૮₍ ˃ ⤙ ˂ ₎აuna kita nasilayan nung umupo ka sa upuan na nasa harapan ko. nanuot pa nga sa ilong ko ang pabango mo, mahalimuyak ito at hindi masakit sa ilong ko. simula noon, alam ko na ito ang hahanap-hanapin ko. walang halong biro, parang ginising pa nito ang kaluluwa ko.
sa likod ng kwaderno ko
sinusulat kung paano ako
nahulog sa'yo
halos mapuno na nga ito
dahil sa dami kong sinulat
tungkol sa'yo
naubos na rin ang tinta
ng paborito kong ballpen
kakasulat ng mga bagay
na nagustuhan ko sa'yohanda akong maubusan
ng tinta ng ballpen
bastat masabi ko lang
ang nararamdaman ko sa'yo
kahit hindi mo man
mababasa ito
panigurado
dahil hindi pa ako handa
na malaman mong
tinatangi kita
na ikaw lang ang aking
sinisinta
at sinasambaayoko na malaman
mo na ganoon kita kagusto
na gagawin ko ang lahat
para ibalik mo ang pagmamahal
na gusto ko
kahit alam ko na wala
akong pagasa sa'yo
mananatili na kuntento
muna ako
sa likuran mo
habang sinusulat ko
sa likwaderno ang
mga tula na para sa'yo
habang pinagmamasdan
ang kagandahan ng boses
at pagkatao mo
na kahit hindi mo man
kaya akong tignan sa
paraan kung paano kita
tignan
o kahit hindi mo man
lang ako masulyan sa
iyong likuranmananatili na sa'yo ako
hanggang sa kailan ko
gusto
mamahalin kita sa paraan
na alam ko

BINABASA MO ANG
a letter for someone
Poesia・₊✧♡₊˚ a compilation of my prose, dialogues, random scenes, poems that talks about love and heartbreaks. this is my way to cope up with writer's block and to explore my writing journey!