Twenty-Five ✨

45 3 0
                                    

✨ Summer's POV ✨

Nakatulala lang ako habang nakayakap siya sa akin hanggang sa maramdaman kong may malamig sa katawan ko.

"OH MY GOD!!!!" I shrieked

Binuhusan nya ako ng tubig habang nasa likod ko ang kamay niya. Bumitaw naman siya sa yakap at tumawa.

"BWISIT KA TALAGA! I HATE YOU SO MUCH!!" Inis kong sabi at pinalo siya sa dibdib

Pero parang wala lang sakanya yun dahil tawa pa din siya ng tawa. Kinuha ko yung baso sa tabi ko at tinapunan din siya ng tubig.

"I hate you so much!! Ayoko na talagang maiwan na kasama ka!" Inis kong sabi at umakyat na ako sa taas

Napansin kong magsasalita sana sila Kite pero tinignan ko sila ng masama kaya nanahimik sila.

Nagpalit ako ng damit at tinuloy ko na ang pag-aayos ng gamit. Nang makasiguro ako na wala na akong naiwan, tinawag ko si Kite.

"Oh, ano yun?" Tanong nya

"Tulungan mo ako. Ibaba mo itong maleta ko." sabi ko

"Excited ka naman. Wala pa ngang gana umalis si Xavier eh."

"SINO BANG NAGSABI NA SASAMA AKO SAKANYA?! AALIS AKO DITO WAG KA NANG DUMALDAL PA."

Ngumiti naman siya ng peke at inabot ang bag ko.

"Hehe, sabi ko nga."

Bumaba kami nila Kite at nakita kong kumakain si Xavier habang nanonood.

"Pre, di ka nagyaya. Hinihintay ka namin sa taas." sabi ni Third

Hindi siya pinansin ni Xavier at tumingin siya sa akin.

"Summer ang kulit mo." Inis nyang sabi

"Ano na naman? Pinag-usapan na natin ito kanina diba?"

"Edi sige. Umalis ka." sabi nya

"Talagang aalis na ako." sabi ko at tatalikod na sana ako ng bigla siyang magsalita

"Your mom called."

"Anong sinabi?"

"Tinanong niya ako tungkol sa pagpunta mo ng US."

"And?"

He smirked at me. "Sabi nya, wag daw akong mag-alala, hindi ka daw makakapunta dun."

"WHAT?!"

Binitawan ko ang gamit ko at lumapit ako sakanya. Sinabunutan ko siya at pinagpapalo.

"Nakakainis ka talaga! I hate you so much! I hate you! I hate you!"

Napatigil ako nang umubo si Third at sumeryoso ang mukha ni Xavier. Shit. Hindi nga pala nila alam. At ngayon, feeling ko malalaman na nila.

"Umalis na kayo." sabi sakanila ni Xavier

Tumango naman sila at lumabas ng bahay. Tahimik lang kaming dalawa pag labas nila

"Why are you like that?! Pag naiinis ka, galit ka na talaga na sobrang sungit mo at ang sama mo." Inis kong sabi

"Bakit? Ikaw lang pwedeng umakto ng ganito? Minsan alam mo, nakakasawa ka na talagang intindihan. Tinutulungan kita palagi. Pero kahit anong ugaling ipakita ko sayo ganyan ka pa din."

Pakiramdam ko nagsisimula nang mamuo ang mga luha ko. Tumayo siya at naglakad na papunta sa hagdan.

"Umalis ka na kung aalis ka." sabi niya atsaka umakyat sa taas

Naiwan ako dito mag-isa. Pinatay ko yunh tv at niyakap ko yung unan.

"Bakit? Ikaw lang pwedeng umakto ng ganito? Minsan alam mo, nakakasawa ka na talagang intindihan. Tinutulungan kita palagi. Pero kahit anong ugaling ipakita ko sayo ganyan ka pa din."

Saving SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon