isa kang kanta na uulit-uulitin ko

12 2 0
                                    


૮₍ ˃ ⤙ ˂ ₎ა

alam mo, bukod sa mahilig ako makinig sa mga kanta na kinahihiligan ko. kaya ko rin makinig sa'yo buong magdamag.

nagsimula lahat ng iyon dahil sa pagk-kwento mo ng araw mo, nginitian mo ako at sabay hampas ng braso ko. ininda ko lang ang sakit ng palo mo dahil natutuwa akong makita na kumikinang ang mga mata mo dahil sa paraan ng pagk-kwento mo. hindi ko alam anong ginawa ng mundo dahil sa lakas ng tama ko sa'yo. paparating ka palang, alam ko na ang pabango mo. masyado kase nakakahalina ang tamis nito, tila pinapasok nito ang sistema ko hanggang sa ikaw na hinahanap nito.

minsan napagtanto ko, nakadepende sa'yo ang emosyon ko. kapag nalulungkot ka, ganoon din ako. kapag masaya ka, mas grabe ang saya ko. kapag naiinis ka, hindi ko alam kung bakit natutuwa ako. may pagkakataon nga, kapag iniikot mo ang mga mata mo sa twing inaasar kita, mas lalong gumagrabe ang pagka gusto ko sa'yo. madalas, hindi ko na maipaliwanag 'tong nararamdaman ko para sa'yo. pero alam ko, gustong gusto kita. peksman, itanong mo pa sa lolo't lola ko na nasa libingan na dahil sa madalas kong pagkwento tungkol sa'yo.

nagsimula lahat sa pagkwento mo, hanggang sa hinanap hanap ko na ang boses mo. nasabi mo na nakakagaan ng loob ang pagkkwento dahil napansin mo na tahimik lang ako sa'yo na nakikinig, pero hindi mo alam na mas nakakagaan sa loob para sa akin ang pakikinig sa tinig mo. para bang isang kanta na hinehele ako, para bang isang kanta na uulit ulitin ko, at para bang isa sa mga paborito ko na kanta gaya ng gusto ni zack tabudlo.

naitanong mo sa akin kung bakit tahimik ako, hinaplos mo pa nga ang balikat ko at sinabing magiging maayos lang ang lahat. hindi mo na alam na napaamo mo ang diablong nagwawala sa isipan ko.

"ikaw naman ang magkwento, ako naman makikinig sa'yo.."

napagtanto ko na, nakikiramdam ka. naiintindihan mo ako sa panahong hindi ko na maintindihan ang sarili ko. ang galing mo, mas lalong lumakas ang pagkagusto ko sa'yo.

alam mo kung kailan maingay ang mga taong bumubulong sa utak ko, alam mo kung kailan ako tahimik kapag may problema or tahimik dahil sa gusto lang. alam mo kung kailan may gumugulo sa isipan ko. pinakiramdaman mo ang ugali ko kahit hirap akong maintindihan ng mga tao. ang swerte ko sa puntong inintindi mo ako. alam ko na ang sagot sa katanungan sa isipan ko; kung bakit ako nagkagusto sa'yo? at kung bakit sa simpleng pagsasalita at pagtawa mo lang ay nakuha mo agad ang loob ko.

wala na atang exit dito, paano kaya ako makaka ahon kung masyado na akong lunod lunod kakaisip sa'yo?

ah basta, nakuha mo ang puso ko. kung ibabalik mo lang sa akin pabalik, huwag ka mag abala. iyo na yan panghabang buhay, at akin ka na rin bilang kapalit.

ikaw pa rin ang musika pampakalma sa nagwawala kong isip. ikaw pa rin ang tanging nangunguna sa listahan ng paborito kong naririnig. kaya kong makinig sa'yo magdamag gaya ng mga kantang pampatulog ko sa gabi.

page 03

a letter for someoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon