૮₍ ˃ ⤙ ˂ ₎აmahalin mo sana siya
na higit pa sa alam niya.matutunan mo sanang
patahanin ang puso
niyang naghihinagpis sa
sakit. matutunan mo
sanang yakapin siya sa
tuwing pinagmamalupitan
siya ng mundo o kaya kung
kinakailangan niya ito.matutunan mo sana
alamin ang mga bagay
na tungkol sa kaniya
na hindi niya mahanap
sa sarili niya.matutunan mo sana na
tanggapin ang kamalian
nito at tanggapin mo siya
ng buo at klaro,
dahil pare-pareho naman
tayong hindi perpekto
nagkakamali rin tayo
at natututo na itama ito.bigyan mo sana siya
ng oras maitama ang
pagkakamali,
matutunan mo sana
maging mahinahon
sa lahat ng pagkakataon
na hindi sagot ang pagsigaw
sa pagaayos ng hindi
pagkakaintindihan.matutunan mo sanang
sa tuwing tahimik siya
ay kailangan niya lang
ng oras at panahon.
kailangan niya lang ng
haplos sa ulo at halik
sa kamay at noo.kailangan niya rin
ng kaunting oras na
kapayapaan, kahit puro
gulo at ingay ang laman
ng isipan nito,
matutunan mo rin
sana na patahimikan
ito sa kahit anong paraan.maging mahinahon ka sana na
mahalin siya sa lahat ng
pagkakataon.
masyado na siyang
malupit sa sarili niya,
huwag mo na sana
siya bigyan ng rason
para kamuhian pa
lalo ang sarili.matutunan mo sanang
alamin ang paborito
niyang kanta.
minsan rnb-pop,
madalas hev abi.
pati ang pagkain
na ayaw niya, hindi niya
talaga gusto ang ampalaya
kahit ito ay masustansya.ayaw niya rin ng maingay
kahit siya mismo nagsisimula
ng ingay. madalas siya galit,
pero minsan naman
ay mahinahon.
hindi siya palaging ganito,
pero unti-unti niya naman natututunan huminahon.
matutunan mo sana
na intindihin siya sa lahat ng pagkakataon,
kahit nahihirapan ito.matutunan mo sanang
intindihin na ang
pagmamahal niya ay
hindi gano’n ka perpekto
gaya ng inaasahan mo,
sinusubukan niya pa rin ito
baguhin kahit papaano.matagal itong pinagkaitan
ng pagmamahal, kaya sana
huwag mo ipagdamot
ang karapat-dapat para
sa kaniya.mahalin mo sana siya
na higit pa sa
inaasahan niya,
nang sa gayon matutunan
niya rin mahalin ang sarili
niya.
BINABASA MO ANG
a letter for someone
Puisi・₊✧♡₊˚ a compilation of my prose, dialogues, random scenes, poems that talks about love and heartbreaks. this is my way to cope up with writer's block and to explore my writing journey!