૮₍ ˃ ⤙ ˂ ₎აmasyado nga yata akong mapaghangad. naghahangad ng isang katulad mo na mapansin mo. mapanghangad ng sobra na hindi umaayon sa sitwasyon. masyado akong ma-ambisyon.
gusto ko malanghap ang amoy mo ng malapitan, 'yung tipong nakayakap ako sa bewang mo habang nakasubsob ang mukha ko sa leeg mo. masyadong nakakabaliw, masyadong nakaka adik at masyadong mahalimuyak. gusto ko hawakan ang mga kamay mo, kahit sinasabi mo na magaspang ito dahil sa gawaing bahay. gusto ko pa rin hawakan 'to, kahit tumatanggi ka at nahihiya na pasmado ito. gusto ko pa rin, walang pakialam sa sinasabi mo. gustong gusto ko. gusto ko na ayusin ang buhok mo, natutuwa kase ako sa reaksyon mo dahil tuwang tuwa ka na marunong ako no'n. kahit lalaki ako, kaya kitang pagsilbihan prinsesa ko. kaya kitang alagaan na higit pa sa inaakala mo. kaya kong gawin lahat ng bagay na hindi mo inaasahan. kaya ko.
masyado nga talaga akong mapaghangad dahil gusto ko higit pa sa pagkakaibigan ang nais ko. gusto ko ipagsigawan sa mundo na ikaw ang tinitibok ng puso ko. gusto ko na tuwing uuwi ako, may ngiti sa labi at may dalang kwento para sa mama ko. tiyak na hindi ako magsasawang magsalita lalo na't ikaw ang paksa ng kwento ko. ang dami ko gusto, baka masyado na 'to sa'yong sobra dahil magkaibigan lang naman tayo. hay, nangungulila na ako sa'yo. gusto ko araw araw makita 'yang magandang ngiti mo, pati ang biloy sa pisngi mo.
isa pa 'yang kung paano ka manamit, minsan ginugulat mo ako. lahat nalang ba ng susuutin mo bagay sa'yo? para bang lahat ng damit sa mundo, para talaga sa'yo. kahit nga sinasabi mo na hindi bagay at jologs sa'yo, pagdating sa akin ibang iba ito. nahuhuli ko nalang ang sarili kong nakangiti at nakatitig sa'yo. umiiwas din naman ako dahil ayoko maramdaman mo na ang weirdo ko dahil lang sa titig ko.
gusto ko sabihin na– gusto kita, seryoso ako ro'n. gusto ko pa makita ang tawa't ngiti mo sa bawat araw. mas sasaya ako kung ako ang dahilan niyan. gusto ko sa tuwing pagod ka, pinipili mo ang balikat ko para maging pahinga. gusto ko kapag naiiyak ka dahil hindi mo nakuha ang score na gusto mo, sa akin mo sinasabi ang nararamdaman mo. gusto ko sa bawat nangyayari sa araw mo, sa akin mo kinukwento.
iyon lang naman ang hangad ko. ang simple diba? hindi ka naman mapapagod gawin 'yon dahil hayaan mo lang ako gumawa ng iba para sa'yo. hayaan mo ako mahalin ka sa paraan na alam ko. hayaan mo ako titigan ka hanggang sa magsawa ako. hayaan mo ako na maghangad ng higit pa sa binibigay mo. pero alam ko na hahayaan din kita na tumanggi sa hinihingi ko. alam ko kung paano tumigil, alam ko paano magpahinga, pero wala sa bokabularyo ko ang sumuko sa gusto ko. wala sa bokabularyo ko na pigilan ang nararamdaman ko.
hayaan mo lang ako maghangad nang ganito.
Page 06
BINABASA MO ANG
a letter for someone
Poesía・₊✧♡₊˚ a compilation of my prose, dialogues, random scenes, poems that talks about love and heartbreaks. this is my way to cope up with writer's block and to explore my writing journey!