Chapter 18

1K 29 0
                                    

Sam's POV


"Calix! Gumising ka!" Sigaw ko, nagsusumamo na gumising siya habang walang humpay sa pag-agus ang aking mga luha. Mabilis na inilalapag siya ni Bernard sa buhangin. Kita ko din sa mukha niya ang labis na pag-alala. Kaagad niyang ini-awang ang labi nito at hiningahan sa bibig. Para akong hihimatayin dahil sa labis na takot, natulog lang kami... Tapos sa isang iglap...

"Calix! Wake-up! Baby wake-up!" Patuloy na pag CPR ni Bernard sa kanya. Paulit-ulit din niyang pina-pump ang dibdib nito. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Nakayakap na din sa akin si Inay at umiiyak na rin.

Napaluhod ako sa buhangin at hinawakan ang kamay ng anak ko. Kung pwede lang na panaginip ang lahat ng ito, nanaisin ko ng magising. Pero hindi... Naging pabaya ako...

Habang lumilipas ang bawat segundo, parang pati ang paghinga ko ay titigil na din dahil sa sobrang takot na nararamdaman. Hindi magkamayaw ang aking mga luha sa pagtulo. Samantalang si Bernard ay hindi pa rin tumitigil sa kanyang ginagawa. It's as if he's trying to keep going even after the worries he had. Hindi sumusuko. Hanggang sa nararamdaman ko ang paghawak ng kamay sa akin ni Calix.

"Calix? Calix!" sunod-sunod siyang napaubo, agad siyang tinagilid ni Bernard dahil maraming tubig ang lumabas sa kanyang bibig. Tila nabunotan ako ng tinik nang makita ko ng dumilat si Calix. Hinihingal na niyakap ni Bernard ang anak ko at buong-pusong hinalikan sa noo.

"Thank God you're safe, Son." Mahina niyang pagpapasalamat.

"M-Mama..." Na-alarma ako ng tawagin ako ni Calix, kaagad ko siyang kinuha kay Bernard at mahigpit na niyakap.

"Sam, kailangan natin siyang dalhin sa hospital." Suhestiyon ni Bernard na mabilis kong ikinatango. Umalis siya sa harapan ko, at ako na rin ang bumuhat kay Calix. Malayo ang hospital dito. May isang oras ang byahe. Pero sa ngayon, gusto kong magtiwala sa magagawa ni Bernard. Nagawa niyang iligtas ang anak ko at alam ko sa mga kilos niya kanina ay naramdaman kong nag-alala din siya.

Ilang minuto lang ang nagdaan ay narinig ko na lang ang tunog ng chopper. Nag-landing ito sa may pampang.

Inalalayan niya rin kaming tumungo doon, saka ko lang rin napansin na wala ang iba niyang tauhan. Bihis na bihis rin siya at ng dahil sa nangyari ay basang-basa na siya ngayon.

"Inay, maiwan na muna po kayo dito. Baka sakali na dumating si Itay at hanapin tayo. Kami na po ang bahala kay Calix." Naiiyak na paalam ko sa kanya. Hinalikan niya ang anak ko at niyakap niya ako.

"Iuwi mo siya agad kapag okay na siya. Hahapin siya ng Lolo niya." Habilin ni Inay. Bago kami sumakay sa chopper.

Sa tulong ni Bernard ay mabilis naming narating ang hospital. Kaagad kaming sinalubong ng stretcher at mga doctor. Parang alam na nila ang gagawin. Nanghihina pa rin ang anak ko pero nag re-response na ito sa tawag ko sa kanya. Pagkapasok sa E.R ay nasa labas lang kami ni Bernard naghintay. Hindi pa rin ako napapanatag, nag-aalala pa rin ako. Papaano kung hindi niya nailabas lahat ng tubig na nainom niya? Papaano kung may natira pa sa baga niya?

Sa kalagitnaan ng aking malaliman na pag-aalala ay naramadaman ko na lang ang kamay ni Bernard sa likuran ko at marahan na hinahaplos na para bang tinutulongan ako sa pagpapakalma ng aking sarili.

"Sam, don't worry okay? Everything will be fine."

"Salamat... hindi mo lang alam para na rin akong mawawalan ng hininga kanina. Thank you dahil iniligtas mo si Calix." Napahilamos ako sa aking mukha at itinukod ang siko sa aking tuhod.

"Yun din ang naramdaman ko, Sam. Kung alam mo lang din. Papaalis na sana ako bitbit ang maleta ko kanina. Gusto sana kasi kitang bigyan ng panahon para makapag-isip. Ngunit, nang marinig ko ang sigaw mo kanina at natuklasan ang nangyari, biglang nagbago ang isip ko. Yung takot at pangamba na bumuhay sa pagkatao ko kasama ng mahinang dasal na sana huwag kunin sa'tin si Calix at bigyan ako ng panahon para maging ama sa kanya, makabawi lang din sa lahat ng mga pagkukulang ko pati na rin sa mga mali na nagawa ko sa'yo... Please, patawarin mo na ako at magsimula tayo muli bilang isang pamilya, Sam. Nagmamakaawa ako sa'yo, Sam. Bigyan mo sana ako ng pagkakataon para magawa ang mga 'yun. Pinapangako ko, magiging mabuti akong ama sa kanya at magiging mabuting asawa sayo..." Mahabang pagpaki-usap niya sa akin. Subalit hindi ko muna 'yun pinansin lalo na't bumukas ang pintuan ng E.R at lumabas ang doctor. Sabay kaming napatayo.

"Doc? Kumusta na po ang anak namin?" Si Bernard na ang nagtanong habang nakaalalay pa rin sa likod ko.

"Magaling ang ginawa mong first-aid, Mr. Villegas. Mabuti na ang lagay niya. Kailangan lang niya ng pahinga napalitan na rin namin ng hospital gown ang damit niya. But we have to undergo another test para masiguradong wala ng tubig na naiwan sa baga niya. Tingin ko rin ay nagkaroon siya ng trauma mabuti pa at ipalipat niyo na siya sa room para maalagaan niyo siya ng maayos. Baka bukas niyo na siya mai-uwi." Sagot ng Doctor. Nagpasalamat pa kami bago niya kami iniwan.

"Dito ka muna aasikasuhin ko lang ang paglilipatan niya." Bilin sa akin ni Bernard. Tumango na lamang ako sa kanya at pumasok na rin ako sa E.R para makita ang anak ko.
Maya-maya pa ay nailipat na rin si Calix sa isang pribado at magandang kwarto. Malaki ito at malamig may malaki din na t.v at sa fourth floor pa ng hospital ang kinuha ni Bernard.

"Napagastos ka pa ng malaki para lang mailipat ang anak ko sa mamahaling silid na ito." Wika ko sa kanya nang makaalis na ang mga nurse na naglipat kay Calix sa bed.

"Anak ko din siya, Sam. Maliit na bagay lang ang ginawa kong ito kumpara sa matagal na panahon ng pagkukulang ko sa kanya." Makahulogan niyang sabi. Kasalukoyang tulog pa din si Calix at ako naman ay nakaupo sa kanyang tabi habang nakahawak sa kanyang kamay. Nakatayo naman siya sa tabi ko habang pinagmamasdan si Calix.

"Ang laki na ng anak natin, totoo bang sinabi mo sa kanya na nasagasaan ng tren ang ama niya? Anim na taon mo na pala akong pinatay sa kanya." Nahimigan ko ang lungkot sa boses niya. Pero hindi naman siya ang kinasusuklaman ko ng anim na taon. Yun ay si Troy.

"Bakit? Anong gusto mong sabihin ko sa anak ko? Mas madali niyang matatanggap kung iisipin niyang patay ka na. Kaysa malaman niyang buhay ka pa, pero ayaw mo naman sa kanya."

"Hindi ko naman sinabi na ayaw ko sa kanya, Sam. Hindi ko alam na nabuntis kita. Gulong-gulo na ako noong panahon na 'yun. Yun ang malaki kong pagkakamali. Sana man lang ay humingi ako ng tawad sa'yo no'n. Sana man lang inalam ko ang lagay mo. Pero dahil kay Troy wala akong nalaman. Ang mas masakit pa, siya ang inakala mong Ama ni Calix. Ayaw ko mang sabihin ito sa'yo, pero to tell you honestly nang malaman kong anak ko siya sobrang saya ko, Sam. Kahit alam kong mali ang ginawa ko sa'yo noon ay naging masaya ako sa pagkakamali ko. Masaya ako dahil ako ang kanyang Ama at hindi si Troy. Masaya ako dahil nakita at nakilala pa kitang muli." Mahabang paliwanag niya. Lumuhod siya sa harapan ko at ginagap ang isang kamay ko. Ipinatong naman niya sa kamay namin ni Calix ang isa niyang kamay.

"Please Sam, I'm begging you...forgive me. Mahal kita at mahal ko si Calix. Please...kahit ngayon lang maniwala ka sa akin. At kapag nasaktan kita ulit wag mo na akong patawarin. Hindi ko na rin kayo guguluhin. Just give me a second chance to prove myself. Please..." Pagmamakaawa niya. Parang hinaplos ang puso ko sa sinabi niya. Pinigilan ko ang mapaluha pero traydor talaga ang puso ko. Namalayan ko na lamang na sunod-sunod na ang pagpatak ng luha ko.

Nag-angat siya ng tingin at kitang-kita ko ang pagsusumamo ng kanyang mga mata sa akin para lang patawarin ko siya.

"P-Pinapatawad kita hindi lang dahil sa niligtas mo ang anak ko. Pinapatawad kita, because I deserve to have peace of mind at kailangan ko din patawarin ang sarili ko. Pinapatawad kita because of my child. He deserves a father. Pinapatawad kita, dahil mahal din kita... Bernard." Mahinang sambit ko sa kanya. Unti-unting sumilay ang ngiti niya sa kanyang labi.

"R-Really? Pinapatawad mo na ako?" Nakagat ko ang aking ibabang labi at tumango ako sa kanya. Naramdaman ko ang pagpisil niya sa kamay ko at kaagad siyang tumayo para yakapin ako.

"Thank you Sam...hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya ngayong napatawad muna ako. Gumaan na rin ang mabigat na dinadala ko." Mahina at paos bulong niya sa akin habang nakayakap pa rin siya sa akin.

Pabalik na kami sa isla. Magaling na rin si Calix. Nag-usap muna kami ni Bernard na hahanap ng magandang tiempo para sabihin kila Inay at Itay ang totoo. Galit ang naramdaman nila kay Troy noon at sabi niya pa sa akin ni Itay baka mahabol niya lang daw ito ng itak kapag nakita niya si Troy. Alam kong galit parin sila dito.
Mabuti na lamang at nakumbinsi ko si Bernard na ako na ang magsasabi sa kanila. Sa halos dalawang araw namin na pananatili sa hospital naging malapit ang mag-ama. Wala pa ding idea si Calix na Ama niya si Bernard. Gusto ko kasi kapag sinabi ko na kina Itay at Inay saka ko sasabihin sa kanya ang lahat. Hindi man niya maintindihan mukhang madali na yun dahil ngayon palang kitang-kita ko na ang pagiging malapit nilang dalawa.

"Tito Bernard, sasakay ba ulit tayo ng helicopter?" Tanong ni Calix sa kanya. Hawak na niya ito sa kamay.

"Yes, young man. Why? Natatakot ka din ba sa helicopter?" Nakangiting tanong ni Bernard sa kanya.

"Hindi po, brave ako like Mama." Masayang sagot ni Calix sa kanya.

"Really? I thought nagmana ka sa Dad—" Hindi na niya naituloy ng sikuhin ko siya.

"Po? Hindi ah, duwag daw ang Daddy ko kaya nasagasaan ng tren. Kasi imbis na alagaan niya kami ni Mama ay tumakas siya. Sabi ni Lola ko." Nagkatinginan kaming dalawa ni Bernard. Yun na kasi ang alam ni Calix simula noon. Hindi ko naman alam na darating ang araw na ito.

"What if buhay ang Daddy mo? Tapos gusto ka niyang makasama, kayo ni Mommy mo papayag ka ba?" Seryosong tanong niya dito. kinuha ni Calix ang kamay niya na nakahawak kay Bernard at pinagsiklop ang dalawa niyang kamay na parang naghahanap ng away.

"Susuntokin ko muna siya ng maraming beses, tapos kapag iyak na siya saka ako papayag."

"Why naman? Galit ka ba sa kanya kaya mo siya gustong suntokin?"
Sunod-sunod na umiling si Calix sa kanya.

"Galit ako sa kanya kasi pinaiyak niya si Mama, galit ako sa kanya kasi hindi niya tinulongan si Mama na magtrabaho. Galit ako sa kanya kasi ayaw niya sa'kin kaya iniwan niya si Mama." Kaagad akong yumuko at pinantay ang mukha ko sa kanya.

"Calix, anak. Kapag malaki ka na ipapaliwanag ko din sa'yo ang lahat. Pero sa ngayon, happy na si Mama. Kaya kalimutan mo na 'yung galit mo, okay? Strong si Mama kasi strong ka din. At kung bumalik ang Daddy mo ako na ang bahalang sumuntok sa kanya. Pero I'm sure kapag bumalik si Daddy may dahilan 'yun. Ibig sabihin gusto na niya tayong makasama. Para maging happy na rin tayo di'ba?" Nakangiti siyang tumango sa akin na para bang naiintindihan na niya ang lahat ng sinasabi ko. Ang hirap kasing ipaliwanag sa kanya ang situwasyon namin ni Bernard. At hindi ko alam kung paano ako magiging handa kapag dumating ang araw na 'yun.

"Wow! Ang laki ng helicopter!" Bulalas niya ng may malawak na paghanga nang paglapag ng chopper malapit sa malawak na garden ng hospital.

Nauna niya akong inalalayan sa pagsakay. Sumunod na itinaas niya si Calix na inabot ko rin, pagkatapos ay panghuli na siyang umakyat. Si Bernard na rin ang nag-ayos ng noise reduction headset sa amin.

Kitang-kita ko ang mga nasa baba. Papalubong na rin ang araw kaya nagkukulay kahel na ang langit.
Ilang minuto lamang ang nakalipas ay nasa isla na kami. Unti-unting bumaba ang chopper sa patag na pampang. Naunang bumaba si Bernard at binuhat niya si Calix pababa. Sinalubong kami ni Inay at Itay. Tinawagan namin sila na kailangan muna naming manatili sa hospital para hindi sila mag-alala.

"Apo!"

"Lola! Lolo!" Tumakbo si Calix para mayakap ang dalawa.
Nagkatinginan kami ni Bernard.

"Pwede bang sa kubo ko na kayo matulog? Natatakot kasi ako sa insekto." Mahinang sambit niya na ako lang ang nakakarinig dahil paalis na rin ang chopper.

"Saka na, kapag okay na ang lahat. Mabuti pa pagkatapos mong mailapag ang gamit mo pumunta ka sa bahay namin para makasabay ka na namin sa hapunan." Nakangiti kong pagyaya sa kanya. Nakagat niya ang kanyang ibabang labi at hindi mabura ang ngiti niya.

"Maraming salamat, Hijo. Sa pagligtas at sa pag-aalaga sa kanila. Hindi ko alam kung paano kita mababayaran sa kabutihan mo." Wika ni Itay sa kanya.

"Wala po 'yun. Kung may maitutulong naman, why not po na tumulong? Ang mahalaga ay magaling na si Calix." Sagot niya kay Tatay na ikinangiti nito.
Nang makarating na kami sa tapat ng bahay ay pumasok na siya sa kubo niya sumulyap pa siya sa akin kaya nginusuan ko na siyang pumasok na at kami naman ay pumasok na rin sa bahay namin.

"Naku, ang swerte natin sa kapit-bahay natin, Sam. At mukhang okay na rin kayong dalawa ah. Sayang lang at may-asawa na pala si Bernard." Napaangat ako ng tingin nang marinig ko 'yun kay Itay.

"Oo nga, at sobrang ganda din ng asawa niya. Kaya lang mukhang maarte." Mahinang sambit naman ni Inay sa akin.

"Ano pong ibig niyong sabihin?" Kunot noo na tanong ko sa kanila.

"Ano nga bang pangalan nong asawa ni Bernard? Trexia? Trixie? Ay basta! Kahapon pa siya nandito at inaantay ang pag-uwi ni Bernard nasa kabila siya." Napatayo ako sa kinauupuan ko at kaagad na lumabas ng pinto. May naririnig akong kaluskos sa kubo kung saan nakatira si Bernard. Kung iisa ang Trixie na kilala ko, sigurado akong siya din yung nasa kubo ni Bernard.

Kinakabahan akong lumapit sa nakaawang na pinto. Hindi ko na binuksan pero gusto kong sumilip dahil gusto kong malaman kung nandito nga siya. Pero laking gulat ko nang makita kong nakatalikod sa gawi ko ang isang balingkinitan na katawan ng babae. Nakabitin siya sa leeg ni Ber—

Nanlaki ang mata ni Bernard nang makita niya akong matalim ang tingin sa kanya. Huling-huli ko sa akto na naghahalikan silang dalawa. Mabilis niyang tinulak si Trixie.

"Sam—" Sambit niya. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko para pigilan ang pangingilid ng aking luha. Yung pamilyar na sakit sa puso ko ay sariling nabuhay. Tinalikuran ko siya pero tinawag niya ako. Mabilis niyang hinaklit ang braso ko.

"Sam, I swear hindi ko siya hinalikan. Biglaan niya akong hinila at sinadya na halikan ako pagkabukas mo ng pinto!" Nagpaliwanag siya kaagad na nakikitaan. Humarap ako sa kanya at namalayan ko na lamang na kusang lumipad ang palad ko sa kanyang pisngi.

"Para sa pananakit at pagtakbo mo sa responsibilidad mo sa'min ni Calix! At ito?" Muli ko siyang sinampal sa kabilang bahagi ng pisngi niya. "Para sa lahat ng kasinungalingan mo!" Sigaw ko sa kanya. Akala ko magiging okay na ang lahat. Pero hindi ako naniniwalang hindi niya ginusto ang nakita ko kanina. Kung talagang si Trixie ang humalik sa kanya bakit hindi niya agad tinulak?

"Ang kapal din naman ng mukha mong saktan si Bernard. Sino ka ba? Isa ka lang malanding babae na pagkatapos ipaako sa ibang lalaki ang kanyang anak ay mang-aakit naman ng iba! Wala na bang ibang kakamot kaya pati fiancé ko ay balak mo ng ipakamot ang kati mo?!" Naniningkit na sigaw ni Trixie sa'kin.

"Shut-up, Trixie! Umalis ka na dito! I told you hindi ako magpapakasal sa'yo si Sam ang gusto kong pakakasalan!" Nanlaki bigla ang mga ni Trixie habang nakatingin pa rin sa akin.

"Bakit isang disgrasyadang babae pa ang gusto mo, Bernard?! Nahihibang ka na ba?!" Hindi na ako nakapagpigil at kaagad ko siyang sinugod. Mabilis ko siyang dinambahan kaya kaagad siyang napahiga sa buhangin. Sinakyan ko siya sa tiyan at mabilis kong hinablot ang kanyang buhok.

"Ikaw! Gigil na ako sa'yo eh! Hindi ako makati! At lalong hindi ako nangangati! Ikaw ang makati dahil pinagpipilitan mo ang sarili mo kay Bernard kahit pinagtatabuyan ka na niya!" Nangangalaiti ako sa galit, lalo na sa pagmumukha niya!

"Ahhh! Let me go! Nasasaktan ako! Bernard! Help me! This girl is crazy! Papatayin niya ako! Ouch! Bernard!" Naghi-histerya niyang sigaw. Lumapit si Bernard sa akin.

"Tama na yan, Sam. Please, bitawan mo na siya." Awat niya sa'kin. Matalim ang tingin na ibinigay ko sa kanya.

"Subokan mong mangialam! Pagbubuhulin ko kayong dalawa at itatapon sa dagat!" Galit na sigaw ko sa kanya. Hindi na niya alam kung papaano ako pipigilan, nalilito siya at kitang-kita ko iyon mula sa mukha niya na iniwasan ko agad ng tingin at ibinalik sa haliparut na si Trixie.

"Naku po, jusko! Samantha! Bitawan mo siya! Samantha!" Narinig kong pagsita sa'kin ni Inay. Nahimasmasan ako ng bahagya at lumuwag ang pagkakahawak ko sa buhok niya. Pero siya naman ang humila sa buhok ko kaya nagpagulong-gulong na kami sa buhangin. Hindi ko alam kung kaninong bisig na ang humahawak sa akin dahil nakatuon lamang ang aking atensyon sa kaaway.

"Tama na! Samantha!" Ma-awtoridad na sigaw ni Itay.

"Mama... Mama!" Napabitaw ako sa buhok niya kasabay ng paghila sa akin ni Itay at Inay samantalang si Bernard naman ang humila kay Trixie.

"Hayup ka! You'll gonna pay for this!" Galit na dinuro niya ako.

"Samantha! Ano bang nangyari? Bakit kayo nag-aaway?!" Igting ang pangang tanong ni Itay. Sa tanang buhay ko ay ngayon ko pa lamang naranasan na manabunot ng buhok. Nakakadismaya lang dahil hindi ko man lang naubos ang ginto niyang buhok!

"Pagsabihan niyo 'yang makati niyong anak!" Galit na parang bruha na sigaw ni Trixie habang dinuduro pa rin ako.

"Tama na, Trixie! Ipapasundo na kita!" Sabat naman ni Bernard.

"No! Hindi ako uuwi hangga't hindi kita kasama! Bakit?! Mas pipiliin mo pa ang disgrasyadang babaeng 'yan over me?! Kilabutan ka nga Bernard!" Gigil na sabi niya. Niyakap ako ni Calix na ngayon ay wala ng tigil sa pag-iyak.

Dumadami na rin ang tao sa paligid. Dahil sa lakas ng sigawan namin. Marahas niyang hinarap si Trixie.

"Mahal ko si Sam, at ang sinasabi mong disgrasyada niyang anak ay anak ko sa kaniya, si Calix!"


"Anong ibig niyang sabihin, Samantha?" Mula kay Bernard ay napatingin ako sa mga magulang ko. Dahil sa bugso ng damdamin ko ay nakalimutan ko ang tungkol doon. Na dapat ay naghihintay ng tamang tyempo at oras upang ungkatin ang tungkol sa sekreto namin, pero sa halip ay ganito ang nangyari.

"Totoo ba ang sinasabi niya?" Ulit na tanong ni Itay sa'kin.

"Tay, Nay h-hindi po si Troy ang Ama ni Calix... Si Bernard po..." Nakayukong sambit ko sa kanya.

"Anong ibig mong sabihin? Hindi mo alam na hindi si Troy ang Ama? At paano nangyari ito?" Nagugulohan na sila ngayon, at ako naman ay hindi mapigilan ang

"Tell me that you're just lying, Bernard! Paano naging ikaw ang Ama ng batang 'yan?!" Sigaw naman ni Trixie habang matalim ang mga matang tumingin sa amin. Imbis na sagutin niya si Trixie ay lumapit siya sa amin.

"Tay Gustin, magpapaliwanag po kami ni Sam." Humarap si Itay sa kanya at nagulat nalang ako nang bigla niya itong sinuntok sa mukha, dahilan ng pagkasubsub si Bernard sa buhangin.

"Bernard!" Sigaw ni Trixie.

"Tay!" Sigaw ko din at agad na lumapit kay Bernard.

Nagtangkang lumapit ang ilang bantay na natira, pero inangat ni Bernard ang kamay niya upang pigilan ang mga ito. Parang sinasabi nilang wag makealam.

"Tay, tama na ipapaliwanag ko din naman sa inyo ang la—"

"At anong sasabihin mo sa'kin? Na hindi si Troy ang nagsamantala sa'yo kundi ang lalaking 'yan?! Siya ba ang nagsamantala sa'yo, Sam?" Galit na tanong ni Itay. Alam ko ng ganito ang mangyayari. Dahil 'yun ang sinabi ko sa kanila kaya nabuntis ako.

Sumugod si Itay kay Bernard at sinuntok ito ulit. Dahilan na siyang napasalampak ulit sa buhangin.

"Tama na, Gustin!" Narinig kong pigil ni Inay, habang yakap niya ang umiiyak kong anak.

Humarang na ako sa gitna nila para magmakaawa sa kanya. Dumudugo na rin ang ilong ni Bernard. Kilala ko si Itay kapag nagalit. Alam kong hindi niya titigilan si Bernard hangga't hindi ito nawawalan ng malay at natatakot ako na baka mapatay niya ito.

"Tay, please... Tama na... Maawa kayo sa kaniya."

Nagtagis ang bagang ni Itay habang matalim na nakatingin sa'kin. "Maawaa? Naawa ba siya sa'yo nang pagsamantalahan ka niya? Naawa ba siya sa'yo no'ng mag-isa mong dinadala si Calix? Sa tingin mo maawa ako sa kanya pagkatapos ng ginawa niya sa'yo? Samantha anak... Mataas ang pangarap ko para sa'yo kaya hindi na kami nagkaroon pa ng anak ng Inay mo para mabigyan ka namin ng magandang kinabukasan. Alam mo ba kung anong naramdaman ko noong umuwi ka sa amin at inamin mong buntis ka pero tinalikuran ka na ni Troy? Gusto ko siyang patayin anak, dahil napaka inosente mo pa noon at nag-aaral pa lang. Sa kabila no'n iniisip ko kayo ng Ina mo at ng magiging apo ko na kapag nakulong ako wala ng tutulong sa inyo. Wala ng masasandalan ang Ina mo. Tapos gano'n na lang ay malalaman namin ang totoo? Pati ba kami na mga magulang mo ay niloloko mo?" Panunumbat ni Itay sa akin. Alam kong gano'n ang nararamdaman niya noon at napakasakit para sa akin na makita silang dalawa ni Inay. Lalo na noong mga panahon na kinailangan namin ng pera para sa panganganak ko.

"T-Tay, hindi ko po kayo niloko ni Inay. Sasabihin ko rin naman sa inyo ang lahat." Naluluhang sabi ko sa kanya.

"Pumasok kayo sa loob ng bahay." Utos ni Itay sa'min.

"Pero, Itay?" Humarap siya kay Bernard na ngayon ay nakatayo na. Nasa likuran niya si Trixie at masama pa din ang tingin sa amin.

"Umalis ka na dito at ayoko na makita ka pa dito. Hindi ka kailangan ni Sam at ng Apo ko. Kung madali kang napatawad ni Sam. Ako hindi." Mahinahon ngunit may diin pa rin na sinabi ni Itay bago humarap sa akin.

"At ikaw, kung ayaw mong pumasok. Mamili ka. Kami ng Inay mo o ang rapist na yan?" Nanlumo ako at napayuko sa sinabi ni Itay. Paano ko naman magagawang pumili sa kanila?

"Tay Gustin, please hayaan niyo muna po akong magpaliwanag." Pigil ni Bernard sa kaniya ng akmang aalis na ito.

Bumaling sa kanya si Itay "Wala ka ng dapat na ipaliwanag pa. Malinaw sa'kin ang ginawa mo sa anak ko at ayokong lumaki ang apo ko na kagaya mong mapagsamantala sa kahinaan ng iba. Mabuti pang umalis ka na bago pa kita magarote. Isama mo na rin ang lintang 'yan." Saad ni Itay bago niya kami tinalikuran at nagmadaling pumasok sa loob ng bahay. Sumunod sa kanya si Inay at naiwan kaming dalawa ni Calix.
Akmang hahabulin pa siya ni Bernard pero ako na mismo ang pumigil sa kanya.

"B-Baka mas lalo lamang na lumala ang sitwasyon kapag pinilit natin si Itay." Paki-usap ko sa kanya. Hinawakan niya ang kamay ko.

"Sam, hindi ko kaya... Hindi ko kayang dito na lamang matapos ang lahat... Paano kayo ng anak ko?" Pilit kong pinipigilan ang mapahikbi saka pinunasan ang basa kong pisngi. Kahit ako ayoko siyang umalis. Ngayon pa na maayos na ulit kami. Ngayon pa na alam na rin nila ang lahat at unti-unti na rin silang nagkakabonding ni Calix.

Yumuko siya at hinawakan ang magkabilang pisngi ni Calix na ngayon ay umiiyak pa rin.

"Ikaw po ba ang Tatay ko?" Mahinang tanong ni Calix. Hindi ko na napigilan ang luha ko at patuloy lang sa pagdaloy. Dahil sa nasasaktan ako para sa kanilang dalawa at para na rin sa mga magulang ko.

"Yes, I'm your father... Ako ang Tatay mo, Calix. I'm sorry.... Son." Sambit ni Bernard sa mababang boses habang mahigpit niyang niyayakap ang anak namin. "I'm sorry, I'm sorry... Patawarin mo ako... Mahal na mahal ko kayo ng Mama mo. Mahal na mahal kita anak..." Ngayon ko lang nakitang umiyak si Bernard kahit pala ang kagaya niya ay umiiyak din.

"Galit ako sa'yo!" Narinig kong pagsabi ni Calix sabay tulak kay Bernard.

"Anak!" Tawag niya dito pero tumakbo na ito papasok sa loob ng bahay namin. Kahit ako hindi ako makapaniwalang gagawin 'yun ng anak ko.

"Umalis na tayo, Bernard. Wala akong pakialam kung ikaw pa ang Ama ng batang 'yun. Bigyan mo na lang sila ng maraming pera para maka-ahon naman sila sa hirap." Narinig kong sabi ni Trixie.

Akmang susugurin ko pa sana siya nang pinigilan ako ni Bernard at siya na mismo ang humarap dito. Ang sarap sanang lamukusin ng mukha niya pero pasalamay siya at may pagtitimpi pa akong natitira.

"Mula sa gabing 'to. Ayoko na makita ang pagmumukha mo. Huwag ka ng umasa na makakasal ako sa'yo dahil hindi ikaw ang klase ng babae na pinapangarap kong mapakasalan. I'm not that dumb to trade a simple stone that was so hard to find than a diamond that is easy to get." Wika ni Bernard sa kanya. Isang malakas na sampal ang dumapo sa kanyang pisngi.

"Yes, I'm a diamond... Diamond that is hard to break. Paulit-ulit mo man akong saktan sa akin pa rin ang bagsak mo. At pagsisisihan mo ang gabing 'to. Kung hindi rin naman kita makukuha, wala ring ibang babae ang dapat makinabang sa'yo." Giit ni Trixie habang nanunubig ang mga mata sa pinaghalong sakit at puot.

"Are you threatening me?"

"Yes, so better be careful Mr. Villegas. Hindi pa ako tapos sa'yo." Banta ni Trixie sa kanya bago ako binalingan ng masamang tingin pagkatapos ay umalis.

"Umalis ka na muna, Bernard. Baka mas lalo lang magalit si Itay kapag nakita ka pa niya dito. Pero pangako kakausapin ko pa rin siya." Bilin ko sa kaniya dahil ayoko din naman na hanggang dito nalang magtapos ang lahat. Okay na kaming dalawa. Pero nire-respeto ko pa din ang mga magulang ko na hindi tumalikod sa akin sa mga panahon na kinakailangan ko ng masasandalan at karamay. Hindi pwedeng basta-basta ko nalang gagawin ang mga gusto ko dahil sila pa rin ang aking pamilya.

"I understand, for now aalis muna ako. But don't worry, babalik agad ako. I'll make sure to ask for forgiveness to them. Hindi ako titigil hangga't hindi niya ako napapatawad. But promise me, na hindi ka lalayo ulit. Promise me na hindi mo ako iiwan."
Sunod-sunod akong tumango sa kanya.

"Pangako, hihintayin kita." Pag-assure ko sa kanya at sa isang magaan na halik ang iginawad niya sa aking labi ang tumapos sa pag-uusap naming dalawa. Nagpasya akong magpaalam at bumalik sa bahay para sundan si Calix. Maya-maya pa ay narinig ko na lamang ang tunog ng papaalis na chopper at sigurado akong si Bernard na 'yun.

Nalulungkot man ako dahil sa nangyari wala na rin akong magagawa. Nalaman na ni Inay at Itay ang lahat at ang tangi ko na lamang magagawa ay kumbinsihin sila na patawarin si Bernard upang mabuo ang pamilya namin.

Kinabukasan ay wala pa ding imik si Itay sa akin. Kagabi nga ay hindi na daw ito nag hapunan. Si Inay lang ang kumakausap sa akin na hayaan ko muna si Itay. Humingi na rin ako sa kanya ng tawad. Alam kong masama din ang loob niya pero bilang isang Ina ay pinilit niya pa rin akong intindihin.

"Tay, kumain po muna kayo." Wika ko sa kanya. Habang naghahanda na siya sa pagpalaot. Kumuha siya ng pinggan niya pero hindi man lang niya ako tinatapunan ng tingin. Napakalamig niya sa'kin, gayo'n din ang paligid ngunit napapatalon nalang ako sa gulat ng isang magkasunod na putokan ang umalingawngaw.

Mas nagimbal ako nang may pumasok sa bahay namin na armadong mga lalaki at walang pagdadalawang isip na binaril si Itay na ikinabagsak nito sa lupa.
"Itay!" Sigaw ko at kaagad siyang nilapitan. Kinabog ang dibdib ko ng malakas na pagkabahala at pag-aalala. Binubulag din ako ng mga luha na namumuo sa aking mga mata.

"I-Itay? Itay gumising ka!" Paulit-ulit ko siyang ginigising at niyugyog hanggang sa tuloyan na siyang mawalan malay.

"Dalhin niyo ang babaeng 'yan at ang bata!" Malakulog ang pag-utos nito sa mga kasama nito. Mabilis akong tumayo at tumakbo patungo sa aking silid kung nasaan si Calix. Hindi ko alam ang gagawin ko takot na takot ako at nanginginig din sa takot. Niyakap ko ang anak ko at isinubsob ang mukha niya sa aking dibdib.

"Sino kayo?! Anong kailangan niyo sa'min?! Mga walanghiya kayo, binaril niyo si Itay!" Umiiyak na sigaw ko sa kanila. Tinutukan nila kami ng baril.

"Ano ba?! Lapitan niyo na sila bago pa dumami ang kalaban!" Sigaw ng isa kanina. Wala na akong nagawa kundi pagbabatuhin sila ng kung ano man ang madampot ko. Hanggang sa nasukol na nila ako.

Kinuha nila si Calix sa'kin na ngayon ay umiiyak na dahil sa takot. Susugurin ko sana sila pero naramdaman ko na lamang na may humampas sa akin kaya tuluyan na rin akong nawalan ng malay.

His Secretary's Secret (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon