nahuhumaling

5 0 0
                                    


૮₍ ˃ ⤙ ˂ ₎ა

“sige sungitan mo lang ako, mas lalo kang gumaganda sa paningin ko.”

“weird mo”

weird nga ako, sa tuwing iniiripan mo ako at sinusungitan mo ako. parang may mga kulisap sa tiyan ko at pinaliliyab nito ang puso ko. tila nababaliw na ata ako, hindi ko rin mawari kung bakit nahuhumaling ako sa'yo ng todo. para kang paborito kong pabango na nakakaadik langhapin, para kang kanta na hindi nakakasawang ulit-ulitin, para kang paborito kong tula na maganda basahin, para kang piyesa na hindi nakakasawang pagmasdan at para kang puzzle na hindi nakakasawang buoin. 

ang hirap magpigil ng ngiti sa tuwing iritang-irita ka sa presensya ko. automatiko na laging umiikot ang mata mo kapag nakikita ako. binubuo mo lagi ang araw ko; basta't sungitan mo lang ako tanggapin ko. basta't kahit anong emosyon ang ibigay mo magmamakaawa pa akong maramdaman ito. kaya ang hirap din hindi mahumaling sa'yo; iba ang ganda mo sa lahat ng nakita ko.

hindi lang dahil sa inis at pagka-asar kung bakit mas lalong umuusbong ang pagkagusto ko sa'yo. hindi lang sa paraan ng pag-irap, ngunit dahil sa paraan din ng pag-ngiti, pagtawa, paghagikgik, pagpula ng mga pisngi, pag nguso sa tuwing nalungkot at paghawi ng buhok. gusto kita, lagi ko 'yan itataga sa bato. lagi ko rin inuukit ang pangalan mo sa bangkuan, sa puno, sa lupa at sa pader. ibubulong ko pa ito sa hangin. sa kahit anong paraan, maipagsigawan ko lang kung gaano kita kagusto. 

ikaw ang lahat para sa akin, mahal ko. sa'yo ako nanatiling sigurado kahit gaano pa ako ka-indecisive sa buhay ko.

a letter for someoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon