Maaga akong nagising ngayon kasi day off ko napag isip isip ko na mag grocery wala na kasing stock dito sa bahay total kakasahud ko lang and wait.... double to ang binayad sakin ni Aiden kaya ang saya ko today. Buti nalang talaga pumayag ako sa gusto nya kung hindi edi wala.
Tumingin muna ako sa salamin para mag ayos kahit sa market lang pumunta para fresh padin.
"Hairstyle check."
"face check."
"Shirt and pants check."
"Panty-"Naputol ang pagsasalita ko ng biglang tumunog ang cellphone ko. Tamad kung kinuha at saka tiningnan kung sinong asungot ang tumawag.
"hello?"
"hi kate." sagot ng kabilang linya.
"Who's this?" i heard him laugh. At tinawanan pa talaga ako.
"gray." sambit nito.
Gray? bat familiar ang pangalang yun....ayy oo nga pala sya pala yung nakilala ko sa kompanya at nagtatrabaho sa isang mayamang hospital.
"Bat na pa tawag ka gray?" tanong ko
"Diba day off mo today? yayain sana kitang lumabas saglit kung baga date friends lang." sagot nito. Ayy yan lang namn pala.
"oo sige may bibilhin rin ako sa palengke para sabay na." wow friends date.
"Nandito ang sa labas ng bahay niyo". anito .
Dali dali akong lumabas ng kwarto para puntahan si gray. Bakit ngayon lang siya nagsabi sakin na nandito lang pala siya sa labas may pa tawag tawag pang nalalaman.
Pagbukas ko ng gate nakita kung naka sandal sya sa kotse nya at naka shade pa ang angas tingnan palang hindi doctor ang kaharap ko ngayon parang isang mafia purmang purma. Pinaghandaan nya? buti nalang naka ayos ako.
"hey." sambit nito.
"hi." bati ko
" tara?" sabay ngiti nito sakin at naglahad ng kamay sakin.
At tinanggap ko ang kamay niya. Ang lambot shet, sarap pisilin binuksan nito ang pinto at inalalayan ako papasok.
Habang nagmamaneho ito bigla itong nagsalita sakin.
"Anong uunahin natin? yung mga pamilihin mo o yung DATE natin." anito at diniinan ang salitang date.
" Date nalang siguro para pagkatapos ay bibili na ako ng kailangan ko."
"ok saan pala tayo kakain?"
"Naka tikim kana ng street food?" tanong ko.
"What's that? is that dirty?"
Wow, inaasahan ko na to na hindi nya alam ang street food at hindi pa ito nakakain. Mga mayayaman nga.
"No masarap kaya yun try natin dun baka magustuhan mo pa." tutal matagal tagal na din ako hindi nakakain dun.
"S-ure." may pag alinlangan sabi nito.
Habang papalapit na kami napapaisip ako kung andon parin ba si lolo suking suki kasi ako non habang nag aaral pa ako sa kanya ako dati bumibili kaya ayun hanggang nakilala ako nito.
"Dito mo lang ihinto gray." sabi ko. Hindi naman medyo malayo baka kung dun naman mismo ihinto nakakaagaw atention.
Sabay kami lumabas sa kotse nya at lumakad papalapit kay lolo na abala sa panininda. Nang maka lapit na kami bigla itong bumaling sakin.
Nakita ko ang gulat sa mukha nito ng makita ako " oh ineng ikaw bayan? matagal tagal na din ng dumalaw ka dito." sabi nito sakin
Buti nalang kami nalang ang bumibili sa kanya para hindi kami makaka disturbo sa panininda ni lolo.
YOU ARE READING
Owned by CEO
RomanceAiden Martinez is a successful billionaire and he does not deny that he has the handsomeness that he inherited from his father who is an American and when it comes to women and love he does not take it seriously he brings to his company famous women...