakap?" Tanong ni Patrice

"Life-saver ka! I love you na hehe."

"Ay, clingy mo naman ngayon. Bipolar ka talaga. I love you too!"

Maya maya naman ay tumayo na si Patrice at pumunta ng dance floor, ako naman nagpaiwan lang dito sa counter dahil wala ako sa mood na makipagsayaw.

Napunta naman ang tingin ko sa grupo ng lalaki na kakapasok lang sa bar. Sila Xavier na may kasama palang mga babae maliban kay Phoenix.

Hindi ko nalang sila pinansin at uminom nalang.

"Hobby mo talaga ang pagiging lonely, noh?"

Napatingin naman ako sa nagsalita sa tabi ko. Si Phoenix.

"Nagkaron ka lang ng medyo madaming kaibigan pero lonely ka pa din." Sagot ko

Napatawa naman sita ng konti. Naisip ko, ayos din namang maging kaibigan si Phoenix kasi pareho kami ng ugali.

"Summer."

"Mm?"

"Makakapagtago ka ba ng secret."

Woah. May sasabihin ba siyang secret? Hindi ko alam na may ganitong side pala si Phoenix.

"Oo naman. Bakit?"

"Alam mo ba kung bakit hindi ako nag-eentertain ng babae?"

Sus. Basic naman ng tanong nito

"Kasi ayaw mo sa relationships. Duh."

"Mali."

"Eh ano?"

Bumuntong hininga muna siya at tumingin sa akin.

"Bakla ako, Summer."

Napa-awang ang bibig ko sa sinabi niya. What the actual fuck? Ang tagal na pinagnanasaan ni Patrice to tapos bakla pala ito. Hindi ko alam kung tatawa ba ako or what.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA your face is so priceless!"

Napa-kunot naman ang noo ko. Leche. Niloloko lang pala ako.

"Leche ka! Akala ko kung ano na." Inis kong sabi

"Joke. Seryoso na."

"Okay, ano?"

"Ay wag na pala. Haha."

Inirapan ko nalang siya at uminom ulit. Para naman tong timang.

Maya-maya ay lumapit dito si Xavier at umupo sa tabi ni Phoenix.

"Close na close yata kayo ah?" Tanong ni Xavier

"Close lang. Close na close iba na yun." Pagbibiro ni Phoenix

Saving SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon