dito nagsimula ang lahat..

56 5 0
                                    


૮₍ ˃ ⤙ ˂ ₎ა

"ang ganda mo"

siguro masyado nang gamit ang salitang iyan na sinasabi ng mga tao sa taong nakakuha ng atensyon nila, pero pagdating sa'yo hindi nakakasawang sabihin; hindi nakakasawang banggitin. sa tuwing tumatawa ka, pakiramdam ko hinahawaan mo ako at natutuwa na naririnig ang boses mo. kaya kong marinig 'yan habang buhay kung mamarapatin mo. simpleng hawi ng buhok, kumpas ng kamay at pagdikit ng ating balat ang bumubuhay ng puso ko. nagwawala at kumakabog na parang gusto kumawala. pati ang pabango, nahahalina ako. para bang hinahatak ako papalapit sa'yo.

sa twing tinatanong mo ako kung anong gusto ko, binubulong ko nalang sa hangin na "ikaw ang gusto ko," dahil nahihiya ako. nahihiya na malaman mo na hindi lang diyos ang sinasamba ko; kundi ikaw na parang diwatang laging nasa tabi ko. nakakatawa isipin na sa simpleng tingin mo lang sa akin, kung ano anong bagay na ang iniisip ko; iniisip ko na ganiyan pa rin ba ang tingin mo sa akin kapag umamin akong ikaw ang gusto ko.

sa simpleng tingin sa'yo nung una, hanggang sa nasanay na akong titigan ka. hayaan mo lang ako, masaya na ako masilayan ka. kontento na ako na ikaw ang babaeng pampakalma sa pusong nagwawala. kung anong kinabilis ng tibok ng puso ko dahil sa presensya mo, ikaw din ang dahilan kung bakit ito kumakalma. binubulungan ang mga tao na gumugulo sa isip ko. tila hinehele pa ako dahil sa mala anghel mong boses, gusto ko ulit ulitin kapag hindi mapalagay ang utak at puso ko.

"sorry, pero kaibigan lang talaga ang tingin ko sa'yo."

lintek. sabi ko sa sarili ko na kaya kong lunukin ang katagang 'yan kapag sinambit mo, pero niloloko ko lamang ang sarili ko na kaya mo akong gustuhin gaya ng pagkagusto ko; na kaya mo rin ako tignan sa paraan kung paano kita tignan. parang lumabo ata mata ni kupido at hindi pinana ang puso ng kursunada ko. sablay ka kupido, sa dami ng nagawa mong tama sa mga taong nagmamahalan ngayon. bakit sa akin ka pa pumalpak.

"okay lang, sa kaibigan lang din naman nagsisimula lahat."

sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko, hindi ko na rin narinig ang sinabi ko. masyado akong natakot sa reaksyon mo; natakot na magagalit ka ng tuluyan dahil sa kayabangan ng sagot ko. patawad, nagmamahal lamang. ramdan ko ang panlalamig ng kamay ko, pati na ang tahimik na pagaalburoto ng tyan ko at mahirap na paglunok dahil sa hinihintay ang sagot mo.

"ang totoo niyan, gusto ko ang kaibigan mo.."

ngumiti ka pa ng tipid, hindi komportable sa pagsambit nito sa harapan ko. para kang nahihirapan sabihin ito, assuming lang ba ako kung iniisip mo rin ang nararamdaman ko sa oras na 'yon? pero tumagos sa puso ang salitang binigkas mo, masyadong masakit para tanggapin ang nalaman ko.

nakakatawa, hanggang kaibigan lang ang tingin mo sa akin dahil sa kaibigan ko pa ikaw nagkagusto. masama na ba ako naisin na sana kaibigan din ang tingin no'n sa'yo? pero hindi pwede itong iniisip ko, masyado akong nadala ng emosyon ko. hindi ka karapat dapat masaktan, kahit nauna mo na akong nasaktan. hindi ka karapat dapat sa kaibigan ko- pasensya nadulas lamang ako, pero bakit kase hindi nalang ako?

tinanggap at nilunok ko ang sinabi mo. hindi masyadong klaro sa utak ko, pero huwag mo na ulit babanggitin para hindi makasakit ng damdamin ko. tumatanggap naman ako ng pagkatalo, pero wala ka naman sinabi na hindi ako pwedeng manligaw. sana makita mo ang halaga ko balang araw, hindi man ngayon. sa susunod na buhay, ikaw pa rin ang hinahanap.

a letter for someoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon