Third Person's POV
"Ang sarap nitong crab." Pagdadahilan ni Sam. Para mailigaw sana ang usapan pero nanatiling nakatingin sa kanya si Bernard.
"I heard you." Giit nito. Hindi pa nito inaalis ang tingin nito sa kanya.
"Kahit naman siguro sinong babae. Hahanga sa mga kagaya niyo." Katuwiran ni Sam.
"Hindi 'yan ang gusto kong marinig. You said earlier na hinahangaan mo ako noon pa. So, you mean may gusto ka na sa'kin noon pa? Kaya ba nakiusap ka kay Aling Esme na ipasok kita dito? Matagal mo na ba akong gusto?" Bakas ang kuryusidad mula sa mga katanongan nito sa kanya. Nagulat si Sam dahil ang bilis napagtahi-tahi ni Bernard ang lahat. Pero hindi naman niya intensyon na magkagusto maliban sa paghanga. Alam niyang trabaho talaga ang ipinunta niya roon.
"Ang paghanga at ang pagka-gusto ay magkaiba po 'yun. Isa pa, hindi naman 'yun ang dahilan kung bakit ako nag-decide na mag-trabaho sa inyo. Dahil po talaga 'yun sa pangangailangan ko." Sinserong sagot niya. Pinagsiklop nito ang mga kamay at ipinatong ang baba, habang matiim na nakatigtig sa kanya.
"May dumi po ba ako sa mukha?" Nagtataka niyang tanong dito habang kinakapa niya ang kanyang gilid na labi, dahil na rin sa mga titig nito kaya siya napapatanong.
"You, told me that crush and love is different. Di'ba doon din naman nag-uumpisa yun?" Napabuntong hininga nalang si Sam, hindi na niya kasi alam ang sasabihin niya dito para mailigaw ang usapan nilang dalawa kaya nagmamadali siyang ubosin ang natira sa kanyang plato bago sagutin si Bernard.
"Depende kasi 'yun, pwedeng ma-develop into love kung parehas kayong may nararamdaman sa isa't-isa. Minsan naman, kusa na rin 'yung nawawala lalo na kapag may nakita kang hindi mo gusto sa kanya. 'Yung tipong na-discouraged ka sa kanya kaya mas pinili mo na lang na iwasan yung nararamdaman mo." Seryoso niya iyong pinapaliwanag sa kanyang amo.
"What if nagkamali ka lang pala ng pagkakakilala? It was easier to judge a person without knowing them personally, Sam. But there's one thing I know and it's true. When I laid my eyes on you. I know darating ang araw na ito." Pagkatapos na sabihin 'yun ni Bernard ay tumayo na ito at iniwan siyang mag-isa. Sinundan pa niya ito ng tingin habang bumababa sa hagdan.
"Anong ibig niyang sabihin? Kahit kailan talaga ang hirap niyang kausapin. Layasan ba naman ko? Hindi ko lang nakita. Narinig ko pa nga eh!" Pigil na sabi ni Sam sa sarili, sabay iling. Napahawak pa siya sa kanyang dibdib dahil ngayon lang ulit kumalma ang puso niya.
Tatayo na sana siya pero napansin niya ang umiilaw na phone sa ibabaw ng mesa. Sinilip niya kung sino ang tumatawag.
'Daddy's calling
Napaayos siya ng upo dahil sa narinig niyang yabag mula sa hagdan. Hindi nagtagal ay bumungad sa kanya ang seryosong mukha ni Bernard.
"Let's go, marami pa tayong water activities na gagawin. May pupunta dito para magligpit ng mga yan kaya halika na." Utos nito sa kanya sabay kuha ng phone nito.
Ni hindi man lang napansin ni Bernard na may tumatawag sa phone nito. Agad siyang tumayo at sumunod dito. Pagdating nila sa baba ay may dalawang babae na nag-abot ng malaking paper bag kay Bernard.
"Ito na ba ang lahat ng pinabili ko?"
"Yes, Sir. Mamaya po ihahatid dito 'yung scuba diver suit." Sagot nito at magalang rin na nagpaalam.
Binalingan siya ng tingin ni Bernard tiyaka inabot ang isang paper bag.
"Ano 'to?"
"Suotin mo 'yan ngayon na. Mamili ka nalang dahil pansamantala 'yan ang susuotin mo habang nandito tayo sa isla. Sinigurado ko rin na tama ang sukat na ibinigay ko sa kanila. Kaya kasya 'yan sa'yo. Babalikan kita mamaya, okay?" Mala-awtoridad siya nitong inutosan at kapagkuwa'y nagpaalam din sa kanya.
Pagkaalis nito ay sinilip niya ang laman ng paper bag, at halos luluwa na ang mata niya sa pagkagulantang dahil bumungad lang naman sa kanya ay ang kulay itim na t-back panty!
"Seryoso? Talagang ito ang susuotin ko mamaya?" Hindi siya makapaniwala na nagtanong sa ere, na sinundan niya ng mapakla na pagbuntong hininga.
Pagpasok niya ng kwarto ay hindi siya nag-atubiling ilabas lahat ang laman no'n. Bukod sa tatlong two-piece na magkakaiba ng kulay ay may tatlo ring bestida na sa tingin niya ay hindi aabot sa kanyang tuhod ang haba at may isang pares pa na kulay puting haviana slipper.
Wala siyang ibang choice kundi suotin ang two-piece suit na kulay itim at pinatungan ng kulay dilaw na bestida. Hindi naman pangit ang katawan niya. Makinis din naman siya, sadyang hindi siya sanay na magsuot ng ganitong kasuotan kung saan lantaran ang desinyo.
Itinali niya ang mahaba niyang buhok tiyaka inirolyo at ginawang bun. Isinuot niya muna ang tsinelas niya bago siya lumabas ng kwarto, paglabas niya ay nadatnan niyang nag-aabang na si Bernard sa labas. Napatigil lang ito nang makita siya.
Nakasuot ito ng summer short at shades kaya hindi matatanaw ang mga mata nito. Nakasuklay pataas ang kulay ash brown nitong buhok. Halata din na bagong ahit na baba dahil sa kinis at maaliwalas na mukha. Pero ang mas umagaw ng kaniyang atensyon ay ang namumutok nitong abs. Nag-angat ito ng salamin at pinapasadahan ang kanyang kabuoan.
"Mag je-jetski tayo tapos ganiyan ang suot mo? You can wear two-piece swimsuit, Sam. Pribado ang resort na ito at walang ibang tao na makakakita sa'yo." Wika nito sa kanya.
"Nahihiya kasi ako." Naiilang niyang usal.
"Bakit ka naman mahihiya? Ako lang naman ang kasama mo. Kakaalis lang ng mga asungot, kaya tayo lang dalawa ang nandito aside sa mga crew na nag su-supply ng mga pangangailangan natin dito."
"Okay na po, magtatanggal na." Nagmadali siyang pumasok sa loob ng kwarto at kaagad na hinubad ang kanyang damit. Naiwan na lamang ang itim na panloob niya. Nakagat pa niya ang kanyang labi. Habang pinagmamasdan ang sarili sa harapan ng salamin.
"Okay na kaya ito? Tsk! Gusto lang ata makakita ng camel ang manyakis na yun eh." Mahina niyang bulong sa sarili. "Hindi naman siguro? Normal lang naman na ganito ang suotin kapag sa beach diba?" Kinukumbinsi pa niya lalo ang sarili para makahugot lang ng lakas na loob bago lumabas.
"Bahala na nga!" Dahan-dahan niyang pinihit ang seradura ng pinto at kitang-kita niya ang pag-awang ng labi ni Bernard. Hindi pa ito nakuntento dahil tinanggal pa nito ang shades sa ulo at hinagod siya ng tingin. Awtomatikong napapatakip siya sa kanyang sarili.
Kahit hindi kasing laki ng kay Trixie ang dibdib niya, para sa kanya ay tama lang ang sukat na meron siya. Hindi rin naman siya conscious sa sariling katawan dahil marunong din naman siyang makuntento.
"Let's go." Nakangiti nitong saad sa kanya ngunit hindi pa rin mawari ni Sam kung ngiti ba 'yun o ngisi.
Nang makarating sila sa lower deck ng yate ay isang jetski lang ang nakita niya, which is ikinanguso niya. Ibig sabihin ba nito ay mananatili lang siya sa yate?
"Nasaan 'yung akin?" Ang Boss niya, nauna pang sumakay samantalang siya ay napapakunot-noo lang dahil hindi niya alam kung saan siya sasakay. May isang babae na sumulpot at nag-aasist sa kanila, kagaya nito ang suot ng babaeng naghatid sa pinapapabili ng Boss niya kanina, malamang ay kabilang ito sa crew ng isla.
"Aangkas ka sa'kin Sam, hindi ka pa naman marunong gumamit. Pero kung gusto mo matuto, tuturoan kita." Suhestiyon nito na ikinagulat niya. Pagkatapos nitong pagsuotin siya ng swimsuit ay papaangkasin na naman siya nito? Was he hitting on her already?
"Ma'am kabitan ko lang kayo ng life jacket." Alok ng babaeng crew sa kanya.
"Hindi na po. Marunong naman ako lumangoy. Saka hindi naman ata ako ihuhulog ng boss ko." Nakangiting sabi niya sa babae na ikinangiti din nito.
Inabot ni Bernard ang kamay niya upang maalalayan siyang makasampa sa jet-ski. Napilitan siyang mapasunod sa gusto nito. Pagkasakay niya sa likuran nito ay hinila pa ang mga kamay niya kaya lalong dumikit ang katawan niya sa likuran nito. Her cheeks burned.
"Humawak ka ng mahigpit sa'kin okay?" Paalala sa kanya ng amo. "Kasi lilipad tayo!"
Nagulat nalang siya nang bigla nitong paandarin ang jet-ski at pinaharurot. Mabuti na lamang at mahigpit ang hawak nito sa kamay niya, saka pa lang niya napansin na nakahawak pala siya sa matigas nitong abs. Hindi niya tuloy alam kung paano aalisin ang kanyang kamay niya dahil ramdam niya kung gaano nanigas 'yun.
"Ahhh!" Napasigaw si Sam sa hangin nang mas binilisan pa ni Bernard ang jetski, kaya mas humigpit pa ang pagkakahawak niya sa tiyan nito. Ngunit ang umagaw ng kanyang atensyon ay ang ang tatoo nito sa balikat. Making her stilled at the sight.
Ang pamilyar na tatoo na minsan na niyang nakita noon. Ang tatoo na nasa huling alaala niya nang galawin siya ni Troy no'ng gabing lasing na lasing siya.
Sam's POV
Hindi ako maaring magkamali. Bago ako tuloyan na nawalan ng malay no'ng gabing 'yun ay 'yun mismo ang huli kong nakita at naalala. Imposible namang mangyari 'yun. Kahit nilasing nila ako no'ng gabing 'yun ay malinaw na malinaw sa'kin ang tattoo na 'yun. Hindi kaya? Hindi kaya magkapareho sila ni Troy? Hindi kaya meron din nito si Troy? Hindi naman imposible 'yun dahil magpinsan silang dalawa....
Naguguluhan ako. Pilit kong inaalala ang nangyari no'ng gabing 'yun. Halos pigain ko na ang utak ko kakaisip para lang alalahanin ang nag-iisang alaala kong 'yun.
Ang huli kong natatandaan ay nagpunta kami sa isang malaking bahay dahil birthday ng kaibigan ni Troy. Tapos pinilit akong uminom ng mga kaibigan niyang babae hanggang sa hindi ko na namalayan na napadami na pala ako ng inom.
Tapos, ang huli kong naalala ay nagpunta ako sa banyo. Muntik pa nga ako sumubsob no'n eh, pero mabuti na lamang nasalo ako ni Troy.
Sobrang namanhid na 'yung katawan ko dahil sa lakas ng epekto sa akin ng alak. Kung hindi lang dahil sa pakikisama ay hindi ko rin 'yun gagawin. Ang sabi sa'kin ni Troy ay magpahinga daw muna ako sa kwarto. Pagkatapos ay lumabas na siya ng pinto. Tapos bahagya akong nagising nang may maramdaman akong humahalik sa aking labi at humahaplos sa aking hita. Inaaninag ko ang mukha niya pero hindi ko 'yun halos makita sapagkat bahagya ko lang maimulat ang aking mga mata dala ng pagod at kalasingan hanggang sa nakaramdam na ako ng sakit kaya muli akong dumilat doon ko nakita ang tatoo na 'yun habang wala siyang tigil sa pagbayo sa'kin. Pagkatapos noon ay nawalan na ako ng malay.
"Woahh!" Hiyaw ni Sir Bernard na halatang enjoy na enjoy siya sa kanyang ginagawa. Ako naman ay patuloy na nababagabag sa mga nangyari.
"Sir, may ganitong tattoo din ba si T-Troy?" Kinakabahan ako habang tinatanong ko siya. Naramdaman ko ang pag-minor niya sa pagpapatakbo ng jetski. Ang kabog ng dibdib ko ay hindi na normal, na te-tense ako lalo na nang bahagya niya akong nilingon.
"Tattoo? You mean, 'yung nasa balikat ko?" Tanong niya sa'kin. Sana sabihin niyang meron. Sana sabihin niyang may ganito din si Troy nang sa gano'n ay mawala itong pangamba na meron ako ngayon.
"Unique ang tattoo na ito, Sam. Ako mismo ang nagpa-desinyo nito. Ipinalagay ko ito when I was in college. Bakit mo natanong?" Parang may sariling buhay ang mga mata ko at biglang nag-init, kasabay no'n ay ang pangingilid sa hindi ko malaman na kadahilanan. Tila kinakapusan rin ako ng hininga sa narinig. Kung walang ganitong tattoo si Troy, ibisabihin... Hindi maaari! No, imposible...
"Pwede bang bumalik na tayo?"
"Why? Kakaumpisa pa lang natin, ah?" Halata sa boses niya na ayaw pa niyang bumalik. Pero hindi ko kayang pigilan ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Ayokong makisaya lalo na't wala ako sa huwisyo na makisaya.
Hindi ko alam kung anong iisipin ko. Ayokong itanong sa kaniya ang mga bagay na ito. Lalo pa't hindi pa ako sigurado. Kailangan kong makausap si Troy. Kailangan ko siyang tawagan. Kailangan ko siyang makita. Kinakailangan ko siyang komprontahin. Dahil kapag hindi ko gagawin 'yun, mas lalo akong hindi matatahimik. Mababaliw ako sa kakaisip kung ano ang tunay na totoo.
Yun din ang dahilan kaya gusto ko ng bumalik sa kwarto. Kailangan kong makuha ang number ni Troy. Pero ang malaki kong problema ay saan at kung papaano ko iyon makukuha?
"May nakalimutan kasi akong importanteng gawain." Pagdadahilan ko sa kanya. Pinihit niya ang manibela pabalik sa yate. Pero wala pa ring tigil sa pangingilid ang luha ko. Ayoko mang isipin na mali ang natuklasan ko ay hindi ko naman makumbinsi ang sarili ko. Sarili ko lang ang niloloko ko kapag gano'n.
Nang makababa na kami sa jetski ay nagmadali akong pumunta sa kwarto na inuukupahan ko. Pero bago ko pa mabuksan ng tuluyan ay nahabol na niya ako. He's holding me by the elbow.
"Hey, what's wrong? May sakit ka ba? Bakit bigla kang tumamlay?" Usisa niya sa akin.
Hindi ko rin alam kung paano umpisahan o kung kailangan ko ba siyang direkta na tanongin? Hindi ako maaring magpadalos-dalos nakasalalay dito ang buhay naming mag-ina at ang aking pamilya pati na rin ang aking trabaho.
"Pwedeng umuwi na tayo? Naiwan ko kasi ang phone ko sa penthouse kailangan kong tawagan si Itay kasi birthday niya ngayon." Pagsisinungaling ko ulit kahit na ang totoo ay may kailangan akong numero.
"What? Uuwi tayo at tatapusin ang bakasyon para lang sa phone mo? Gamitin mo na lang 'yung sa'kin."
Nagpaalam siyang kukunin ang cellphone niya samantalang nanatili ako sa loob ng kwarto. Binuksan ko lang ang pinto para pagdating niya ay makuha ko agad ang cellphone niya.
Maya-maya pa ay dumating na siya at inabot sa'kin ang cellphone.
"Hihintayin kita sa taas." Pagpapalam niya pagkaabot sa'kin ng aparato at lumabas din kalaunan kasabay ng pagsara niya ng pintuan. Nanginginig at namamawis ang mga kamay ko. Hindi ko alam kung tama ba itong gagawin ko. Pero wala na akong choice. Kailangan ko 'tong gawin.
Kaagad akong nagpunta sa phonebook niya. Umaasa na makikita ko ang number ni Troy. Pero pabalik-balik na ako ng scroll ay wala pa rin akong makitang number niya. Hanggang sa nag-appear sa screen ang pangalan ni Trixie. Tumatawag siya dito. Kung magkakilala si Trixie at Troy baka may number siya nito! Desperado na akong malaman ang totoo kaya kailangan kong gawin ito. Walang pagdadalawang isip na sinagot ko ang tawag niya.
"Babe, nasaan ka? Bakit wala ka sa penthouse mo?" Kaagad nitong tanong na sa pag-aakalang ako si Bernard.
"T-Trixie, puwede ba tayong mag-usap?" Kabado kong tanong sa kaniya, to the point na nauutal ako.
"What the hell, talaga palang pinanindigan mo ang pagiging haliparot mo! Pagkatapos mong ipaako kay Troy ang hindi niya anak. Pinsan naman niya ang tinuhog mo! Nasaan si Bernard? Ipakausap mo siya sa akin!" Sigaw niya at makatotohanan na masakit iyon sa tenga. Bahagya ko munang inilalayo ang cellphone.
"Ibibigay ko sa kanya ito basta bigyan mo ako ng number ni Troy." Alam kong hindi basta-basta susunod si Trixie, pero kailangan ko pa din subokan.
"Please, Trixie. May gusto lamang akong itanong sa kanya. Mamaya ibibigay ko na ito kay Bernard. Kailangan ko lang talaga siyang makausap." Kung ang pagmamakaawa ko sa kanya ay ang magtutulak sa kanya na pagbigyan ako ay wala na akong pakealam.
Narinig ko ang malakas na paghalakhak niya mula sa kabilang linya.
"Damn you! Kapag hindi mo tinupad ang pangako mo. Humanda ka sa'kin!" Pagkatapos niyang sabihin 'yun ay pinatay na niya ang tawag. Maya-maya pa ay nakatanggap na ako ng text na may laman ng phone number ni Troy. Wala akong sinayang na oras at kaagad iyong di-nial ang number niya. Nakadalawang ring palang ako ay may sumagot na sa kabilang linya.
"Bakit ka tumawag?" Tumambad kaagad sa'kin ang seryoso niyang tanong at ang may kalaliman niyang boses.
"Si Sam 'to, Troy. Wala dito si Sir Bernard. May itatanong lang ako sa'yo. Pero pakiusap lang, wag na wag kang magsisinungaling sa'kin." Naging tahimik siya sa kabilang linya pero alam kong nakikinig pa rin siya.
"Ikaw ba ang nanamantala sa'kin no'ng gabing 'yun? Sagotin mo ako Troy... Ikaw ba?" Makapigil hininga kong tanong habang panay ang aking tingin sa itaas para pigilan ang sarili na maluha.
"To tell you the truth, hindi ko magagawa 'yun sa'yo. Kung gusto mong malaman ang totoong nangyari. Magkita tayong dalawa. Sasabihin ko sa'yo ang lahat ng gusto mong malaman." Kaagad kong pinatay ang tawag at nagmamadaling binura ang call history.
Namalayan ko na lamang ang sunod-sunod na pagpatak ng luha ko. Even though I tried na huwag umiyak, pero heto pa rin. Hindi ko mapigilan ang hindi maging emosyonal kahit hindi pa sinasabi sa'kin ni Troy ang lahat. Pakiramdam ko doon pa rin papunta ang sasabihin niya. Hindi ito ang tamang oras para alamin ko ang totoo. Gusto kong makausap siya ng personal para malaman ko ang buong katotohan. Saka ako magdedesisyon kung ano ang gagawin ko. Pero sa ngayon. Isa lamang ang alam ko na posibleng totoo. Si Bernard... Maaring si Bernard ang Ama ni Calix!
Ilang taon... Ilang taon kong kinimkim ang sama ng loob ko para sa isang tao na sa pag-aakalang siya ang ama ng anak ko. Sa pag-aakalang siya ang nanamantala sa'kin no'ng gabing 'yun. Sa pag-aakalang siya ang lalaking tumalikod sa'kin noon ng mga panahon na kailangang-kailangan ko siya sa tabi ko. Na kailangan namin siya ng anak ko... Pero nang dahil sa palatandaan ay nagbago ang lahat at naging magulo pa ito. Kung hindi pala siya ang gumawa sa'kin no'n, bakit siya ang nadatnan ko sa aking kwarto? Bakit hindi niya sinabi sa'kin ang totoo? At ano ba talaga ang nangyari no'ng gabing 'yun?
Kung sakali na tama man ang hinala ko, paano napunta doon si Bernard? Magulo pa rin ang isip ko. Kung totoong si Bernard nga 'yun ibig bang sabihin ay alam niyang ako ang babaeng pinagsamantalahan niya no'n nang dahil sa sobrang kalasingan?
Imposibleng hindi niya alam 'yun. Kaya ba naging mabilis para sa'min ang lahat ngayon? Kaya ba naging palagay na agad ang loob niya sa'kin sapagkat no'ng una palang ay alam na niyang ako ang babaeng 'yun?
Hindi Sam! Ayusin mo ang sarili mo! Hindi ka pwedeng magpahalata na maraming gumugulo sa isip mo.
Sa ngayon, ang makausap ng personal si Troy ang kailangan ko. Nang sa gano'n ay malaman ko ang lahat! Siya lang ang makakasagot ng mga tanong ko.
Inayos ko ang aking sarili bago lumabas ng kwarto. Hindi ako pwedeng magpahalata sa kanya. Hangga't hindi pa ako sigurado ay hindi muna ako magpapahalatang alam ko na ang lahat. Ayokong pangunahan ng bugso ng galit ko. Ayokong isipin na niloloko niya lang ako. Ngayon pa, ngayon pa na unti-unti na akong nahuhulog sa kanya? Ngayon ko pa ba malalaman ang lahat?
"Sam?" Isang magka-sunod na katok ang gumising sa'kin mula sa malaliman na pag-iisip. Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa kama at nagpunas ng mukha, sinisigurado na walang bakas ng luha ang maiiwan. Nakapagbihis na rin naman ako ng damit kanina mula sa pagkabasa ng dagat.
"S-Sandali." Sagot ko sa kaniya. Pagkatapos ay tinungo ko na ang pinto. Bumungad sa'kin ang seryoso niyang mukha.
"Are you okay? Nakausap mo ba sila? Umiiyak ka ba? Namumula ang mga mata mo."Akmang hahawakan niya ang mukha ko pero iniwas ko agad.
"Medyo lang." Pinilit kong ngumiti upang maitago ang tunay na nararamdaman ko.
"Halika, nag-handa ako ng fresh juice." Hinawakan niya ang kamay ko at hinila niya ako pagkatapos kong maisauli ang phone niya.
Sa kamay niya na nakahawak sa'kin ako nakatingin. Bakit gano'n? Parang mas gugustuhin ko pang hindi siya ang Ama ni Calix. Bakit parang mas gugustohin ko pang si Troy na lang kasi parang mas masasaktan ako pag nalaman ko ang totoo...
Nang makaakyat kami sa itaas ay naghihintay na sa amin ang hinanda niyang pagkain. Kahit masarap ang mga 'yun parang wala akong gana.
Pinaghila niya ako ng upuan at ipinaupo.
"Hindi tayo nakakain kanina ng maayos kaya ubusin mo 'yan." Wika niya sa akin. Kinuha ko ang isang baso na may lamang shake at sumipsip ako. Nasa harapan ko siya at nakangiti at nakatitig sa akin.
"S-Sir may itatanong ako." Kinakabahan kong tanong sa kanya. May gusto lang akong malaman mula sa kanya. Pero hindi ko itatanong 'yun ng diretso sa kanya. Tumayo siya at mabilis na inabot ang labi ko na ikinagulat ko.
"Sabi ko sa'yo huwag mo akong tawaging, Sir. Bernard na lang Sam." Wika niya nang mag-hiwalay ang labi naming dalawa.
"Ano yun?" Naikuyom ko ang aking palad na nasa aking hita. Sanay siguro siyang makuha ang isang bagay nang hindi niya pinaghihirapan!
"Gusto ko lang malaman kung totoo ba talaga ang nararamdaman mo sa'kin?"
"Yes, like I told you earlier. I'm serious Sam. Bakit? Sasagotin mo na ba ako?" Hindi ko masasagot ang tanong niya hangga't hindi ko pa rin nakakausap si Troy.
"M-May nabuntis ka na ba?"
Hindi ko alam kung bakit ito ang naisipan kong itanong. Hindi ko alam kung gusto ko ba na siya mismo ang umamin sa'kin...
"Wala, bakit mo naman naitanong 'yan? Sinisigurado mo bang binata ako?" Natatawang sabi niya sa 'kin." Hindi naman siya mukhang nagsisinungaling sa'kin.
"By the way, gusto mo bang umuwi sa probinsya? I know nami-miss mo na ang anak mo. Gusto mo dalawin natin siya? Para naman makilala niya ang magiging Daddy niya in the future."
"Hindi!" Nagmadali akong tumayo at iniwan siya.
"Sam!" Hinaklit niya ang braso ko kaya napaharap ako sa kanya.
"Why? Anong nangyayari sa'yo? Bakit ganiyan ka?" Nagugulohan niyang tanong sa'kin.
Sasagot na sana ako pero biglang tumunog ang cellphone niya na hawak rin niya. Pero hindi niya pa rin ako binibitawan nang sagutin niya 'yun.
"Yes, Dad?" Tanong niya sa katawagan na ama habang nakatingin sa'kin.
"What?! Kumusta si Mom?" Bigla ay napalitan ng pag-aalala ang guhit ng kanyang mukha. May palagay rin akong may nangyari sa kanila kaya siguro kanina pa tumatawag ang Daddy niya.
"Okay, I'll be there in an hour."
Pagkatapos niyang patayin ang tawag ay muli siyang nagpindot sa phone niya.
"Hello, Captain? Pasundo mo na kami. It's an emergency." Utos niya sa piloto. Pagkatapos ay ibinalik na niya sa bulsa ang cellphone niya.
"We had to go back. Inatake si Mommy, nasa ICU siya ngayon." Nag-aalala niyang pag-imporma sa'kin. Pagkatapos ay dinala na niya ako sa kwarto. Hindi na ako nagbihis pa at nagmadali na rin akong mag-ayos ng gamit.
Pagkatapos ay lumabas na ako. Nadatnan ko siyang naghihintay. Narinig ko na din ang chopper na paparating. Pagkatapos ay umakyat na kami. Tahimik lang siya nang makasakay na kami sa chopper. Siguradong pagdating namin sa penthouse ay aalis na rin siya. Ito na ang chance ko na makausap si Troy.
Halos isang oras din kaming nag-byahe pabalik sa penthouse. Pagkalapag ng chopper ay nauna siyang bumaba at inalalayan ako pababa.
"Stay here, uuwi agad ako mamaya, okay?" Wika niya na ikinatango ko. Pinatakan pa niya ako ng magaan na halik sa noo bago siya umalis. Pinanuod ko pa ang pag-alis ng chopper dahil kumakaway pa siya sa'kin.
Nang malayo na siya ay saka ako pumasok sa loob. Kinuha ko agad ang phone ko para matawagan ko si Troy. Kinabisa ko talaga ang numero niya.
Ilang ring lang ang hinintay ko ay sinagot niya rin ang tawag ko.
"Who's this?"
"Si Sam 'to. Are you busy? Pwede bang magkita tayo sa pinakamalapit na restaurant, after an hour?"
"Tamang-tama katatapos lang ng meeting ko. Okay, I'll be there."
Pagkatapos ng maiksing pag-uusap namin ay pinatay ko na ang tawag.
Mahigpit ang kapit ko sa cellphone ko. Kailangan ko ng isang oras para ihanda ang sarili ko sa posibleng malaman ko mula sa kanya. Kailangan ko rin na makaalis dito nang hindi nalalalaman ng mga bantay sa ibaba.
BINABASA MO ANG
His Secretary's Secret (COMPLETED)
RomanceMaagang nabuntis si Sam dahil sa isang pagkakamali. Pero itinama niya yun at nagpatuloy sa buhay. Nagsikap siyang matustusan ang pangangailangan ng kanyang anak. Dahil tinalikuran na rin ito ng Ama nito at ayaw niyang magmakaawa dito na sustentuhan...