Fifteen ✨

46 5 0
                                    

✨Summer's POV✨

"Summer, tawag ka na sa baba. Nandun na din ng boyfriend mo." sabi ni Keifer

"Aish, oo na. Ano na naman bang pauso nila mommy?" Sabi ko

"Wag kang mag-alala. Sasaya ka din naman sa gusto nila eh." sabi nya

Inirapan ko naman ang kapatid ko at bumaba na sa sala. Nakita ko ang magulang ko na kausap si Xavier.

"Hey, come here." sabi ni daddy at pinaupo ako sa may tabi ni Xavier

"What's this?" Bulong sa akin ni Xavier

"I don't know." Sagot ko

Nagfake naman si daddy ng ubo kaya napatingin kami sakanya.

"Summer, pupunta kami ng America ng dad at kuya mo kaya maiiwan ka dito sa Pilipinas. Medyo mabilis lang naman yun. One month lang." sabi ni mommy

"Bakit kasama si Keifer? Ang unfair naman!" Sabi ko

"Kailangan ni Keifer ng work experience dun." Sagot ni dad

"So, bakit nandito din si Xavier?" I asked

"Since, nasa US na din ang parents nya ngayon at matatagalan bago dumating at ganun ka din Summer. Napag-usapan namin ng parents nya na magkasama nalang muna kayo tumira habang wala kami."

"WHAT?!" Sigaw ko

Napatingin naman ako kay Xavier na kalmado pa din at parang okay lang naman sakanya.

"Calm down, Summer. Doon ka titira sa bahay nila Xavier simula bukas. At may maid naman daw sila dun na mag-aasikaso sa inyo." sabi ni mom

"Dad? Okay yun sayo? Hahayaan nyo lang kami? Hindi ka ba kinakabahan na baka may magawa akong hindi maganda?" tanong ko

"I know that you're a responsible person, Summer. At alam kong ganun ka din, Xavier." sabi naman ni dad

"But dad, I can live here alone." depensa ko

"No buts, Summer. Mas panatag ako na kasama mo si Xavier." -dad

"Eh kina Patrice?"

"Manggugulo ka lang dun eh. Bakit ba ayaw mo kina Xavier?" Tanong ni mommy

Saglit akong natulala. Shit. Wag sana silang mag-isip ng iba.

"Wala naman po. Hehe." sagot ko

"Kung ganon naman, iiwan na namin kayo dyan dahil may aasikasuhin pa kami." sabi ni mommy

Ngumiti nalang ako sa kanila at tinignan silang umalis ng sala.

"What the fuck was that?!" Hindi ko napigilang sabihin

"Ewan. Pero mukhang masaya naman." Sabi nya sakin at nagsmirk

Inirapan ko nalang siya at tinext si Patrice. Wala kaming pasok ngayon at wala din akong magawa sa bahay.

"Nagtext si Kite ah? Tara daw sa condo nya. Dala ka foods." sabi ni Xavier

Tinignan ko naman siya ng masama. Pinagtitripan na naman ako nito

"Badtrip ako ngayon, Xavier. Wag mokong pagtripan."

"Di ka kita pinagtitripan. Tara nga daw, swimming daw tayo sa condo nya. Sasama na si Patrice."

"May pool kami. Kayo nalang."

"Mangingitim ka sa pool nyo kasi nasa labas. Kaya sumama ka na." Pagpipilit nya sa akin

"Ayoko nga. Kayo nalang pumunta."

"Sige, dito nalang kami pupunta." Sabi nya at ngumiti ng nakakaloko

Saving SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon