Twenty-Two✨

42 3 0
                                    

✨Summer's POV✨

Mabilis lumipas ang mga araw. Natapos na ang exams namin at ngayon inaasikaso nalang namin ang mga kailangan naming tapusin sa school.

Magtatatlong linggo na akong nakatira sa bahay nila Xavier at okay naman kami. Hanggang ngayon, si Patrice palang din ang may alam ng tungkol sa amin pero hindi niya alam na sinabi ko na kay Xavier.

Maaga kaming umuwi ngayon dahil half day lang sa school. Nanonood ako ng tv dito sa kwarto nang biglang pumasok si Xavier dito at umupo sa tabi ko

"Summer."

"Oh?"

"Pwede ko bang samahan magmall si Cindy?"

Napa-kunot naman ang noo ko at napatingin ako sa kanya.

"Ano?"

"Ang sabi ko, pwede ko bang samahan si Cindy n-"

"Tinatanong pa ba yan?!" Inis kong sabi

"Ano nga? Payag ka ba?"

"Are you insane?! Bakit mo yun sasamahan? Ano siya, bata?!"

"Eh nagpapasama siya eh."

"No freaking way, Xavier! Isipin mo nalang ang sasabihin ng mga nakakakilala sa atin pag nakita kayo."

"Sus, reasons. Selos ka lang eh." sabi niya at kiniliti ako

"Bwisit! Selos ka dyan, umalis ka na nga! Samahan mo na yun."

"Nagbibiro lang ako tungkol kay Cindy."

Bwisit talaga ito. Ang hilig akong lokohin.

"Date tayo."

Nabigla naman ako sa sinabi niya.

"Tao ako eh. Sorry." sabi ko

"Dahil corny ka, magbihis ka na dun at sumama ka sa akin." sabi nya

"Ayoko nga." sabi ko at inirapan siya

"Magbibihis ka na dun o ako pa ang magbibihis sayo?" sabi nya at nagsmirk

Padabog akong tumayo at kumuha ng damit.

"Kainis! Bakit ba ikaw ang palaging nasusunod?!" Sigaw ko sakanya

"Kasi pogi ako kaya dalian mo na."

Pumasok ako sa cr para magbihis. Nakakahiya naman kay Xavier eh nasa loob siya ng kwarto ko paano ako magbibihis. -_-

Nagsuot lang ako ng t-shirt at shorts tas sneakers.

*

✨Xavier's POV✨

Nung matapos siyang magbihis ay hinila ko na siya pababa at nagpaalam ako kaya manang na aalis kami.

Bago kami lumabas ng gate, hinawakan naman ako si Summer at pinigilan.

"Bakit hindi tayo sumakay sa sasakyan?" tanong nita

Ngumiti ako sakanya. "Sinong nagsabing magkokotse tayo?"

"Fine! Para namang may magagawa pa ako!" sabi niya at umirap sa akin

"Hoy, sa susunod na umirap ka sa akin hahalikan talaga kita." pagbabanta ko

Nagbuntong hininga lang siya. Hinawakan ko naman ang kamay niya at naglakad kami papalabas ng village.

Napa-ngiti ako nang makita ang nagtitinda ng fishball. Hinila ko naman siya papunta dun.

"Kakain tayo?" gulat nyang tanong

Saving SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon