ok lang basta ikaw

6 0 0
                                    


૮₍ ˃ ⤙ ˂ ₎ა

noong single ako, lagi ako nac-cringe sa mga sweet post ng mag jowa. lagi ako na awkward sa naglalandian na mag jowa sa harapan ko. lagi ako bitter kapag masaya sila na nakikita ko. pakiramdam ko nga lagi ako pinagtritripan ng diyos dahil araw-araw ko 'to nasasaksihan. ang hirap pumikit kapag inggit.

lagi rin din ako napapasabi na,

“hindi ako magiging ganon kapag nagkajowa ako.”

ayaw ko nga nakikita, gawin ko pa kaya?

pero ewan ko, masyado ata akong nabusog sa sinabi ko. kinaya kong lunukin ang pride ko nung nagkatagpo tayo. okay din pala maging cringe sa piling mo? kaya ko pala gumawa ng mahabang mensahe na naglalaman ng damdamin ko sayo, kaya ko pala maging corny sa harapan ng lahat ng tao, kinaya ko pala ng lahat 'yon para kapalit nito ang tuwa at ngiti sa mga labi mo. okay din pala lumandi sa harapan ng tao, 'yung tipong gumawa na tayo ng sarili nating mundo. kahit kapalit man no'n ang inis ng mga kaibigan ko dahil clingy ako sa'yo. kahit puro pang aasar man ang maibato sa akin, bastat maramdaman mo lang kung gaano ako ka-seryoso sa'yo.

okay din pala maging mahina pagdating sa'yo kung kapalit nito ang bisig mo. okay din pala na maging malungkot, magalit, mainis, at maging masaya. okay din pala maging ako kapag kasama kita. okay din pala na maging totoo. okay din pala na pwede pang magbago ang isip ko pagdating sa pagibig na dati'y kinaaayawan ko.

okay lang din pala tumahan, lalo na kung ikaw ang nag aalo. okay lang pala mapagod, kase lagi mo pinaparamdam na ikaw ang magiging pahinga ko. na sa dulo ng lahat ng ito, ikaw ang makikita ko.

pinakalma mo ang mga ingay na nasa utak ko sa paraan na paghalik mo sa noo ko. sa piling mo ako naging malaya at nakamtan ko sayo ang matagal ng ninanais na saya. sa bisig mo ako'y nakahanap ng katahimikan. sa halik mo ako'y napanatag, sa yakap mo ako nakaramdam ng ginhawa. ikaw ang dahilan kung bakit gustong-gusto ko ang buwan. ikaw ang dahilan kung bakit minahal ko ang mga tala sa langit. nagsilbi kang tahanan ko na lagi kong uuwian.

ikaw ang dahilan kung
bakit panatag ang puso ko.

kaya okay lang din pala makagawa ng mga bagay ngayon na hindi ko inakala noon. kase sa pagkakataon na 'to, alam ko na kaya kong mabusog lahat sa sinasabi ko dahil sigurado ako na worth it sumugal sa tulad mo.

a letter for someoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon